"W-what?"
Napatingin sila kay Saimon dahil sa sinabi nito. Kahit sya nagulat? Si Saimon? Si Saimon ang papakasalan n'ya? Bakit parang na excite sya sa narinig nito? Bakit parang gusto n'yang madaliin ang kasal.
"Is that true, Gab?"
Naagaw ang atensyon n'ya ng marinig nya ang pagak na boses ni Fran. Pero agad sya tumingin kay Saimon.
Actually, she really don't know if it is a joke or not? She want to ask him if it is true pero di nya magawa dahil nasa harapan sya ng mga taong sinaktan sya, Di nya alam kung tinutulungan ba sya nito o nag sasabi ng totoo.
Huminga sya ng malalim at tumingin kay Fran. Hinawakan n'ya ang braso ni Saimon at naramdaman nya nanaman ang kuryente. Pero di nya yun pinansin, ngumiti sya kay Fran. Pero mas nagulat s'ya sa ginawa ni Saimon. Lumapat ang palad nito sa bewang n'ya at lalong lumakas ang tibok ng puso n'ya. Hindi sya makagalaw pero nakangiti parin s'ya. Pinilit nyang maging normal sa harapan ng mga 'to.
"Yes." She smiled. "Kaya nga nung niloko mo ko? Naisip ko na hindi pala worth it na ipag laban ka."
Bigla nawala ang ngiti n'ya dahil sa nakita n'ya, nakita nyang tumulo ang luha ng ex boyfriend n'ya. Umiwas lang s'ya dito ng tingin. Nasasaktan s'ya pero hindi n'ya mapapatawad. Binalik n'ya ang tingin kay Ayana at ngumiti s'ya.
"Sana maging masaya kayo, Ayana. Pero tandaan mo? Lahat ng 'to may karma."
Nag lakad na silang dalawa ni Saimon paalis don, halos lahat ay napapatingin sa kanilang dalawa. Inalis nya ang kapit n'ya dito at huminga ng malalim, nanginginig ang tuhod n'ya sa kaba na pinag halong sakit. Gusto n'yang umiyak pero di n'ya magawa.
Dalawang taon ang nasayang, dalawang taon. Mahal na mahal n'ya 'to, at ganon din ito sa kanya. Pero ayaw nyang naloloko s'ya dahil bilang lang ng daliri nya ang mga taong totoo sa kanya at mga pinag kakatiwalaan n'ya.
Kaya naman ng makarating sila sa parking lot ay muntik na sya mabuwal dahil sa narararamdaman n'ya. Tumulo ang luha n'ya, hawak hawak sya ni Saimon sa dalawang bewang habang nakasubsob ang muka n'ya sa dibdib nito.
"A-ang hirap maging matapang." she whispered. "Ang hirap hirap, Saimon."
"Let's go. Kumain nalang tayo ng ice cream."
Pinunasan n'ya ang luha n'ya at tumingin dito. "Ice cream?"
"Yeah, Ice cream for broken hearted." he chuckled.
Pinag buksan s'ya nito ng pinto at pumasok naman s'ya agad. "Yung kotse ni kuya!"
"Give me the key."
Walang pag dadalawang isip na inabot n'ya dito ang susi. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa nito at may biglang tinawagan. Hindi n'ya na pinakinggan ang sinabi nito at tumingin nalang sya sa bintana.
Hindi n'ya alam ang nang yayare sa kanya, kanina umiiyak sya pero ngayon wala na. May nararamdaman pa syang sakit pero di naman na kasing sakit ng makita nya ang ex n'ya habang kasama ang bestfriend n'ya. Umandar na ang kotse nito at umayos na s'ya.
Hindi sya makatingin sa lalake dahil kinakabahan s'ya. Para syang baliw na di alam ang gagawin, gusto nya mag tanong pero di nya maibuka ang bibig n'ya. Pero bakit ganon? Nakakalimutan n'ya ang manloloko nyang ex boyfriend pag to ang kasama nya?
May something sa lalakeng 'tona di n'ya maintindihan pero mas okay na 'yun para mabilis nyang makalimutan ang ex n'ya. Hindi sa ginagamit n'ya si Saimon pero iba kasi nararamdaman n'ya dito. Safe s'ya dito at komportable syang walang mang yayare sa kanya ng masama.
"Hindi ka ba mag tatanong tungkol kanina?"
Hindi nya maiwasan mapalingon dito. "H-huh?"
"Yung sinabi kong fiance kita? Di ka ba mag tatanong kung totoo 'yun?" bahagya syang nagulat dahil sa sinabi nito.