Chapter 6

62 19 10
                                    


Kayezer's POV

"Ary halika nga!" Sabi ko sa kanya kaya sumunod naman sya.

"Ano?" Tanong nya sa akin.

"Akala ko sa Cashew Mall lang. Bakit tayo nandito sa resort?" Tanong ko din sa kanya. Sabi ng teacher ko bastos daw ang sagutin ang tanong ng isa pang tanong. Pero wala akong pake. Hahahahaha

"Eh? Sorry na sabi kasi nila surprise lang daw kaya di ko sinabi sa iyo " sabi niya sabay kamot sa kanyang batok.

"Eh! Paano na iyan wala akong dalang damit o kahit pamalit man lang" sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag alala. Pinagdala naman kita ng damit at swimming attire mo!" Sabi niya kaya napatawa naman ako.

"Ah sige. Gisingin mo na lang ako kapag kakain na" sabi ko sabay higa sa kama. Nandito na kasi kaming sa kwarto namin. Actually ang laki ng kwartong to. Tatlo yung bed nya. Pero dahil dalawa lang kami bakante pa yung isa.

"Okay" sabi nya at lumabas na ng kwarto. Dali dali naman akong humiga sa kama at kinuha ko ang cellphone ko para iChat si Jennie.

Punta ka dito sa resort nina Vernon. May outing sa lunes ang uwi natin.

Sabi ko sabay click ng send bottom. Nang magsend na ito agad ko ng in off ang aking cellphone at natulog.

Naalimpungatan naman ako ng may marinig akong ingay sa likod ng kwarto ko. Gubat na kasi ang likod nito. Ang mga kwarto dito ay parang kubo pero may mga kwarto. Its kind of cool though. Ang mommy kasi ni Vernon ay isa sa nagsusulong sa culture ng Philippines. Although Korean sya she still love Philippines.

Agad akong lumabas ng kwarto  at tiningnan kung sino ang nag-uusap sa likod.

Nakita ko ang isang babae na may kulay berdeng kulay ang ibabang parte ng kanyang buhok. Ang ganda nya. But she's crying why?

"Ano Sungjae?! Dinidate mo si Stacey di ba? Ano sumagot ka?" Sigaw niya doon sa isang lalaki.

"Oo! Ano bang pake mo Joy" sigaw naman ni Sungjae. Aba ang kapal naman ng mukha ng lalaking to.

"I'm your fucking girlfriend for Pete's sake Sungjae, why can't you understand" sabi nong Joy. Nakakaiyak naman si ate girl.
Kawawa.

"I'm done with you" sabi nitong si Sungjae. Aba nakakasura to! Iiwan niya na lang ba si Ate girl.

Nagmadaling tumakbo si ate girl papunta sa may gubat. At dahil sa isa akong maaasahan at mabait na tao, sinundan ko sya.

Taehyung's POV.

"Hoy sunduin mo nga si Ting sa cottage" rinig kong sigaw ni Ary ba yun kay Hoshi.

"Tss. Ayaw ko nag momobile legends na ako eh. Malapit na akong magepic 2 wag kang epal" sabi naman ni Hoshi sa kanya.

"Ako na lang tatawag sa kanya" presenta ko, wala naman kasi akong gagawin dito tumatambay lang.

"Okay?" Hindi pa sya sure sa sagot nya. Wala ba syang tiwala sa gwapong ako.

"Saan ba yung kwarto nyo?" Tanong ko na lang.

"Doon sa dulong part" sabi niya sabay tingin sa cellphone nya.

Naglakad na ako papunta sa dulong part ng kwarto nya. Ang ganda dito sa resort nila Vernon. Ang tahimik, sariwa ang hangin. And don't forget the breathtaking view dito.

Nang makapunta na ako sa harap ng kwarto nina Kayezer agad naman akong kumatok pero walang sumasagot. Kumatok ulit ako pero wala paring sumagot. Kay pinihit ko na lang ang pinto ng kubo pero walang tao. Saan naman nagpunta yun?

Naglakad na lang ako pabalik sa pool kung saan nakatambay silang lahat.

"Guys wala si Kayezer sa kwarto niya" sabi ko

"Ano? Paanong mawawala yun eh sabi niya gisingin na lang daw sya kung kakain na" sabi naman ni Ary na nag-aalala na.

Nakita ko na tumayo agad si Jin hyung sabay tingin sa amin.

"Ano? Tatayo na lang kayo dyan? Tara hanapin natin sya. Baka may nangyari ng masama kay Kayezer!" Sabi niya ng may seryosong boses at kunot na mukha. Mukha din siyang nag-aalala.

Mahigit na kalahating oras na kaming naghahanap kay Kayezer pero hanggang ngayon wala pa rin kaming nakikita ni anino nya.

"Kayezer!" Kanina pa si Jin hyung na nagsisigaw.

"Hyung magpahinga ka muna kanina ka pa nagsisigaw" sabi ko sabay abot sa kanya ng tubig pero hindi nya ito tinanggap.

"Paano ako magpapahinga kung alam ko na nawawala si Kayezer" frustrated na sabi nya. Ano bang nagyayari kay Jin Hyung.

Kayezer's POV

"Makakalimutan mo din sya Joy. He doesn't deserve your tears." Sabi ko habang pinapat ko ang likod niya.

Based on her 2 years na daw niyang alam na may ibang dinidate si Sungjae. Tss nakakainis kapag naiisip ko si Sungjae.

"Thank you Elline for accompanying me. Masaya akong makausap ka ngayon" sabi niya sabay pahid sa luha niya.

"Hindi mo lang ako ngayon makakausap. Di ba sa Glyde Village ka nakatira? Doon di ako nakatira. At ipapakilala din kita sa mga kaibigan ko" sabi ko sabay ngiti.

"Talaga? So were friends na for real?" Tanong naman nya.

"Of course were best friends na" sabi ko. Niyakap naman nya ako sa ikalawang pagkakataon.

Nagkuwentuhan lang kami ng nagkuwentuhan ni Joy. Nandito kami sa may pavilion sa gitna ng gubat. Ang ganda nga dito.

"Kayezer!" Napalingon naman ako sa humiyaw

Nakita ko ang BTS, Seventeen, at si Ary. Nagmadaling nagtatakbo si Jin hyung sa akin at niyakap ako.

"I'm glad your safe. Kinabahan ako doon" the fuck bakit niya ako niyakap sa harap nilang lahat.

Nakita ko na nagsilakihan ang kanilang mga mata nila. Si Ary at Mingyu din ay nagulat dahil sa ginawa ni Jin hyung. Sila lang kasi ang nakakaalam na kapatid ko si Kuya Jin.







-----
Miss ko na ang Sungjoy💔

Classmate ko ang BTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon