CHAPTER 33 : BAHAY NG WOLF.

0 0 0
                                    

XIUMIN

Dahil sa sinabi ni Java. naghahadali akong pumunta sa bahay ni SEHUN. Pagbungad ko pa lang sa pinto sinalubong agad ako ng kamao nya.

"Para san yon!?"- galit kong sigaw.

"Para kay kate!".

"Bakit!? napano si kate!?".

"Hindi mo alam? huh! hantik lang naman syang mapahamak dahil sayo!".

"Bakit may ginawa bang masama si Java sa kanya!?".

"Hantik na! buti na lang andon ako!".

"Ano!? lokong Java yon ah! yari sya sakin! teka. bakit andon ka ha!? nag e-espiya ka ba sakin!?".

"Bakit ko gagawin yon?".

"Kung ganon kay kate?".

"Ala ka na don. pasalamat ka nga andon ako, kundi baka di lang yan inabot mo kayla KRIS".

Ayaw ko mang aminin tama sya, pasalamat ako dahil andon din sya nung time na yon. kundi baka pati sarili ko baka di ko mapatawad.

Nextday..

Pumunta ko sa bonchon ng malamang andon si kate. kailangan kong mag explain sa kanya. Na hindi ko naman talaga balak na iwan sya kagabi.

Palapit pa lang ako masama na yung tingin nila CHANYEOL at KRIS sakin. Well di naman sila yung pinunta ko kaya ala akong paki sa kanila. kasama din nila si KAI sa lamesa.

"Ano na namang kailangan mo? magpapalibre ka na naman?"- bungad na tanong ni KRIS.

"Hindi ikaw ang pinunta ko si kate".

"Ano pang kailangan mo sakin XIUMIN?"- may hinanakit ang boses na tanong nya.

Di ko maiwasang masaktan, ni tignan ako di nya magawa. di ko naman sya masisisi, hantik na syang mapahamak dahil sakin.

"I'm sorry..".

"Gusto kong patawarin ka XIUMIN- p-pero.. h-hindi ko kaya.."- umiiyak nyang sabi.

"Kate-

"XIUMIN. I HATE YOU!".

Nasundan ko na lang sya ng tingin ng magtatakbo sya palabas ng restaurant.

"Anong ginawa mo ha!? bakit umalis bigla si kate?"- hila sakin ni LUHAN.

"Hantik na syang mapahamak dahil sakin".

"Ano!?"- D.O

"Di ko naman sadya. di nyo kailangang mag react ng ganyan".

"Anong sabi mo!? pano kung napahamak nga sya? ha!?"- hila naman sakin ni KRIS.

"E-Excuse me sir. pasensya na po pero bawal pong mag away dito. natatakot po kasi ang ibang costumers"- awat samin ng ilang staff ng resto.

"SUMAGOT KA XIUMIN!".

"Tama na yan KRIS. mabuti pa sa labas natin pag usapan. sumunod kayo".

Nauna na silang lumabas. masama pa din ang tingin nila sakin bago nagsisunod kay KAI.

Di ko maiwasang mainis sa sarili ko. gusto ko lang naman mapalapit kay kate kagaya nila pero ganto pa yung nangyari. di rin pala nakakatuwa na laging may rambol.

Nag convoy kami dahil may kanya kanya kaming dalang sasakyan. hanggang makarating kami sa isang partikular na lugar. Lugar na kala ko di ko na ulit pupuntahan.

"Bakit dito?"- LUHAN.

"Gusto mo ba sa bahay mo?"- KAI.

"Ayaw".

MISSION : REUNITE EXO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon