Flare's POV
Habang sinandal ko sya sa pintuan ay Niyakap ko sya
"Bitawan moko Flare" malamig nyang salita pero hindi ko ito pinansin. Malaki na ang pinagbago nya pero sya pa rin ang Yesha na mahal ko.
"Yesha, Miss na miss na kita! Matagal na kong nananabik sa'yo, yesha please let me explain! Yesha please bumalik kana saakin! Mahal na mahal kita" sabi ko na naiiiyak. Nagulat ako dahil tinulak nya'ko sa pader kaya napa sandal ako ng malakas.
Akmang aalis na sana sya ng hinawakan ko ng mabilis ang kaliwang kamay nya at sinara ulit ang pinto. Sinandal ko sya ulit sa pintuan.
"Ano ba Flare?! Bitawan mo nga ko. Hindi kita papatulan dahil nasa mall tayo!" Sigaw nya sakin rinig ko sa mga boses nya ang galit.
"Yesha please hayaan mo naman akong mag paliwanag!" Sigaw ko sakanya
"Ano pang paliwanag ang kailangan kong marinig ha?! Malinaw na malinaw sakin Flare ang Ginawa mo! Nang babae ka! Kaya tigil tigilan moko at bitawan mo na'ko!" Sigaw nya sakin
"Hindi ako nambabae! Yesha, sa maniwala ka o Sa hindi! At hindi ko anak ang batang dinadala ni Marga! " Sabi ko sakanya
"Tumigil ka Flare! Hintayin mo nalang ang divorce papers at Pirmahan mo na rin!" Sabi nya at nagulat ako dahil tinadyakan nya ako at umalis sya. Napahawak naman ako sa tyan ko sa sakit ng tadyak nya.
Totoo naman na hindi ko anak ang batang dinadala ni Marga at naalala ko pa nung gabing lasing kami ni Marga,walang nangyare samin I swear!. Ba't ang hirap para kay Yesha na mag explain ako? Ba't ang hirap sakanya na pakinggan ako?
{FLASHBACK}
"Oh tol bakit nandito ka? Hindi kaba hinahanap ng Asawa mo?" Tanong ni Kurt
"Eh ikaw hindi ka rin ba hinahanap ng asawa mo?!"tanong ko na pasigaw
"Nag paalam naman ako. Eh ikaw nag paalam kaba?"tanong ni Kurt sakin
"Hinde!" Sagot ko.
"Hindi naman pala! Edi umuwi kana Tol baka hinahanap kana nun!" Sabi nya
"Ayoko nga!" Sabi ko
"Eh bakit naman? Nag away ba kayo?"tanong nito sakin. Daming tanong nakaka sawa na
"Oo! Eh pano ba naman kase ha?!! Yung First love nya daw na si Circo nakita nya! At kaibigan daw ni Ate Denise! Nagyakapan daw sila ng Asawa ko tapos nag usap daw tapos binigyan ng Flowers! Tapos kinikilig daw sya! Sinong lalakeng hindi mag seselos nyan?! Kaya ayun nag away kami" sabi ko
"Naku! Ayusin nyo yan Tol! Maliit na pagtatalo lang iyan pero nakakasama yan sa relasyon, intindihin mo nalang ang misis mo. Baka anong pa ang mangyare sainyo nyan! Naku uuwi na'ko baka mapagalitan na'ko ni Babe Alexandra." Sabi nya at umalis na, napairap nalang ako sa kaduwagan at pagiging under nitong si Kurt.
Pagkatapos ng ilang minuto may babaeng umupo sa harapan ko pero hindi ko lang ito pinansin at nag patuloy sa pag inom ng alak.
"Hi babe!" Sabi nya
"Hwag mo nga akong tawaging babe hindi kita kilala!" Sigaw ko sa babae
"Ang mean mo naman! If i know na sesesexyhan ka naman sakin eh" sabi nya habang papapalapit saakin at dahan dahang hinawakan ang dibdib ko at pababa ng pababa ang kamay nito na mabilis kong tinanggal.
"Ano ba--"
Bigla nya akong hinalikan at hindi ko napansin na umabot na kami pala sa VIP room at bumagsak ito sa higaan at naka tulog. Napailing naman ako at nakaramdam ako ng pagkahilo kaya tumabi ako sa babaeng ito at nakatulog na rin.
Pagka gising ko sa umaga napa sigaw ako dahil katabi ko si Marga
"MAY NANGYARE BA SATIN?!" gulat kong tanong sakanya
Hindi ko kasi maalala ang nagyare kagabi
"YES!" sagot nya at mabilis naman akong napatayo mula sa pagkahiga sa kama at tumakbo palabas ng kwarto. Shit lagot ako kay Yesha nito. Fudge hindi talaga ako maka alala
(End of FlashBack)
Pagkatapos nong araw na yun hindi ko na maalala ang nangyare it takes 2 years bago ko maalala ang nangyare.
Napansin kong nakarating napala ako sa Fries shop. Paborito ni Yesha ang Fries noon. Pero ngayon ewan na, mukhang nag iba na ito gaya ng pag iba ng trato nito saakin.
Yesha's POV
Simula nong nangyare sa CR tahimik akong nanonood sa mga kasama ko na kumakain
"EARTH OF YESHA SANCHEZ LEE!" Nagulat ako dahil sumigaw silang lahat
"H-Ha?"tanong ko
"Duh kanina kapa namin tinatawag tapos ngayon kalang sumagot?! Ano ba ang nangyare sa'yo at simula nong bumili ka ng sapatos nag tameme kanang umupo kanina dyan?"tanong ni Avy
"Ah..inisip ko kasi ang nangyare kanina sa CR" sagot ko
"Baket ano ba ang nangyare sa CR Yesh?"tanong ni Circo, napaisip naman ako kung sasabihin ko sakanila pero pinili ko pa ring sabihin sakanila ang nangyare kanina.
"Kinausap ako ni Flare, sinabi nya na hindi daw sya nambabae, hindi nya daw anak ang anak ni Marga, Mahal nya pa daw ako at mag eexplain daw sya. Kitang kita sa mga mata nya ang pagka sabik at Seryoso sa mga sinasabi nya, pero ayokong mag tiwala sakanya ulit... baka masira lang at mawawasak nanaman ako. Pero what if totoo ang mga sinasabi nya kanina? What if there's a valid explanation? nakakaloka." sabi ko at napahimas ng mukha dala ng frustrasyon.
"Kinausap ka ni Kuya?! Sinabi nyang Mahal nya ka? Hindi sya nambabae? Hindi nya anak ang anak ni Marga? Ano yun? Joke2 lang!!? Aba g*go pala sya eh" sabi ni Chris at kitang kita ko sa mukha at tono nya ang galit kaya napailing nalang ako, minsan talaga may pagka over protective din ang isang to.
"Ah basta Ewan! Umuwi nalang tayo tutal tapos na kayo dyan" sabi ko at tumayo na. Tulog na si Fesha kaya binuhat ko nalang sya at pinadala nalang kay Chris ang mga shopping bags ko. Nang nasa parking lot na kami pinasok ko na si Fesha sa Tabi ng Drivers seat at linagay na namin ang shopping bags ko sa Backseat.
"Salamat Chris sa pagdala ng Shopping Bags. Sige mauna na kami ha!" Sabi ko kay Chris.
"Welcome Queen oh pano? Una na rin kami bye!" Sabi nya at umalis kasama ang anak nya
"Sige Yesh uwi na rin ako. Mag iingat kayo! See you when i see you... See you at the party nalang pala" sabi ni Circo kaya tumango na ako sakanya at umalis na sya. Sumakay na rin ako sa Drivers seat, tinignan ko ang mukha ng anak ko na mapayapang natutulog.
Anak, pasensya kana ha? Itatago muna kita sa Daddy mo lalo na't alam na nya na umuwi na'ko. Love you nak and I think this is for your safety.
Nagsimula na akong mag drive at Umuwi na sa bahay. Pagka uwi ko bumusina muna ako at pinagbuksan na'ko ng Buttler namin
Nang naka pag parking na'ko. Binuhat ko ang anak ko at kinuha ang mga shopping bags. Umakyat na'ko ng bahay at pumasok na ako sa room namin ni Fesha. Hiniga ko ang anak ko sa kama at pinaandar ang Aircon. Hinalikan ko muna sya sa noo at Pumunta na ng banyo para makapag Half bath.
Pagkatapos kong mag half bath nag lotion ako at bumihis na rin. Tinabihan ko na ang anak ko at natulog na. Another stressful day for tomorrow.
Good night!
Hi guys! vote and Comment!
ashhleyy05❤
BINABASA MO ANG
The Gangsters Love
Romance(B3) Book 3 Hi guys read the Story of My Boyfriend is a gangster and My Gangster wife's Book 3! pero bago kayo mag basa nito.. Basahin nyo muna ang My Boyfriend is a Gangster at My Gangster wife.. tnx po! ashhleyy05♥
