Cellphone

649 1 0
                                    

Araw araw lagi kitang kasama
Palagi rin kitang nilulutuan ng pagkain,
Lagi kitang nilalambing,
Lagi kitang niyayakap,
Lagi kitang kinakausap
Pero ba't parang iba naman yung kausap mo?
Parang sarili ko lang ang kinakausap ko
Dahil sa tuwing kakausapin kita ang palagi mong sinasabi,
"Great that's good"
Good?! Oo, good nga pero yung relasyon natin, parang hindi na
Araw araw lagi nalang yan ang sinasabi mo
Habang nakatutok sa cellphone mo
Araw araw yan ang hawak mo
Araw araw yan ang kausap mo
Araw araw nalang.
Nauubusan ka na ba ng oras para saakin?
Lagi ka nalang facebook, twitter, instagram, snapchat
Lagi ka nalang nag aupload ng pictures mo
Lagi kang nag uupdate ng status mo
LAGI NALANG.
Pero ako? Paano na ako?
Mahalaga pa ba ako sayo?
Sa oras na gusto kong hawakan ang mga kamay mo
Yang cellphone mo naman ang hawak mo
Hindi pwedeng ikaw lang ang masaya
Dapat TAYO ang masaya
Pero ano? gusto mo ba na may TAYO pa?
Hindi ko na kaya eh.
Pagod na ako
Balang araw pagsisisihan mo rin 'to
Dapat nung una palang 'di mo na ako minahal
Kung ang cellphone mo ang mamahalin mo.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon