LDR

806 2 1
                                    

Long. Distance. Relationship.
Relasyong parang tayo'y nasa magkabilang dulo
Pero kahit malayo tayo sa isa't isa,
Pinangako natin na wala tayong iwanan
Araw-araw, minuminuto, gabi-gabi
Lagi tayong mag kausap
Kahit text man yan o tawag
Sapat na sakin yan.
Marinig ko lang ang boses mo,
Kumpleto na buong araw ko.
Lagi kang nasa isip ko
Iniisip ko na sana nandito ka sa tabi ko
Pero kahit alam kong wala ka
Lagi parin kitang hinahanap hanap
Pero habang tumatakbo ang oras,
Unti unti ka nang hindi nagpaparamdam
Unti unti ka nang nanlalamig
Unti unti ka nang lumalayo
Unti unti ka nang nagbabago.
"May gagawin pa 'ko babe, mamaya na muna"
Yang mga salitang yan ang nagpapasakit sakin
Hindi ka naman ganito dati
Anong nagyari sayo?
Isang araw hindi ka na nagparamdam
Isang araw hindi ka man lang tumawag o nagtext
At isang araw...
Nalaman ko nalang na may kapiling ka ng iba.
Akala ko ba wala tayong iwanan?
Pinangako pa natin yan sa isa't isa
Pero itinapon mo lang.
Tinatanong ko pa nga ang sarili ko
Kung ano bang nagawa ko sayo
Para saktan mo lang ako ng ganito
TIWALA lang naman ang kailangan natin
Pero sinira mo lang iyon.
Pero ito naman ako, umiiyak.
Habang ikaw masaya sa piling niya.
Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon,
Nakita ko nanaman ang mukha mo
Mga alaala natin ay muling bumabalik
Aamin ko, masaya akong nagkita na ulit tayo
Pero nasasaktan ako kasi kasama mo pala yung taong mahal mo.
Pinigilan ko nalang ang sarili ko na mailabas ang aking mga luha
Pero ito lang ang gusto kong sabihin sayo,
"Naging tapat ka sana sa relasyong 'to, kung mahal mo talaga ako."

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon