"Move On"
Ni: Keith Mark Gaudia Canillo
Anim na letra
Dalawang salita
Para sa mga sawi ito'y ginawa
Ako'y nasaktan ng malubhaPaano ako magsisimula
Sa pagkalimot sa iyong pagkawala
Naiwan pa sakin ang iyong mga ala-ala
Nung tayo pa ay magkasamaGusto ko maghanap ng iba
Pero nauna ka na pala
Ang bilis mo naman
Ako'y iyong kalimutanSabagay di na ako magtataka
Sa katulad ko na walang halaga
May magmamahal pa kaya
O mananatiling binabalewalaGanun pala talaga
Kapag nagmahal ka ng sobra
Siguradong talo ka
Wala ng natiraMag iisip kung anong nagawa
Mag iisip bakit mo ginawa
Iwan ang katulad ko ng nag iisa
Sa mundong tayong dalawa ang gumawaPaano makakalimot ang isipan
Kung ikaw pa rin ang laman
Pero tama na siguro
Ayaw na rin ng pusoButi ka pa
Naka move on na
Ako di ko alam kung saan magsisimula
Ang katulad ko, makakamove on pa kayaSa bilangguan ng pag-ibig
Ikaw ay nakalaya na
Ako'y nauuhaw,pahinging tubig
Ako'y makakalaya pa baAng puso ko na ito
Sa bilangguan nalang ang gusto
Na ang pag-ibig mo ang gumawa
Ayoko na kumawalaPero ako'y di susuko
Na sana'y may magpalaya
Sa nakakulong na puso
Sa iba makakalayaMaghihintay kahit gaano katagal
Walang maririnig na pag angal
Balang araw sa akin may makakakita
Kung ano nga ba ang aking halagaSa buhay ko'y mawawala ka
Di na kita maaalala
Kahit pangalan mo makakalimutan na
Kung pwede sana ngayon naFrom nakikilala kita to Sino ka ba
From TAYO ngayon hindi na
From Mahal kita ngayon ayoko na
Otw Move on ATM Moving On finally JGH nakamove on na.-Josh<3
•filipino unspoken word•