Chapter 20: Operation Success

286 13 2
                                    

Yesha's POV

Hindi ako makakalaban sakanya dahil mahina pa ako. Ramdam ko na din ang pagka hilo ko pati na rin ang pag agos ng dugo mula sa sugat ko.

I have no choice kundi tumakbo at humingi ng tulong sa labas

Tumakbo ako at mibilis na binuksan ang pintuan at dahil mabilis tong kaaway ko nahabol pa rin ako kaya mukhang hostage nya ata ako.

Lumabas kami ng room ko at dumiretso sa sala

Nagulat ako dahil mukhang inaawat nila ang isang duguan na lalake at hostage ata nito si Ate Denise

"Kita mo na sanchez? Mukhang dalawa kayo ng sister in law mo ang masasawi dito!" Sabi ng lalakeng to at dahan dahan kaming bumababa mula hagdan

Akmang sasak sakin na nito si Ate Denise ng sumigaw ako

"HWAG!!!" sigaw ko at napa tingin ang lahat saakin

"Yesha?!" Nagulat silang lahat

"GAGO KA!? ANONG GINAWA MO SAKANYA?! BAKIT DUMUDUGO NANAMAN SYA?!" sigaw ni Flare

"Guess mo panalo Mr. Lee" sabi ng lalakeng nasa likod ko at lumapit kami sa pwesto ni Ate Denise

"Hwag kang mag alala ate Maliligtas ka" sabi ko na naka ngiti sakanya

Akmang susugot na si Flare ng itinutok ng lalakeng to ang baril nya sa ulo ko

"Subukan mo Mr.Lee patay tong asawa mo" sabi ng bwisit na to

Mukhang takot na takot na talaga si Ate. Bahala na! Kahit mamatay na ako dito pwede na rin to basta mailigtas ko lang si Ate Denise

Dahan dahan kong kinuha ang kutsilyo ko sa kaliwang binti ko at nag posisyon na

Tinapakan ko ang kaliwang paa ng lalakeng to tapos tinadyakan sa private part nya.

Tumakbo agad ako sa lalakeng nang hostage kay Ate Denise at Sinaksak ito sa likod nya kaya nabitawan nya si Ate at nagulat nalang ako sa isang iglap

*Bang*

"YESHA!!!" Sigaw ng lahat

N-na-nabaril ako sa sugat ko

Dahil hilong hilo na ako. At hindi ko na kaya ang sakit ng sugat ko.. napa upo agad ako at akmang papahiga na sa sahig ng sinalo ako ni Flare

Pinahiga nya ako sa binti nya at ang lahat nakipaglaban sa Nang hostage ata sakin.

"Yesha, hwag kang bibitiw" sabi ni Flare na umiiyak tapos kitang kita sa mga mata nya na nasasaktan na sya talaga.

Lumabas ang dugo mula sa bibig ko. Sumuka na ako ng dugo.

Hinawakan ko ang kanang pisngi ni Flare.

"Mahal kita" sabi ko at hindi ko na kaya ang pagkahilo ko kaya pinikit ko na ang dalwang mata ko..lalaban ako para sa'yo Flare at Fesha

Flare's POV

Pagkatapos nyang sinabi na mahal nya ako. Halos gumuho ang mundo ko dahil pinikit nya agad ang dalawang mata nya

"Hindi! Yesha GUMISING KA!!" sigaw ko at inuyog sya.

Lumapit si Dra.Reyes saamin at sinabihan nya ako na dalhin si Yesha sa Operating room

Kaya binuhat ko na ang asawa ko at nilagay sa operating bed

"Tawagin mo si Luke" sabi nya at tumango ako

"Luke tinatawag ka ni Dra. Reyes sa Operating room nandun si Yesha" sabi ko ng seryoso sakanya at pinipigilan ang mga luha ko.

Galit na galit na talaga ako kay Nike! Humanda na sya sakin! HUMANDA NA SYA!

Nang pumasok na si Luke sa Operating room niligpit na ang dalawang bangkay ng alagad ni Nike at itinapon na ni Alex at Kurt sa ilog nilinis na rin ng lahat ang dugo sa paligid kaya ang iba nag pahinga na tapos ako at si Denise nandito pa rin sa sala. Naghihintay

"I'm sorry Flare kasalanan ko kung bakit nabaril si Yesha" sabi ni Denise at umiyak

"Hwag ka dyang umiyak. Hindi mo kasalanan. Kasalanan to ni Nike" sabi ko na galit at seryoso

Walang batas na to! Papatayin ko na talaga sya. Sumusobra na ang gagong yun!

"Sumosobra na talaga sya noh? Kaya kailangan na naming madaliin ang pag training, nina Chloe, Alyssa at Trisha, para naman matapos na ang ka gaguhan nya" sabi ni Denise

"Kaya nga eh. Sa ngayon kailangan natin na magaling na si Yesha sa mga sugat nya. At mag dadag dag na rin ako dito ng body guards" sabi ko at tinawagan na ang guards sa bahay at iba assassin pa. Papunta na daw dito kaya hindi ko na kailangan mag alala. Magaling yang guards ko kaya alam kong ligtas kami dito

Pagkatapos ng ilang minuto pumasok na ng bahay ang mag Asawang Buris

"Yuck ang lagkit ng mga dugo nila! Like ewwwww! Ang skin ko! Ayoko namang madumihan ang makinis kong skin at ayoko ding mag lotion ng dugo!" Kaartehan ni Alex

"Arte mo Hon! Maligo kanalang! Kakausapin ko pa si Flare" sabi ni Kurt at huminto sila sa harapan ko

"Ok fine! Matutulog na rin ako sa anak natin" sabi ni  Alex at umakyat na.

"Kamusta ang dalawang bangkay?" Tanong ko

"Patay na nung naka rating kami sa tulay, sinaksak din namin sa ulo para sigurado. At itinapon na din doon" sabi ni Kurt na naka ngiti

"Good" sabi ko

"Sige tol punta na ako ng Room namin" sabi ni Kurt at dumiretso na sa room nila

"It's already 12:00 am. Mag papa hinga na ako Flare. Good night" sabi ni Denise at umakyat na rin.

Luke's POV

Success ang operation ni Yesha. Nagkaroon pa rin ng Inpeksyon sa sugat nya kaya injectionan ko sya sa sugat nya ng gamot na ginawa ko.

Lumabas na kami ng operating room at pansin kong nasa sala pa rin si Flare

"Flare tulungan mo kaming ilipat si Yesha sa kama nya"sabi ko at tumango sya.

Pumasok na kami ng Room ni Yesha at inilipat na sya dahan dahan sa kama nya.

"Luke dito nalang ako matutulog, paki tabi nalang sa inyo si Fesha" sabi ni Flare at tumango nalang ako at lumabas na ng Room ni Yesha.

Pumasok ako sa nursery room at nandun nga ang Anak ko at pamangkin ko binabantayan ng 5 bodyguards, Si Denise talaga! Hindi pa kinuha ang anak namin!

"Magpahinga na kayo, ako na ang bahala sa dalawang bata" sabi ko at tumango ang mga Bodyguards lumabas na rin sila at pumunta sa room nila.

Binuhat ko na ang mga bata at dumiretso na ng room namin ni Denise.

Ang himbing ng tulog ng Asawa ko pero kampante rin na wala sa tabi nya ang anak nya! Hay nako!

Nilagay ko na sa baby Bed ang dalawa at nag half bath na rin pagkatapos nun natulog nako.







Vote and Comment!

ashhleyy05❣

The Gangsters LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon