Chapter 3

73 22 5
                                    

Kayezer's POV

"Nginingiti- ngiti mo dyan. Masyado ka naman atang masaya ngayon? Ano nakain mo?" Tanong sa akin ni Ary. Naglalakad kaming dalawa dito sa hallway  papunta sa classroom.

Di na muna ako sumabay sa BTS. Ang kapal naman ng mukha ko kapag ganon. At saka ayaw ko naman na ma- issue. Kahit ako ang apo ng may-ari ng school madami pa rin ang tsismosa.

"Kasi naman. Best friend na ang tawag sa akin ni Jungkook at nakita ko ang BTS kanina" sabi ko na halatang kinikilig pa. Hahahaha sino ba naman kasi ang hindi kikiligin. Sa gwapo nilang yun

"What? Tapos di mo man lang ako ininform. I hate you. Di mo man lang ako naalala" sabi niya na halata mong nalulungkot.

"Hahahahaha lab yah! Bes! Wag ka ng mag-alala. Di ba nga lumipat ka na sa room namin. Araw araw mo na silang makikita" sabi ko sabay tawa ng malakas.

"Sa tingin mo nakakatawa yun? Nakakatawa yun?" Inis na sabi nya.

"Hahahaha oo naman" sabi ko kaya nakatanggap naman ako ng batok sa kanya. Ang sakit pa naman nyang manghampas.

Nakarating naman na agad kaming dalawa sa classroom. At di nga ako nagkamali sa iniisip ko kanina ang ingay nga naman sa room na ito. Madami ang nakapalibot sa BTS para lang magpa-authograph. At laking gulat ko ng makita ko na agad ng nakapila doon si Ary na may hawak na papel at isang sign pen. Masama na ang lagay ng babaeng to.

"Ehem" napatigil ang lahat ng tumikhim ang aking teacher na mukhang naiyamot sa kanyang nakita.

"At ano ang nangyayari dito?" Sabi niya sabay taas ng kilay. Shit confirm bading nga. Ang tikas tikas ng katawan tapos bading. Ewww.

"BTS stand up" sabi niya sabay ngiti. Ang bilis mag bago ng mood nya.

"Introduce yourselves" sabi niya. Magsasalita na sana sila ng bigla ulit nag salita si kalbo.

"Here in front" sabi niya kaya wala ng nagawa ang BTS kundi ang pumunta sa unahan

"Do we really need to do this. Kilala na naman nila kami" tamad na sabi ni Suga.

"Of course you are obliged to introduce yourselves" inis na sabi nito sabay irap ng kanyang mga mata.

"Hello we are BTS" sabay sabay nila na sabi. Agad ko namang narinig ang mga hiwayan ng kaklase ko kung saan nakisabay na rin ako.

"I'm Jimin" sabi nito sabay wink. Ang pogi hart Hart.

"Seokjin here" sabi nito. Napairap na lang ako. Tss hindi man lang ako ipakilala bilang kapatid. Tampo na ako.

"Jungkook. Best friend of  Kayezer" sabi nito na syang ikinagulat ko. Hahahaha grabe best friend zone

"Taehyung you can call me V" sabi niya sabay ngiti ng famous nyang ngiti. Sya talaga yung crush ko. Shh wag kayong maingay.

"I'm Jhope. I'm your hope" sabi niya sabay tawa. Hahahaha ang cute naman

"Suga" sabi nito sabay hikab. Yaan nyo na sya. Palagi naman yang inaantok. Siya si Sleepy sa 7D

"I'm RM." Sabi ni Rapmon sabay ngiti. Ang gwagwapo talaga nila. Help me mabubulag na ata ako sa visual attack ng mga to

"Since your new here. I guess di nyo pa nalilibot ang buong campus. So I will assign Ms. Bae to tour you guys in this campus. So that's all for today see tomorrow" sabi ni Kalbo at umalis na.

Ano daw ? Ako ang magtotour? Naks naman ang galing talaga ng araw ko ngayon. Una nabunggo ko si Jungkook. Pangalawa nakita ko ang BTS sa personal. Pangatlo bff ko na si Jungkook. Tapos ako pa ang magtotour. Naks naman. Ang galing-galing.

"Halika na Kayezer! Libot mo na kami" sabi ni Jimin.

"Alis Jimin pandak, best friend ko yan!" Sabi ni Jungkook sabay hila sa akin.

"Anong best friend? Best friend ko na din sya eh!" Sabi no Jimin na naiinis na. Pinaghilahan naman nila akong dalawa.

"Hep hep ano yan. Wag niyo nga syang hinihila." Salamat naman dumating na si Ary.

"At sino ka namang epal ka?" Inis na tanong ni Jimin.

"Hoy Mr. Park Jimin na pandak sa grupo. Ako si Mary Joyce Kang ang nag-_iisang BEST FRIEND nyang taong hinihila nyo" sabi niya kaya napairap na lang si Jimin. Ngayon ko lang napansin bagay pala sila ni Jimin. Pero si Kuya Jin ang bias niya eh.

"Wag na nga kayong mag-away. Sumama ka na lang Ary itour natin sila" sabi ko at naglakad na.

Naglalakad kami at bawat madaanan namin ay tinuturo ko at si Ary naman ang nagpapaliwanag sa kanila

"Ayusin mo nga ang salita mo hindi ko maintindihan!" Inis na sabi ni Jimin kay Ary.

"Eh kung ikaw kaya ang magsalita" pikon na sabi naman ni Ary. Actually wala talagang naeexplain si Ary dahil kanina pa silang nag- aaway ni Jimin .

"Kung alam ko kasi yan ako na lang dapat yung umimik diba?" Sarcastic na sabi naman ni Jimin kay Ary. Aish naiirita na ako sa kanilang dalawa.

"Wag na nga kayong maingay" mukhang nahalata ni kuya na naiinis na ako kaya sinaway nya tong dalawa.

"ELLE!" sigaw ng isang boses. Boses pa lang kilala ko na. He's back. Finally he's back.

"Kim Mingyu?" Takang tanong ng BTS.

"Ming- Ming!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Nagbalik na ang tunay na best friend. Ang boy best friend niya" sabi nito ng nakatingin kay Mingyu. Lumapit siya dito at yumakap din. Kita ko pa rin ang pagtataka ng BTS. 

Hahahaha bahala sila. Masaya ako dahil bumalik na si Ming Ming.

Classmate ko ang BTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon