Chapter 7

57 13 9
                                    

Kayezer's POV

"Hindi ka dapat umaalis ng walang paaalam Kayezer. Alam mo bang nag-aalala kaming lahat sayo? Nag-aalala ako?" Inis na sabi ni Kuya Jin.

"Sorry na kasi Kuya, hindi ko naman kasi sinasadya eh! Kinomfort ko lang naman yung Best friend ko" sabi ko kay kuya Jin mukha na syang kamatis sa sobrang pula ng mukha niya. Alam ko naman na naiinis pa rin sya sa akin.

"KUYA?!" Gulat na tanong nila maliban kay Ary at Mingyu.

"Uhmm guys sorry for not telling you but Kayezer is my sister twin sister to be exact" sabi ni Kuya habang kinakamot ang kanyang batok.

"Jinja?"
"For real?"
"Yah! Visual overload"
"Weh?!"
"Grabe grabe!"

Hindi naman sila agad makarecover ng sinabi ni Kuya Jin na kapatid ko sya. Grabe ang epic ng mga mukha nila. Gusto ko sanang tumawa kaso galit nga pala sa akin si Kuya Jin. Kaya hindi na lang sa ibang araw na lang siguro.

"Kayezer, barbeque gusto mo?" Tanong sa akin ni Jungkook. Umupo sya sa may tabi ko. Nakatingin lang kasi ako sa cellphone ko at hindi kumakain. Nagutom sila sa paghahanap sa akin.

"Sige penge isa" sabi ko. Kaya agad nya akong inabutan ng isang BBQ. Ang sarap ha!

Nakatingin pa rin ako sa cellphone ko ng may biglang nagchat sa akin. Si Jennie pala.

Sunduin mo ako sa entrance nandito na ako

Basa ko sa chat ni Jennie. Nandito na sya agad? Ang bilis naman ha. 9:00 na ng gabi. Akala ko bukas pa sya dadating.

Tumayo naman ako. Kaya nagtaka naman sila.

"May susunduin lang ako" paalam ko sa kanila. At dahil ayaw akong paalisin ni Kuya Jin ng mag-isa dahil sa nangyari kanina. Pinasamahan ni ako kay Mingyu.

"Saan ka ba kasi nagsususuot?" Natatawang tanong ni Mingyu. Nakaakbay sya sa akin ngayon. Edi sya na ang matangkad.

"Wala may kausap lang kasi akong chix kanina" sabi ko sabay ngisi sa kanya. Agad kaming natawa kahit wala namang nakakatawa sa pinagsasabi ko. Hahahaha.

"Chix paglaki manok,pagniluto andoks pagkinain ubos" sabi niya kaya lalo pang lumakas ang tawa ko.

"Elle" tawag sa akin ni Jennie ng makita namin siya sa may entrance. Nakita ko namang umikot ang mga mata ni Mingyu ng makita kung sino ang sinundo ko. May topak talaga itong magpinsan na to. Napakaclose nila pero laging magkagalit.

"Hoy pangit bakit ka nandito" tanong ni Mingyu kay Jennie. At dito na magsisimula ang kanilang mahabang batuhan ng mga salita.

"Bakit ba eh gusto ko eh" inis na sabi ni Jennie

"Tss. Umuwi ka na sa inyo" sabi naman ni Mingyu na naging dahilan ng pag-irap ni Jennie.

"Tumigil na nga kayo" inis na sabi ko at naglakad na paalis. Nakakarindi na sila.

"Yan nagalit na tuloy si Elle. Kasalanan mo ang lahat" inis na sabi ni Jennie. Agad naman itong tumakbo papunta sa akin.

"Uy sorry na wag ka ng magalit di ko na lang papansinin si Mingyu" sabi niya sabay cling sa braso ko.

"Sinong may sabing galit ako" sabi ko sa kanya sabay tawa. Hahahahaha akala nya siguro galit talaga ako hahhahahaha.

Naglakad na kami papunta kung saan sila nakatambay. Naabutan kong nag-aaway na naman si Ary at si Jimin. Tss bubuhulin ko na ang dalawang ito.

Tumayo ako at sa kabutihang palad di nila ako pinansin. Aalis na muna ako ang ingay ingay kasi dito.

Aish nakalimutan ko pa magdala ng jacket ang lamig lamig pa naman dito. Madami kasing puno.

"Ito oh mukhang nilalamig ka na" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Taehyung ikaw pala" nahihiyang sabi ko. Andito si crush enebe.

"V na lang" sabi niya sabay ngiti.

"So kambal ka pala ni Jin hyung" sabi nya sabay ngiti.

Nag-usap lang kami ng nag-usap. Nakakairita sya pero nakakatuwa naman. Basta nakakairita talaga siya minsan.

"Tapos ginawa namin ni ate Suzy nilagyan namin ng sili yung unan niya. Nilagyan talaga namin as in kinuskos namin yun sa unan nya. Hahahahaha alam mo ang pula pula ng mata don ni Kuya Jin hahahaha nakakatawa talaga sya non. Tapos napagalita pa kami ni ate Suzy kaya na grounded kamu for the whole month" kwento ko habang patawa-tawa.

"Hahahaha you look mesmerizing when you laugh" he said and left me dumbfounded.

Classmate ko ang BTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon