Bumalik ang lahat sa dati, at bumalik sa dati ang kanyang Nobyo. Nakakatanggap sya dito ng text mula maga hanggang sa gabi. Ni che check sya kung kumakain ba sya ng maayos o hindi. Sa isang buwan puro ganun ang nang yare at naging masaya naman sya. Para bang lahat ng kutob n'ya ay nag laho nalang lahat lahat.
Pero hanggang ngayon di n'ya parin makalimutan ang lalakeng 'yun. Ilang araw na, hindi nya alam kung sino 'yun pero na aapektuhan s'ya dito. Si Ayana naman ay naging malamig sa kanila sa di nya malaman na dahilan. Gusto n'ya to kausapin pero ito mismo ang umiiwas sa kanila kaya naman wala syang nagawa kundi hintayin itong lumapit sa kanila at kausapin sila.
Ngayong araw ay dadayo ang taga Star University para lumaban sa team nila. Naka suot sya ng isang fitted blue short at isang tshirt na may tatak ng 'Martines'. Surname ng boyfriend nya na pinagawa pa ito para sa kanya. Simple lang ang ayos n'ya at siguradong nandon sya sa bleacher mamaya, halos bawat laban naman e. Pero nakakalungkot lang dahil ito na ang huling araw na susuporta sya sa ganitong laban dahil huling taon na n'ya sa Blue University. Sabay sabay sila gra graduate ng mga kaibigan nya. Yun ang Goal nilang apat, sabay sabay tatapak sa stage habang inaabot ang diploma.
"Tara na!"
"Tara!"
Masaya syang nag pahatak sa Kaibigan nyang si Mel habang si Kyla naman ay na kay Ayana dahil kailangan daw ni Ayana si Kyla, Oo nag seselos sya dahil sya ang bestfriend pero iba ang kailangan nito.
Nang makarating sila sa Gym ay pumunta na silang lahat sa bleacher, wala si Ayana at si Kyla. "Huy, sino ba hinahanap mo?"
"Hmmm. Sila Ayana? Wala sila." Takang tanong nito sa kaibigan nyang si Mel.
"Wag mo ng hanapin! Nandyan na yung mga black team ng Star oh!" napatingin sya dun at inisa isa nyang tignan ang mga ito.
Halos kasing tangkad lang din ng team na sinusuportahan nila, pero parang kakaiba dito. Seryoso ang mga ito at hindi man kumaway o ano? Pinag masdan n'ya ang mga ito hanggang sa madako ang mata n'ya sa lalakeng huling pumasok. Nanlaki ang mata n'ya dahil kilala n'ya to!
Isang buwan na nakakaraan pero alam nyang di sya nag kakamali na sya ang lalakeng yun!
"You're Gabriella Dela Cuesta?" he huskily said again.
"W-who are you?"
Nanginginig ang tuhod n'ya habang pinag mamasdan ang lalakeng nasa harapan n'ya. Aamin n'ya mas gwapo at mas malaki ang katawan nito kesa kay Fran. Pero kahit kailan hindi nya naramdaman kay Fran ang ganitong pakiramdam. Yung tipong papalapit lang ang lalake ay bumibilis na ang tibok ng puso n'ya at manginginig na ang tuhod n'ya.
"Soon, you will know me. But not now." he smiled.
Pag katapos ng araw na 'yun ay hindi na nya nakita ang lalake, kahit boses nito ay tumatak sa utak n'ya ang amoy at muka nito. Kabisado n'ya ang din ang muka nito, ang hulma pero mas naakit sya sa mata nito, sa mata nito na para bang hinihigop s'ya.
"ANG GWAPOOOOOOO!"
Naalis nya ang tingin sa lalakeng yun ng marinig nya ang malakas na sigaw ng mga ka schoolmates n'ya. Huminga sya ng malalim at napahawak sa dibdib n'ya.
Shit! Kay Fran ko lang dapat nararamdaman to hindi sa kanya!
"Ang gwapo nung huling pumasok!" kinikilig na sabi ni Mel sa tabi n'ya.
"GoodAfternoon to all of you guys! Are you excited?!"
Nag sigawan ang mga nanonood habang sya naman ay di parin kumakalma ang tibok ng puso n'ya. "We both know guys this Basketball that will be exciting! So? Where's the Ms. Intrams?"