Kayezer's POV
"Kasi naman Inuyasha piliin mo naman si Kagome kahit minsan lang sa buhay mo!" Inis na sabi ko dito sa kwarto ko kung saan ako nanonood ng anime na Inuyasha.
Nakakainis kasi lagi na lang si Kikyo ay patay na naman yun. Nandyan naman si Kagome na nagmamahal sa kanya hay naku nakakainis. Nasa kalagitnaan na ako ng aking panonood ng biglang tawag si Ary. Sabado kasi ngayon at walang pasok kaya tambay lang ako dito sa kwarto!
"Ting! Pasyal daw tayo libre ni Vernon!" Sabi niya na syang ikinasigla ko.
Si Vernon ang member ng Seventeen na pinsan ni Ary. Magpinsan sila pero hindi sila magkamukha. Malaki kasi mata ni Vernon maliit naman ang kay Ary.
"Talaga? Saan? Nakauwi na pala si Vernon" Agad ko namang tanong.
"Sa Cashew Mall daw,oo nakauwi na sya kasama si Mingyu at ang Seventeen di lang nagpakita sa atin ang mga luko" sabi ni Ary kaya napa ahh na lang ako. Agad akong sumang-ayon sa ideyang iyon. Sayang din naman ang libre.
Dali dali akong napunta sa banyo at naligo. Pagkalipas ng isang oras ay natapos na din ako sa lahat ng dapat kong gawin.
Dali dali na akong lumabas dahil nasa tapat ng gate na sila Vernon. Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko si Ate Suzy na kapatid ko
"Hoy babaita saan ang lakad mo?" Tanong nito sa akin pagkababa ko sa hagdan.
"Mamamasyal lang libre ni Vernon" sabi ko sabay kindat sa kanya. Ganyan kaming ka close ng ate ko. Epal lang talaga si Kuya Jin.
"Hoy daya pasalubong ko ha" sigaw nito sa may bintana. Bahala ka dyan sa fictional boyfriend mo ka magpalibre. Palibhasa crush na crush nya si Spiderman.
Agad namang kumaway si Ary sa may bintana kasama niya si Vernon. Bakit van ang dala nila eh tatlo lang naman kami.
"Tara na Ting!"masiglang sabi niya. Nasa labas sya ng van kasama ulit si Vernon.
"Bakit van dala nyo? Tatlo lang naman tayo?" Takang tanong ko sa kanya.
"Kasama natin ang BTS. Niyaya kasi sila nina Hoshi kaya sumama na" bulong na sabi niya kaya napangiti na lang ako ng malapad.
"So you mean kasama din dila Hoshi, lahat ng Seventeen?" Tanong ko naman.
"Oo nandoon sila sa isang van. Kasama bestfriend mo." Sabi naman nya. Napa ahh na lang ako. Hayaan mo na si Mingyu. May kasalanan pa yun. Di pa niya bibibigay ang pasalubong ko.
Pagbukas namin ng van nakita ko agad ang mga crush ko. Ang dami ko kasing crush. Crush ko si Jungkook. Pero mas crush ko si V kasi best friend ko na si Jungkook.
"Hi best friend. Good morning dito ka sa tabi ko. Dali" bungad sa akin ni Jungkook pagkabukas na pagkabukas pa lang namin ng van.
Katabi niya si Jimin tapos may bakante pa tapos si Taehyung na yung nasa bintana. Bali ganito yung posisyon.
Jimin-Jungkook-vacant- Taehyung
Kaya umupo na lang ako sa tabi niya. Sa unahan naka upo si Ary katabi ni Ka Michael driver nila. Tapos si Vernon katabi ni Suga at Jhope. Tapos ang magkatabi naman ay si Rapmon at Jin. Tapos kaming apat yung nasa likuran.
Mahigit 25 minutes na kaming nagbabyahe at tong mga kasama ko tulog na lahat. Ang bilis nila makatulog. Napansin ko rin na ang dami nilang dala.
"Mang Michael bakit ang dami nilang dala?" Takang tanong ko kay manong habang sya ay nagdri-drive.
"Di ba Kayezer sa Batangas kayo pupunta" malumanay na sabi sa akin ni Mang Michael. Anak ng! Sa Batangas akala ko ba sa Cashew Mall lang. Aish humanda ka sa akin Ary.
Sa resort nina Hoshi kami pupunta nafifeel ko yun. Aish doon lang naman kasi kami pumupunta kapag sa Batangas ang usapan eh! Aish hindi man lang ako nakapag ready. Ni wala akong dalang damit. Wala nga akong pang swimming. Kakainis naman si Ary!
Nagising akong umuuga-uga na ako. Nakita kong buhat buhat na ako ni Mingyu ng pang bridal style. Sanay na ako dyan kay Mingyu. Tuwing nakakatulog ako lagi nya akong binubuhat. Wala naman kasing makakakita kasi laging nakasara ang resort na to kapag pupunta kami.
But reality hit me ng maalala kong kasama nga pala ang bts sa trip na to.
"Ming ming ibaba mo na ako!" Bulong ko sa kanya.
"Bakit sanay na akong laging kang binubuhat eh" sabi nya sabay pout. Ang pogi ng best friend ko.
"Eh! Nakakahiya may tao" sabi ko na pulang pula na ang pisngi
"Ang cute mo talaga bespren" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
Nakita ko namang nakatingin sa akin lahat ang miyembro ng BTS. Binigyan naman ako ng mapang-asar na tingin ni Kuya Jin. Aish nakakahiya
![](https://img.wattpad.com/cover/121542069-288-k298651.jpg)
BINABASA MO ANG
Classmate ko ang BTS
Fanfiction"I will leave because you never ask me to stay. I will stop because you never ask me to fight. And I will give up because you never loved me back"