Dati palang, alam kong gusto na kita
Pero alam ko na gusto mo rin ako
Pero, oo ba?
Gusto mo rin ba ako?
Kung oo, sana wag mo 'kong saktan
Dahil ika'y aking minamahal
Sana'y ako lang yung piliin mo.
Sa dinamidaming babae sa mundong ito
Sana'y ako lang ang angkinin mo
Sabi mo saakin ako'y gusto mo
Hinihiling ko na sana ako'y mahalin mo
Dahil nababaliw na ako sayo
Nababaliw sa konseptong pag-ibig na gusto kong ibigay mo
Masakit maghintay dahil baka'y walang darating
At masasayang lang ang oras ko
Mga oras, araw, buwan, taon na dapat binigyan kong pansin
Ngunit sayo lamang umiikot ang aking mundo
Na patuloy paring umiikot nang umiikot
Makasama ka lang kahit ilang segundo,
mapapasaya mo na ang araw ko.
Pinipilit kong kalimutan ka
pero mahirap talaga makalimutan yung mga pinagsamahan nating dalawa.
Pero sana'y ika'y aking pakawalan na
Dahil puso ko'y tila nadudurog na
Na para bang mawawalan ako ng hininga
Pero lagi mong tatandaan
Na kapag umuulan
Mga luha ko'y tila nagbubuhusan
Kaya sa tulang ito,
sana malaman mo kung gaano kahalaga ang turing ko sayo
Hindi mo man maintindihan aking nadarama
Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita.
![](https://img.wattpad.com/cover/121553081-288-k993536.jpg)
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryBasically, mga spoken words nga lang and mga tula toh. Enjoy!