Sa tuwing bumabagsak ang ulan
Tila mga mata ko'y luhaan
Pero bakit parang wala kang pakialam
Na ako'y lubos na nasasaktanKahit itong puso ko'y may malaking sugat
Minamahal parin kita ng tapat
Pero bakit parang hindi parin sapat
At para bang binalewala mo lang ang lahatDumating narin panahon na ako'y napagod na
Pagod na akong pakinggan ang mga binibitawan mong salita
Mga salitang "mahal na mahal kita"
Pero ako na mismo ang nagsabi na "Ayoko na"Mahal, kaya ko nang alagaan ang sarili ko
At sana makahanap ka ng magpapasaya sa'yo
Nagpapasalamat rin ako dahil ako yung napili mo
Pero lagi mong tatandaan na sinayang mo lang ako
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesíaBasically, mga spoken words nga lang and mga tula toh. Enjoy!