Yesha's POV
"Paano mo nagawa sa kapatid ko to?! Ha?! Flare!"sigaw ni Kuya at sinuntok si Flare
"Hindi ko nga sinasadya!" Sinuntok pa ni Kuya si Flare kaya nag suntukan na silang dalawa
Tumakbo agad ako sakanila at parehong inaawat.
"Kuya! Flare! Tama na!!"sigaw ko habang pinipigilan sila
Ayaw tumigil hanggang sa natulak nila akong dalawa dahil sa suntukan nila kaya napa upo ako ng malakas sa sahig. At ramdam ko ang pananakit ng tyan ko.
Nakaramdam ako ng may tumulo mula sa binti ko
Tumingin ako dito kaya laking gulat ko dahil dugo ito.. ang ANAK ko?!
"Ahhhhh!!!!"sigaw ko habang hawak hawak ang dugo sa kamay ko
"Sh*t yesha!"sigaw nila kuya at Flare
Napatakbo sila agad saakin.
"Anong nagyayare dito?! Oh my ghad!"sigaw ni Ate Denise at tumakbo papunta saamin kasama ang pamangkin ko
"Kailangan natin syang dalhin sa Hospital!"sigaw ni Flare at binuhat ako.
"Ahhh!! Aray! Ang sakit ng tyan ko!" Sabi ko at umiiyak.
Mabilis kaming pumasok sa kotse lahat at mabilis na pinatakbo ni Kuya ang sasakyan at pag dating sa Hospital pina emergency room kaagad ako.
Flare's POV
Gulong gulo na kaming dalawa ni Luke dito sa kakaisip kung bakit nagkaka dugo ang hita ni Yesha! Wala naman syang sugat sa Paa?!
Kanina pa kami lakad dito lakad doon ni Luke.
"Pwede ba kayong dalawa. Umupo nga kayo! Naguguluhan na kami ni Demitri sa inyong dalawa!"sabi ni Ate Denise kaya umupo na kami ni Luke at ilang minuto ay Lumabas na ang Doktor
"Family of the patient?"tanong ng Doktor kaya tumayo kaminv lahat.
"Sis in law ako"sabi ni Ate Denise
"Kuya nya ako"sabi ni Luke
"Asawa nya ko"sabi ko
"Well good news Dahil 1 month na buntis po si Mrs. Lee. Congrats Mr. Lee. Ok na din po sya at ligtas ang bata sa pagkabagsak ni mrs! Malakas ang kapit ng bata kaya ligtas ito"sabi ng Doktor kaya nagulat ako.. Buntis si Yesha?! Half sakin na masaya dahil magiging tatay na ako pero half naman saakin na malungkot dahil buntis din si Marga at mag fifile ng Divorce si Yesha saakin.
"Kaya po hwag nyong hahayaan na ma stress po sya o kaya mapagod dahil nakakasama po ito sa buntis"sabi ng Doktor at tumango kaming lahat.
"Dok pwede po ba sya naming makita?"tanong ni Luke
"Sige"sabi ng Doktor at binuksan ang pintu-an
Pumasok kami at nakita ko nga ang asawa ko na mapayapang natutulog.
Nasa tabi kami ngayon ni Yesha.
"Kung hindi ka sana nag kabit hindi sana mangyayare kay Yesha to"sabi ni Luke habang tinitignan si Yesha
"Hindi ko nga sinasadya ang nangyare! Nag sisisi ako nun"sabi ko, alam ko naman ang pagkakamali ko at pinag sisihan ko na iyon. Pero hindi naman kailangang ipamukha nya ito saakin. Mahirap din naman saakin eto ha?
"Kasalanan mo to"sabi ni Luke
"Tss.."sabi ko, inis na inis na'ko.
"Ano ba?! Pwede bang tumigil na kayong dalawa?! Intindihin nyo naman ang kalagayan ni Yesha!"sabi ni Ate Denise

BINABASA MO ANG
The Gangsters Love
Romance(B3) Book 3 Hi guys read the Story of My Boyfriend is a gangster and My Gangster wife's Book 3! pero bago kayo mag basa nito.. Basahin nyo muna ang My Boyfriend is a Gangster at My Gangster wife.. tnx po! ashhleyy05♥