L-a na ang
D-ating
R-elasyonLDR..
Long distance relationship.
Para lang isang masamang panaginip.
Masakit isipin, makikita sya tanging sa panaginip.Naalala ko pa unang bigkas na ikay lilisan
Papakalayo, patungo sa malayong bihasnan
Mundoy tila nagulantang, nabagabag, naguluhan
Ang sa dibdib na gumuguloy di maparisan.Lilisan para sa mas magandang bukas
Bukas na gustong parehong ibakas
Bukas para sa pagtitinginang "walang katumbas"
At bukas para sa ating ibigang "wagas"Sinulit bawat sandaling kapiling pa
Umaga gabi laging kasama ka
Pinakakatitigan angking mong ganda
Sapagkat matagal tagal ding di magkikitaAyaw man ngunit araw ng paglisan ay dumating
Oh bakit ba tila kay bilis ng pagdating?
Sariliy hinde pa man handa na iyong sambitin
"Paalam mahal hanggang sa muling pagsasama natin"Milya milya ang sa ati'y namagitan
Magkabilang mundo ating natunghayan
Baligtad maging ang ating kaorasan
Malaking pagsubok sating pagmamahalanNaiibsan pagkamiss na nararamdaman
Sa magdamagang masasayang usapan
Di alintana ang dilim sa buong kapaligiran
Magkausap, marinig, masilayan ka lamangPagmulat sa umaga txt mo ang nagpapasaya
"Good morning" at mayroong smiley pa
Duon laang sapat na, akoy kuntento na
Bago ako matulog ay may bonus na "good night" pa.Di man kapiling sa mga okasyo'y tuloy ang saya
Birthday, pasko, anniversary at kung anong okasyon pa
Dinadaan na lang sa cheezy messages para isat isa
Aking galak pa pag napapaiyak kita sa saya.Di ko man akalain pero lahat palay may katapusan din
Buong pagaakala ko matibay ang kapit natin
Sapat na nagmamahalan para distansya matawid natin
Mali, ako palay bibitawan mo at iiwanang nakabitinAkoy naiwang durog sa mga katagang iyong nasambit
"Hindi na kaya ang relasyong tayo'y di magkalapit"
Ika'y napagod at napilitang bitawan ang kapit
Ako namay naiwan at damang dama ang sakitBakit tila LDR nagiba ang depinisyon?
Naging - La na ang Dating Relasyon
Hinde tuloy maiwasang tumakbo aking imahinasyon
Nagkulang ba ako sa pagbibigay atensyonSayo ko pinaikot buong mundo ko
Ngayong wala ka ako'y naiwang blanko
Text mo sa umaga ngayoy hanap hanap ko
Bago matulog sa gabi titignan pa fb mo.Sobra kong namimiss yaong dating tayo
Gayong magkalayo at malaki ang espasyo
Masaya naman at kuntento sa kung anong meron tayo
Lahat ng saya at problema nasasabi ko sayoNasaan na ang pangakong tayo'y maghihintayan?
Maghihintay sa panahong tayoy muling magkakayakapan
Panahong pareho tayong sa buhay' wala ng kelangang patunayan
Pangakong walang iwanan at magmamahal magpakailanmanMalayo ka na nga at patuloy pang lumayo
Ako namang si tanga sinubukan pang ibalik dating pagsuyo
Sinubukan ibalik ang relasyon muling ibuo
Nasaktan lang ako pagkat ikay lalo pang lumayoWaLa na nga ang Dating Relasyong namagitan satin
Ngunit pagkatatandaan mga salitang aking sasambitin
"Ikay mahal pa din at mahalaga sa akin,
Maghihintay pa din hanggang distansya'y maubos sa atin"-Josh <3
Ni : Venson Robles
•Filipino spoken word•