CHAPTER 19 : REUNION.

3 1 0
                                    


KATE

Di na ko mapalagay sa upuan ko, di na din kasi lumabas sa stage si SUHO. may ilang part na sya na dapat pero si yuri na ang sumasalo.

"CHANYEOL sorry, hindi ako uupo lang dito habang sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano na bang nangyari sa kanila"- tumayo na ko.

"Teka kate! tss! pasaway talaga!".

Sinamahan ako ni CHANYEOL at KRIS sa paghahanap sa BLACK WOLF. di nagtagal nakita din namin sila sa isang tagong lugar.

Simula na ang laban ng dumating kami. Gusto kong manigas sa kilig ng makita ang mga member ng BLACK WOLF.

Si SUHO.

LUHAN.

XIUMIN.

at BAEKHYUN!

OMG! SI BAEKHYUN! CAN I DIE?

Pero teka? apat lang ba ang BLACK WOLF? Twelve kasi ang member ng EXO.

sa RED WOLF. (si CHANYEOL. KRIS. KAI. CHEN. TAO. at LAY) so six sila.

sa BLACK WOLF. (si SUHO. LUHAN. XIUMIN. BAEKHYUN) sino pa bang kulang? oh!

si SEHUN at D.O

Pero asan sila?

Tuloy ang laban ng BLACK WOLF. ang galing nila, kahit maliliit ang height na napunta sa kanila. alang sinabi ang mga kalaban.

Lalo na kay BAEKHYUN.

"Hoy laway mo!"- siko sakin ni CHANYEOL.

"CHANYEOL naman eh!".

"Makatitig ka kasi wagas. crush mo si BAEKHYUN noh?".

"Whoaah? di ah!".

"Weh? talaga lang ha? wag ka na umasa, di ka type nyan. may iba ng gusto yan".

"Ha? sino?"- curious kong tanong

"Kitams. di daw, eh interesado ka kung sino crush nya".

"Interesado ko, don sa babae. kay BAEKHYUN hindi".

"Tss.. denial".

Hindi ko na lang sya pinilit, baka kung san pa mapunta yung usapan. Mabuking pa ko.

Crush ko naman kasi talaga si BAEKHYUN. pero mas crush ko si SEHUN. na malas kasi ala dito ngayon. kala ko pa naman makikita ko na sya!

"Anong ginagawa nyo dito!?"- naputol yung pag iisip ko ng may nagsalita.

SI BAEKHYUN!

Tapos na pala ang laban, at samin na nakatuon ang pansin nila.

"Gusto nyo bang sumunod sa mga asong to? kulang pa kasi yung workout ko today eh!"- si XIUMIN.

"Workout bang gusto mo? why not? kala nyo ba nakalimutan ko ng atraso nyo samin?"- umabante ng hakbang si KRIS.

"Atraso?"- si SUHO.

"Sinabi nyong puro porma lang ang RED WOLF. bat di natin subukan ngayon?".

"Ah! yon ba!? sabi sabi lang yon. pero palagay ko. totoo"- ngumisi si BAEKHYUN.

"Ano!?"- gigil na hiniltak ni KRIS yung shirt nya.

"Huwag KRIS!"- pigil ko sa kanya.

"Sino naman yan?"- rinig kong sabi ni XIUMIN

"Huwag KRIS.. huwag si BAEKHYUN. hindi naman kayo ang magkaaway dito"- bumitiw si KRIS

"Di kayo dapat nag aaway, dapat magkaka- kampi kayo. pakiusap, ibalik nyo na ang samahan ng WOLF"- natahimik silang lahat sa sinabi ko.

"Ehem! may reunion ba?"- lahat kami napatingin sa mga nagsidating. nanlaki yung mata ko.

MGA MEMBER NG RED WOLF!

Si KAI. TAO at LAY.

OMG! REUNION NGA!

Tatlo na lang ang kulang buo na ang EXO. Mukang magagawa ko na ang mission ko.

ANG I- REUNITE ANG EXO!

"Hi kate, ok na ba yung sugat mo?"- si LAY. hinawakan nya yung tagiliran ko napaatras tuloy ako.

"Ah- oo!".

"Kate? ahh!! yung famous na anak ng may ari ng E.X.O university, si kate Han!"- napapitik na sabi ni XIUMIN.

"Ano? famous? ako?"- point ko sa sarili ko.

"Oo. dahil sa mga lalaki mo. sa kanila"- point nya kayla CHANYEOL. KRIS. at LUHAN.

"Mga boyfriends mo daw sila. at mukang may dadagdag pa"- nakangisi nyang tinignan si SUHO.

"Nonsense"- putol ni BAEKHYUN sa usapan.

"Kung di nyo kami lalabanan, mabuti pa aalis na kami. Gaja!"- nauna na syang umalis.

Sumunod naman sila LUHAN. SUHO. at XIUMIN, kumindat pa si XIUMIN ng matapat sakin.

"Lagi talagang may dalaw yung lalaking yon"-LAY

"Kaya nasira ang WOLF dahil sa ugali nyang yon. masyadong hot"-TAO.

"Tara. inom na lang tayo, ala ng class after ng play. hindi na naman siguro tayo hahanapin"-KRIS.

"Tara! sama ka ba kate?"- siko sakin ni LAY

"Ha? ako?".

"Hindi. ikaw!"- dutdot nya sa noo ko. nagtawanan sila. nag pout ako.

"Trip mo ko!?".

"Di ah!".

"Oo"- mahinang sabi ni CHANYEOL.

"Anong sabi mo ha CHANNIE?"- inipit ni LAY yung ulo ni CHANYEOL sa kilikili nya.

"Ala! may sinabi ba ko?".

"Meron. may narinig ako eh! paki ulit lang!".

"Ala nga! bitawan mo ko! ang baho ng kili kili mo!"- nagsimula na silang mag asaran.

Nakakatuwa silang tignan. lahat sila nakangiti, napangiti na din ako. Mas masaya siguro kung kasama pa nila yung ibang member ng WOLF.

MAS MASAYA SIGURO KUNG BUO PA ANG WOLF.

Hindi ako sumama sa kanila sa bar, tatapusin ko pa kasi yung play. kaso ala na kong ka- buddy.

Si LUHAN kasi kasama na nila BAEKHYUN sa upuan. nahihiya naman akong lumapit sa kanila after ng nangyari kanina. si CHANYEOL naman pilit na isinama ni KRIS.

Lahat na ng cast nasa harap ngayon, ready na para sa last part.

Yun yung part na sasayaw yung mga bida, si YURI at SUHO. nakaka-inggit man, natutuwa pa din ako. na matatapos na ang play. at alang sinumang nasaktan.

LUCKY ang sasayawin nila, isa sa mga kanta ng EXO. at isa din sa paborito ko, natutuwa nga ako kasi pumayag sila ng i- suggest ko yung kanta. ang di ko lang alam..

SINONG KAKANTA?

Na excite ako bigla ng marinig yung intro ng kanta. naalala ko kasi yung EXO habang nagko- concert. Si EXO D.O ang simula non.

May isa pang member na lumabas galing sa back stage, naka hoody shirt sya na parang di naman related sa play. may sariling costume?

Napakunot noo ko ng iabot ni blake yung microphone sa kanya. sya palang kakanta? bakit di ko sya nakita sa mga practice? eh sya pala ang singer ng teatro.

Napahawak ako sa bibig ko ng kumanta sya, biglang may taong pumasok sa isip ko. di kaya.. posible!

Ang lakas ng kaba ko habang parang slowmong bumababa yung hoddy nya.. nanlaki yung mata ko.

SI D.O NGA!




MISSION : REUNITE EXO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon