CHAPTER 34 : GROWL REHEARSAL.

0 0 0
                                    

XIUMIN

Si SUHO ang naghati hati about sa mga part kung san kami kakanta. Kagaya din ng EXO na may kanya kanyang part sa lyrics sa pagkanta.

Yung iba nag double na ng part, labing dalawa kasi ang myembro nila while kami meron lang walo. ala kasi sila BAEKHYUN. CHEN. LAY. at SEHUN. Nag double part sila D.O. KAI. at SUHO.

Si CHANYEOL naman halos di maipinta yung mukha. sa kanya kasi binigay yung part na RAP dahil sya yung kahawig ni EXO CHANYEOL.

Mabilis kong nakuha yung lyrics ng kanta dahil hangul yung salita ng EXO samantala sila KRIS. TAO at LUHAN na mga half chinese halos magkandabuhol buhol yung dila.

Pagdating naman sa sayaw, kaming tatlo nina CHANYEOL at KRIS ang nangulelat. Todo pang aasar ang inabot namin kay LUHAN na madali namang nakuha yung step's

Saglit naming nakalimutan na magkaiba yung grupong kinabibilangan namin habang nagre- rehears.

Result ng first day? Waley. kulelat ang kinalabasan ng practice hanggang sa matapos ang araw. Di ko nga alam kung magsisibalik pa sila bukas.

Nagpahuli akong umuwi dahil balak kong maglinis muna. Napagdesisyunan kasing dito na din kami magpe- perform.

Nag uwian na ang lahat pero di ko inaasahang magpapaiwan din si KAI.

"Kamusta si BAEKHYUN?"- tanong nya habang naglilinis kami.

"Shempre ok".

"Hindi na ba sya kasapi sa MONSTER?".

"Hindi. trip lang naman namin yung nangyaring yon. asa naman kayong sasapi nga si BAEKHYUN sa mga halimaw na yon".

"Mabuti naman. hmm.. Si Kate Han? kelan ka pa nakipaglapit sa kanya?".

"Bakit mo tinatanong?".

"Alam mo bang buo na ang pasya nyang i reunite muli ang WOLF".

"Alam ko".

"So, naniniwala ka na ba sa kanya? na mababalik nya tayo sa dati?".

Napaisip ako. naniniwala na nga ba ko? Lumalapit lang naman ako sa kanya dahil gusto ko, hindi dahil sa umaasa kong mabubuo muli ang WOLF.

"Di ko alam".

"Trust her. i know magagawa nya kung ano man ang balak nya"- napakunot noo ko. napakalaki naman ng tiwala nya kay kate.

"May gusto ka ba kay kate?".

"Oo"- natawa ko sa sagot nya. No doubt.

"Kaya pala ganon na lang kalakas ang pananalig mo sa kanya".

"Bakit ikaw? ala ka bang gusto sa kanya?".

"Of course! ala".

"Good, this time kasi di ko na hahayaang may makaagaw sa babaeng gusto ko. Tara na, ok na yan"- nauna na syang naglakad palabas.

*Min Residence*

Ilang beses ko pang minemorise yung line ko pati na din yung step ng sasayawin namin. saglit akong tumigil ng makaramdam ng uhaw.

"Bakit ba ginagawa ko to? yung magpakapagod para lang ma- perfect ang isang sayaw? dahil nga lang ba para mapatawad nya ko?".

Napabuntong hininga ko tsaka namintana.

"Di kaya mali ang naisagot ko kay KAI kanina.. palagay ko kasi di lang pagpapatawad nya ang gusto kong makuha.. pati sya, gusto kong ng maging sakin".

Next day di ko inaasahang magsisibalik pa sila. kala ko kasi isasawalang bahala na lang nila yung rehearsal di naman kasi nila obligasyon na tulungan ako. isa pa di naman talaga kami totaling magkakasundo.

Tuloy ang practice. lahat mukang kina- career yung part nila. Sa totoo lang di ko inaakalang mangyayari to, na magkaisa kami para lang sa isang babae.

Third day. malaki na ang improvement ng bawat isa, di na nauutal sila KRIS. LUHAN. at TAO sa lyrics. Kayang kaya na din namin makipag sabayan kay KAI sa pagsayaw. Overall, malapit na naming ma perfect yung performance.

Fourth day. Di ko inaasahang pati sila makikisali. bigla na lang kasi dumating sila CHEN at LAY.

"Baka makagulo lang kayo"- SUHO

"Huwag kang mag alala SUHO. easy learners naman yung mga yan, ako ng bahala sa kanila"- KAI

"For sure malaki din ang maitutulong namin, gusto nyo kayo lang ang makapag pasikat ha"- LAY.

"Di naman kami nagpapasikat"- D.O

"Tss.. huwag kayong mag alala. di namin aagawin yung spotlight nyo kay kate. kung di nga lang ako pinilit ni KAI di ako pupunta dito"- CHEN

"Pero ako di ko maipapangakong di ako mang aagaw ng spotlight ha. type ko kasi si kate"- nakangiting sabi ni LAY. masama na tingin ang pinukol ng lahat kanya.

"At least sinabi ko".

"Tama na yan. sa sunday na natin ipe- perform to kaya kailangan natin ng double time"- KAI.

"Tama si KAI. kailangan natin ng double time. marami pa ang di maka perfect satin. Game na ulit"- sang ayon ko sa kanya.

Di pwedeng sya lang ang makapag pasikat kay kate. inaamin kong ang galing ng mga galaw nya. di malabong humanga si kate don. pero di ako patatalo.

KUNG GUSTO KONG MAKUHA SI KATE. KAILANGANG MAS MAGALING AKO, SA MGA KARIBAL KO.

Malaki nga ang naitulong nung dalawa. Si CHEN sa kanta, king of high notes pala ang loko. taas ng boses eh. di ko ma reach. Si LAY naman sa sayaw. ang bilis nyang nakabisado yung step.

Nakabawas sila sa paghahatiang lyrics kaya mas dumali yung ginagawa namin. pati formation naayos na namin.

Nakakatuwa. di ko akalaing magagawa namin to ng samasama. Overall, we're ready.

HANDA NA KAMING MAG PERFORM. LIVE!

MISSION : REUNITE EXO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon