CHAPTER 32 : NIGHT WITH XIUMIN.

1 0 0
                                    

XIUMIN

Mikael Min

Half korean. Half Filipino.

Code : XIUMIN

Group : BLACK WOLF.

Babae ang sumira ng samahan ng WOLF. kaya di ko akalaing babae din ang magiging dahilan para mabuo ulit ito.

Habang pinagmamasdan ko sila sa araw araw, kakaiba yung nararamdaman ko. Yung tipong gustong gusto kong makisali sa kwentuhan nila. gusto kong makisali sa asaran nila. Gusto kong.. makasama ulit sila.

Ayoko sa mga taong pa FC. yung tipong biglang lalapit tapos kala nya close na kayo agad agad. ang sarap pagbabanatan nung mga pagmumukha ng mga taong ganon.

Pero si Kate Han. unang kita ko pa lang sa kanya iba na yung naramdaman ko. Gusto kong pati ako mapalapit sa kanya, ayoko mang aminin..

NAIINGGIT AKO SA KANILA.

*4rt Street Bar*

Napangiti ako ng makita sya. kala ko di sya darating pero eto sya ngayon, mukang mas exited pa sya sakin.

Simple lang yung suot nyang red dress pero sobrang bagay naman sa kanya. nakataas yung buhok nya di gaya ng natural nyang ayos sa school na nakalugay.

Hindi nya namalayang nakaupo na ko sa tabi nya dahil busy sya sa panunuod sa phone. May earphones din yung magkabilang tenga nya.

Pasimple kong sumilip para tignan kung ano bang pinanunuod nya, tindi ng concentration eh! tss.. EXO.

"Uso na palang naka earphone sa bar!"- malakas kong sabi na ikinalingon nya. naghahadali syang nagtanggal ng earphone.

"XIUMIN!? kanina ka pa!?".

"Kadadating ko lang!".

"Ah. ahm ala kasi kong magawa".

"Bat di ka pa umorder!?".

"Hinintay pa kita eh!".

"So. Oorder na ko! anong gusto mo!?".

"Ikaw ng bahala!".

Isang bucket ng beer ang inorder ko tsaka roasted chicken. Inoobserbahan ko lang sya, halatang di sya sanay uminom kasi umaasim yung mukha nya sa tuwing iinom.

"Mukang good girl naman sya, kung ganon ano kayang dahilan ng pagka kickout nya?"- bulong ko sa sarili ko.

"Ayaw mo ba nung tugtog!?"- tanong ko. nakasaksak na naman kasi yung earphone nya sa tenga nya.

"Hm. medyo. mas maganda sana kung kpop ang ipe-play nila".

"Maiintindihan mo naman ba?".

"Oo naman. slight. half korean ako eh!".

"Ah.. marunong kang sumayaw!?".

"Ha? h-hindi! hindi ako sumasayaw!".

"Tss.. ala namang taong di sanay sumayaw!".

"Meron. ako!".

"Tsk! it's easy, I'll teach you. come!"- hila ko sa kanya.

"Wait lang yung phone ko".

"Tss.. iwan mo na nga yang gamit mo, pati yang phone. don't worry ang gagalaw nyan mayayari sakin".

Sinenyasan ko yung DJ na kakilala ko, tumango sya tsaka pinatugtog yung music. Nung isang araw ko pa to plinano, nagtanong pa nga ako kay BAEKHYUN about dito. sya kasi ang beterano pagdating sa usaping ganto.

MISSION : REUNITE EXO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon