Kayezer's POV
"Hahahahaha. Grabe ang pogi pogi mo na" sabi ko kay Mingyu habang kinukurot ko ang pisngi niya. Ang cute nya
"Matagal na akong pogi Elle! Ikaw nga ang ganda mo na! Sabihin mo nga sa akin, may boyfriend ka na noh?" Sabi nito sabay sundot sa tagiliran ko.
"Wala. Wala kaya akong boyfriend. Strict ang parents ko" nag-appear kami sabay tawa. Hahahahaha abnormal talaga kaming dalawa.
"Ehem!" Tikhim ng mga nasa likuran. Ay oo nga pala nandito pa ang BTS at si Ary
"Ay Ming Ming, kilala ko naman sila diba?" Sabi ko sabay turo sa kanya pero nagulat ako ng nakita ko syang nasa harap na ng BTS.
"Mingyu kaylan ka pa dito?" Tanong sa kanya ni Jhope. Edi sila na ang close. Tss.
"Kahapon lang ako dito, kayo kaylan pa dito?" Tanong naman niya.
"Nong nakaraang linggo pa. Dito na nga kami papasok" sabi ni Rapmon.
"Talaga! Ako din dito na papasok babantayan ko kasi si Elle! Baka may manligaw!" Sabi niya at nagtawanan sila. Hello? Best friend here? Tss. Kinulbit ko na lang si Ary.
"Ary. Tara na!" Sabi ko sa kanya. Kaya wala na syang nagawa kundi ang itigil ang pagtitig sa kuya kong si Jin at samahan akong umalis.
Mahigit isa't kalahating oras ng wala si Mingyu at ang BTS. Tss edi sila na ang magbest-friend. Nakita lang ni Mingyu mga kapwa niya Idol nakalimutan na ako.
"Oh bakit nakakunot na naman yang mga noo mo?" Tanong sa akin ni Jennie. Ang class president namin at the same time best friend namin ni Ary. Ako ang vice president nila. Di lang halata pero ako talaga ang vice.
"Tss. Nakakainis kasi si Mingyu, ako yung best friend ako yung inisnob." Inis na sabi ko.
"Nandito si Mingyu?! Kaylan pa?" Gulat na tanong niya. Oo nga pala pinsan niya si Mingyu. Isa yun sa dahilan kung bakit kami naging magbest friend ni Mingyu kasi pinsan siya ni Jennie na best friend ko simula bata pa. Hindi nyo gets? Bahala kayo! Tinatamad akong mag- explain
"Kahapon lang daw siya dumating" sabi ko sabay tingin sa kuko ko. Aish naiinis talaga ako.
"Hay nako! Bakit pa kasi umuwi yung isang yun. Naku naman kawawa na naman ako sa bahay" inis na sabi ni Jennie. Lagi kasi silang nag-aaway na magpinsan kaya ayaw ni Jennie na umuwi yun dito. Close naman sila pero laging may away.
"Kaya nga! Bakit pa kasi sya umuwi kung di naman niya ako papansinin diba?" Sabi ko sa kanya.
"Echosera to! Di ka lang pinansin uy" sabi nito sabay batok sa akin. Inirapan ko na lang siya.
Naglakad na lang akong mag-isa papuntang canteen. Wala din si Ary. Member kasi sya sa dance troupe. Ako naman member ng music club. Niyaya nya nga akong sumali sa dance troupe pero ayaw ko lang. Magaling daw akong sumayaw batay sa kanya. Buti pa siya may confidence sa kakayahan ko ako nga wala.
"Isang dutch mill nga po at isang cheesecake"sabi ko sa tindera sa canteen.
"Isa din pong dutch mill" sabi ng lalaki sa tabi ko. Di ko na lang pinansin. Gaya-gaya naman kasi eh! Tss.
Nang makarating na yung tindera agad kong kinuha yung order ko at binigay ang bayad ko. Naghanap naman ako ng mauupuan. Dahil walang masyadong tao ngayon mabilis akong nakakita ng mauupuan.
Dali dali akong umupo, at umupo din doon yung lalaking bumili din ng dutch mill. Di ko makilala. Naka mask kasi sya.
Lilipat na sana ako ng bigla syang nagsalita.
"Don't leave" sabi nito. Narecognize ko naman ang boses niya. Tinangggal niya din yung mask nya. Nakita ko ang mukha ng isang anghel na nagngangalang Taehyung. Sya lang pala.
"Ikaw lang pala akala ko kung sino na" sabi ko sabay upo sa kaharap nyang upuan.
"Hahahahaha ako nga to" sabi niya. Shit pati ba naman tawa anghel din.
"Kala ko kasi stalker ko lang. Tapos bumili pa ng dutch mill" sabi ko,paborito ko kasi ang Dutch mill.
"Hahahahaha stalker agad? Di ba pedeng paborito ko rin yung dutch mill" sabi niya sabay tusok ng straw sa dutch mill nya. Itusok ko na rin ang dutch mill ko at ininom.
"Kasi naman di ka umiimik. Akala ko tuloy sinusundan mo ako" sabi ko sabay kagat sa cheesecake ko.
"Hahahaha anong gagawin mo kung stalker ako?" Tanong nya naman.
"Uhm. Tatawag ng police?" Hindi ko sure na sabi.
"Hahahahaha grabe ka naman" sabi nya sabay tapon sa basurahan ng balat ng dutch mill nya.
Para syang nagbasketball kasi ang layo ng basurahan pero nashoot nya pa rin. Ang galing
"By the way, bakit hindi mo kasama ang members mo at ang magaling kong best friend?" Tanong ko sa kanya.
"Tulog kasi sila sa rest house. Ayaw daw muna nilang pumasok." Sabi niya. Grabe bad influence si Suga hinawaan sila ng pagka antukin.
"Ahhh kaya pala ang tagal ng best friend ko" sabi ko sabay simangot. Siguro pagod pa yun.
"Uy wag ka sumimangot. May butong?buktong?buting? Ay ano nga yun? Tanong niya sabay kamot sa batok niya.
"Bugtong" sabi ko sabay tawa. Ang cute nya kasi.
"Ayun bugtong. Bugtong bugtong maliit pero hot?" Sabi niya.
"Ha? Ano yun?" Anong maliit pero hot? May ganon ba?
"Edi sili" sabi nya sabay tawa. Promise hindi sa joke niya ako natawa kundi sa tawa niya mismo hahahahaha ang cute cute talaga ng crush kong to.
"Ayan ang ganda mo pag tumatawa" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
Shit! Kinikilig ako. Ang ganda ko daw sabi ng bias ko.
-------
Seulgi as Ary at the multimedia.Hahahaha sana lahat may chance na nakakausap ang mga kpop group! Sana all~

BINABASA MO ANG
Classmate ko ang BTS
Fanfic"I will leave because you never ask me to stay. I will stop because you never ask me to fight. And I will give up because you never loved me back"