Depression

271 1 0
                                        

Ito ay isang matinding pagdaramdam
Na halos nararamdaman ng karamihan
Ito ay isang damdamin na dapat labanan
Ngunit mga tao'y hindi tayo naiintindihan
Mga problema'y pati sarili mo'y hindi maunawaan
Dahil akala nila na ito'y kadramahan lamang
Ngunit hindi ito biro
Na dapat pagtawanan lamang
At hindi ito bagay
Na mawawala nalang na parang bula
Sapagkat ito ay dapat masolusyunan
Ng mas maaga pa
Dahil sobrang napapagod na ang mga katauhan
Sa mga bagay na nagpapaluha sakanila
Kadalasan ay kinukulong nila ang sarili nila sa kwarto
Dahil sa tingin nila'y walang pakialam ang mga tao
Palagi'y hindi nakakatulog
Dahil sa mga problemang hindi maayos-ayos
Pagkagising nama'y namamaga ang mga matang luhaaan
Dulot ng grabeng pag-aalala
Hindi kumakain ng tama
Dahilan ng napakalaking pagdurusa
Minsa'y iniisip na sana'y hindi nalang nabuhay
Kung ang buhay ay magkakaganito lamang
Kadalasa'y hinihiling na sana ibang tao nalang.
Yung masaya at walang kaproble-problema
Yung hindi mo na kailangan isipin pa yung mga
Bagay na nakaka-panakit sa sarili mo
Sana nga.
Ang sakit lang isipin na yung mga taong pinaghuhugutan mo ng lakas,
Sila pa yung mga tao na nakakapanakit pa sayo.
Ng sobra sobra pa.
Yung mga taong hinihingan mo ng tulong,
Sila pa yung wala sa tabi mo.
Sobrang sakit na talaga.
Minsan napapasigaw ka nalang ng,
"AYOKO NAAA!", "PAGOD NA AKO!"
Dahil sa totoo lang
Gustong-gusto nang sumuko
Gustong umalis at pumunta sa lugar na malayo
Na kung saa'y mahirap kang mapagtanto.
Araw-araw mo nalang tinitiis yung sakit,
Araw-araw ka nalang umiiyak,
Araw-araw mo nalang sinusuot yung mga "fake smiles" sa labi mo,
At araw-araw mo nalang iniisip na sana mawala na 'tong damdaming ito.
Ang hirap lang isipin na walang taong nakakaintindi sa'yo
Mahirap intindihin na nagdurusa ka ng ganito
At yung kalooban mo, parang pumanaw na.
Pero mahirap na balikan ang nakaraan,
Yung dati'y masaya at masigla ka pa
Yung mga panahong okay ka pa.
Pero patay na yung taong yun
Patay na yung "old self" mo.
Sana matapos na 'to
Itong pagdurusang ito.
Itong pagsubok na ito.
Itong problemang ito.
Itong bagay na ang tawag ay "Depression".

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon