Luke's POV
Bwisit na Nike na yan?! Talagang may plano pa siyang isa isahin kami?! G*go!
"Mabuti pa sa Meeting room nalang tayo mag usap"sabi ni Yesha kaya tumayo kaming lahat at dumiretso sa Meeting Room. Papasok na kami sana ng Tumigil si Yesha.
"JOHN!!!,KARL!!,MARK!!! AT JADE!!!"pagtawag ni Yesha sa mga pinuno ng magagaling nyang tauhan.
"Ano po yun ma'am?" Mabilis na nakarating ang apat sa Harap ni Yesha.
"Jade pumasok ka sa loob ng room namin ni Fesha at Bantayan mo sya, Mark sa labas ka ng room namin mag bantay, Karl sa loob ka ng room ni Kuya at Ate Denise pakibantayan ang anak nila at John sa labas ka ng room nina kuya"sabi ni Yesha at tumango ang mga Lalakeng yun saka mabilis na tumakbo para gawin ang utos ni Yesha.
Talagang sinecure ni Yesha ang kaligtasan ng mga anak namin, lalo na't alam na namin na buhay pa si Nike.
"Yesh, salamat sa pag secure ng Safety ng anak namin ni Luke" sabi ni Denise kay Yesha at Ngumiti nalang si Yesha sakanya, pero halatang halata na problemado pa rin sya.
"Tara na pasok na tayo" seryosong sabi ni Yesha at pumasok na nga kami ng Meeting room.
Yesha's POV
Pumasok na kami ng Meeting room at nag si upo na kami. Tinignan ko si Flare na naka tingin pala sakin at dahil nagkaroon ng kahihiyang sitwasyon ay umiwas nalang ako.
"Ok so mag simula na tayo?"tanong ko at tumango ang lahat.
"Ngayon na alam natin na buhay pa si Nike at kakunchaba nya sina Martha at Marga, mas lalong mag ingat tayo dahil hindi natin alam ang mga Galaw nila sa ngayon, pero mas kailangan nating ingatan ang mga anak natin dahil sigurado sila ang kahinaan nating lahat at alam ko na sila ang pupunteryahin nila pag nagkataonp. Mas mabuting palagi tayong nasa tabi nila para sigurado tayo na hindi sila makukuha saatin o hindi sila mapahamak.
Trisha, Chloe, Alyssa at Ate Denise kailangan nyong matuto kung paano protektahan ang sarili nyo para sa delikadong sitwsyon." Sabi ko at tumango silang apat.
"So meron kaming binili ni Yesha na malaking bahay at maraming bantay, dun tahimik pwedeng mag sanay at hindi to alam ng kahit na sino man, dahil kami lang ni Yesha nakaka alam kung saan ito. Malalaman nyo lang iyon kapag nakalipat na tayo doon." sabi ni Kuya
"Isang bahay sa iisang, pero maraming bantay, mag stastay tayo doon ng matagal at bukas aalis na tayo, hwag na nating hintayin ang susunod na araw dahil hindi natin alam ang mangyayare"sabi ko
"Oo nga naman, kaya pagdating nyo mamaya sa bahay nyo mag impake na kayo."sabi ni Wayne
"By the way, nasa inyo pa ba ang Kutsilyo na binigay ko 4 years ago?" Tanong ko sakanilang lahat
"Yep" sagot nilang lahat
"Mabuti, sige tapos na ang meeting na ito" sabi ko at Tumayo na kaming lahat.
Akmang aalis na ako ng Hinila ako ni Flare para bumalik sa kinatatayuan ko kanina.
Napa tingin ang lahat saamin dahil sa ginawa nya kaya kunot noo ko syang tinignan.
"What?" Tanong ko
"Can i talk to you? Kahit 5 minutes lang?"tanong ni Flare
"Ehem... Aalis na muna kami, mukhang may paguusapan ang lovebirds na ito"sabi ni Kuya at umalis na nga silang lahat. Naiwan kami dito ni Flare
"Anong pag uusapan natin?"tanong ko at umupo sa pwesto ko kanina, at sya naman ay nasa harapan ko na naka tayo
"Bakit sinabi mo sakin na Patay na ang Anak natin? Alam mo ba masakit para sakin yun?"tanong nya sakin ng diretsahan. Seryoso ito at alam kong determinado syang malaman ang totoo.
"Ginawa ko yun para maputol na ang koneksyon nating dalawa, at para tigilan mo na ako" pagsagot ko sa tanong nya, tinaasan ko ito ng kilay ng yumuko sya.
"Yan lang ba?"tanong ko.
"Hindi yesh meron pa...Yesha nandyan pa ba ako sa puso mo?" Tanong ni Flare ng inangat nito ang tingin nya saakin, punong puno ang mga mata nito ng lungkot at pagkasabik, na ikinagulat ko. Kaya napa iwas agad ako ng tingin.
"I don't think this is the right time para pag usapan yan" sabi ko sakanya.
"Please Yesh, sagutin mo naman ang tanong ko??! Asawa mo pa rin ako! May Karapatan pa rin akong malaman yan" sabi nya bakas sa tono ng pagmamakaawa nito ang pagkadesperado
"Hindi ko alam Flare naguguluhan pa rin ako"
Nagkaroon ng kaunting katahimikan bago ito nag salita
"Sige bibigyan kita ng oras"
Aalis na sana ito pero mukhang may naalala ito dahil bumalik siya sa kinatatayuan niya kanina
"Yesh pwede ko bang makasama ang anak natin sa pag babakasyon natin?" Tanong nya kaya napatingin ako sakanya at binigyan sya ng tipid na ngiti.
"Hindi ko na ipag kakait sa'yo si Fesha, kaya ang sagot ko Oo payag ako"
"Salamat" sabi niya at ngumiti saakin ng matamis saka tuluyang umalis.
Hindi ko alam pero parang ngayon na lang ulit naging masaya ang puso ko.
Lumabas na ako ng Meeting room at pinatay ko na ang ilaw doon. Nakita ko sina Karl at John naka bantay na sa room ni Fesha.
Umakyat na ako at sinabihan na silang apat na mag pahinga na. May nag babantay naman sa labas eh.
Pumasok na ako ng room at nilock ito tumabi na ako kay
Fesha. Pinatong ko na din ang phone ko sa lamesa katabi ng kama namin
Akmang matutulog nako ng may naalala ako.
Tumayo ako sa kama ko at dumiretso sa banyo.
Naalala ko may tinago akong Weapons dito. Ginalaw ko ang cabinet na naka patong sa sahig at nakita ko nga ang box na may yelo at may lasong armas sa loob nito.
Binuksan ko at mabuti nga hindi to nabuksan ni Fesha. Maraming armas dito na may ibat ibang lason ang laman. Pinophoto copy ko kaya ang book ni Kuya kaya kung ano ang lason na alam nya alam ko din pati ang gamot dito.
Dadalhin ko ito bukas sa pag alis namin. Binalik ko na ang cabinet na naka patong at pinatay na ang ilaw sa banyo saka sinara na ang pintuan
Tumabi ulit ako kay Fesha at niyakap sya. Ang himbing himbing ng tulog ng anak ko. Hinalikan ko sya sa noo at hinila na rin ng antok dala ng pagod.
Vote and Comment!
Thank you!!
ashhleyy05❣❣
BINABASA MO ANG
The Gangsters Love
Romance(B3) Book 3 Hi guys read the Story of My Boyfriend is a gangster and My Gangster wife's Book 3! pero bago kayo mag basa nito.. Basahin nyo muna ang My Boyfriend is a Gangster at My Gangster wife.. tnx po! ashhleyy05♥
