CHAPTER 35 : EXO. LIVE!

1 0 0
                                    

Kate

Paikot ikot lang ako sa sala. di ko kasi alam kung makikipag usap na ba ko sa kanila o hindi.

Ilang beses ko na tong napag isipan pero di pa rin ako makapag decide. nauunahan kasi ko ng hiya.

Ilang beses na kasi silang tumatawag sakin pero ini- ignore ko lang yung mga calls and texts nila. ngayon tuloy nahihiya na kong humarap sa kanila.

"Ang arte arte ko pa kasi! pano ba to? hindi na sila nagtetext o tumatawag manlang, baka nawalan na ng kwenta lahat ng pinaghirapan ko. baka nag away away na sila".

"Tsk. kailangang may gawin ako, i know may kasalanan din ako kay XIUMIN. di ko naman kasi sya pinag explain muna, inuna ko agad yung feelings ko, ako nalang siguro yung magpapakumbaba".

"Ok. tama. yon ang mas tamang gawin kesa mabaliw ako kakaisip kung ano na bang ginagawa nila ngayon".

Nagpalit agad ako ng pang alis tsaka naghahadaling lumabas ng bahay. Hantik pa kong napasigaw ng pagbukas ko ng gate bumungad sakin si A.C.

"Cou'z cou'z dali!"- parang naiipitang tili nya.

"What!? bakit ba? may humahabol ba sayo!?".

"Ala ano ka ba!?".

"Eh bakit nga!? para kang nakakita ng cosplayer dyan. Ah tama, nakita mo na naman yung cosplayer na si goku noh?".

"Hindi!".

"Eh sino?".

"Sila!"- nguso nya.

"Kate!"- duet nila.

"SUHO!? D.O!? A-Anong ginagawa nyo dito?".

"Sinusundo ka".

"Ha!?".

"Eto kasing si SUHO alam daw yung bahay mo. di naman pala".

"Sorry naman. buti na lang nakita namin tong si A.C. kaso tinakbuhan naman kami".

"S-sorry"- nahihiya nyang sabi.

"Tara na kate"- D.O

"Saan?".

"Basta"- hila nya sakin

"Ha? t-teka yung bag ko".

"Sama ko cou'z"- naka pout na kapit ni A.C. sa damit ko. tinignan ko sila SUHO at D.O

"Sige sama mo na sya"- SUHO

"Talaga!? salamat SUHO. I'll behave promise"- todo ngiting sabi ni A.C

"Lets go".

Napakapit si A.C sakin ng dalin kami nila SUHO sa isang bakante at lumang building. Naghawak kamay kami habang naglalakad.

May tiwala naman ako kayla SUHO at D.O. alam kong di nila ko ipapahamak. Hanggang makarating kami sa second floor ng building.

MISSION : REUNITE EXO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon