1

15 0 0
                                    

"Minahal mo ang isinuka ng bestfriend mo"

Hindi ka ba  nahihiya? 
Kahit na ikaw ay kanilang kinukutya
Hindi ka ba nasasaktan?
Kahit na ikaw ay kanilang pinandidirian

Dahil nga, minahal mo ang isinuka  ng bestfriend mo
Taong pinaglumaan niya ay pinulot mo
Taong pinagsawaan niya ay kinuha mo
At  ang taong isinuka nya ay At siyang taong minahal mo

Bakit naman kasi, sa dinami-dami nang nagmamahal sayo
Siya pa, na dumaan at pinaglumaan ng bestfriend mo
Bakit naman kasi sa dinami-dami nang humahabol at nagchachat sayo
Siya pa, na nanggaling na sa bestfriend mo

Hindi mo ba naririnig ang panghuhusga nila?
Nagtatanong kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo siya pa?
Mga bungangang nakabuka nagtatanong, "Hoy Sung bulag ka ba?"
Sumisigaw, humihiyaw, "hoy Sung gumising ka!"

Pero bilib na bilib ako sayo
Dahil pagmamahal mo sa kanya ay totoong totoo
Hindi mo pinakikinggan ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sayo
Panghuhusga at pangungutya nila ay baliwala lang sayo

Pero maraming salamat sayo, salamat sa pagmamahal mo
Dahil ang taong isinuka ng bestfriend mo, ay AKO
Ou, AKO na pinagsawaan at pinaglumaan niya ay minahal mo
Ako na iniwan at sinaktan niya ay sinalo at iningatan mo

Salamat, Salamat sayo
Noong araw na iniwan niya ako
Salamat at nandiyan ka dinamayan ako
Nakinig sa bawat hagulgol nang pag-iyak ko

Salamat sa balikat mo na pinapatakan ng bawat luha ko
Sa mga kamay na humahaplos nagsasabing, "tahan na nandito lang ako"
Bawat haplos na nagpapalakas sa loob ko
Sa mga yakap na nagsasabing, "nandito ako handang magmahal sayo"

Salamat,  maraming Salamat!!

Hindi ko mapapangako ang lahat ng bagay sayo
Ngunit gagawin ko lahat hanggat makakaya ko
Mamahalin kita hanggat nabubuhay ako
Iingatan at pahahalagahan hanggang sa huling pintig ng puso

Salamat at minahal mo ako
Pinulot, kinuha at iningatan mo
Salamat at minahal mo
Ang taong isinuka ng bestfriend mo. AKO!!!
- filipino spoken word
•Josh•

unspoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon