5

15 0 0
                                    

"AKO ANG UNANG NASAKTAN, KAYA KITA INIWAN"

Siya: "Ikaw na nang-iwan, anong karapatan mong masaktan?"
Ako: "Ako ang unang nasaktan, kaya kita iniwan."

Ako ang nang-iwan
Lumabas sa pintong ating pinaghirapan
Ako ang sumuko
Umayaw sa pangarap na habang buhay na pagmamahalan
Ako ang hindi tumupad
Sa mga pangako'ng pinagsaluhan,
nung mga panahong may Ikaw at Ako sa mundong ginagalawan.

AKO NA NANG-IWAN
ANONG KARAPATAN KONG MASAKTAN?

Hindi mo lang ba ako tatanungin?
Kung bakit kita iniwan
Kung bakit kita sinukuan
Kung bakit biglang napagod ang puso
Sa mga pangakong binitawan
Pangakong minsa'y naging daan patungo
Sa akala kong ako lang
Ang nag mamay-ari
sa iyong puso't isipan.

Wala kang alam
Wala kang alam sa tunay na nararamdaman
Hindi mo alam ang mga pinagdaanan
Bago 'ko tuluyang piliin na ika'y iwan
Bago 'ko sinabi sa sariling ikaw na'y papakawalan
Bago 'ko makumbinsi ang isip na sumuko kaysa lumaban
At bago 'ko maramdaman
Maramdamang tapusin kung ano mang mayrun tayo sa kasalukuyan
Ayoko lang kasi na mas masaktan
Sa kadahilang--
Pinipilit ko lang na maging masaya
Kapag ika'y nandyan.

Huwag mo namang ipagkalat
Na hindi ko alam ang masaktan
Kung ang 'masaktan' lang ang pag-uusapan
Kotang-kota na 'ko dyan para iyong malaman
Balikan nga natin ang nakaraan
Wala ka naman sigurong amnesia
O sakit na makalimutan
Kung bakit naisipan ng puso'y ika'y sukuan

Ako ang unang nasaktan
Ako na napabayaan
Ako na di pinahalagahan
Ako na kumakain ng sama ng loob
Kapag 'di mo nirereplayan

Ako na umiinom ng sariling laway
Sa tuwing tayo'y nag-aaway
Wala kang maririnig na sumba't mura
Kahit ikaw ang may kasalanan
Ako na naghahanap din ng kalinga at pagmamahal
Ako na inaaway ang sarili sa 'twing sumasagi
sa isip na ikay hiwalayan
AKO ANG UNANG NASAKTAN.

Ako na minahal ka ng lubusan
Ako bay totoong minahal o reserba lang?
Anong nagtulak sayo para sabihing--
WALANG KARAPATANG MASAKTAN?

Nauna akong masaktan
Kaya nagbago
Nauna akong tinalikuran
Kaya napagod
Nauna akong lumuha
Kaya nagsawa
IKAW ANG INIWANAN,
NGUNIT AKO ANG LABIS NA NASAKTAN.

Bago ka lumuha ng balde baldeng batya
Naisip mo din kaya kung gaano kahaba ang leeg ko sa tuwing wala
Umaasang uuwi ka sakin ng sadya
Bago mabaliw ang puso mo sa pagkawala
Naisip mo rin kaya yung mga araw na puno ng pasa
Ang puso ko kahit di nakikita
Pambabalewala sa surpresang ginawa
Pasalama't ka't mahal kita mula simula
Ngunit may hangganan din ito
Kaya pasensya na 'di ko sinasadya
Napapagod din ang puso sa kakasalita
Nagbabago din ang ikot ng isip di lang ikaw ang nakikita.

AT NAGSAWA
Nagsawa na sa mga luha
Ang ganda ng mga mata ko para lumuha
Ang ganda ng mga ngiti ko para 'di ipakita
Ang ganda ng mukha ko para matulala
At ang ganda-ganda ko lang
Para mabalewala
Maniwala
Sa sinasabi mong ''Mahal kita''
kulang naman sa gawa.

Wala akong pinagsisihan
O makunsensya sa ginawang paglisan
Kung masamang magsabi ng totoong nararamdaman
Patawarin mo ako
Alam 'kong di ganun-ganun lang
Ngunit hanggang kailan?
Ayaw kitang saktan
Mas lalong sarili'y ayoko 'ring saktan
Gusto ko lang protektahan
Puso ko't isipan sa anuman
Kaya inunahan
INUNAHAN KITA NA TAPUSIN ANG
SATIN NA SINIMULAN
Sati'ng ni minsan 'di ko naramdaman.

Masisisi mo ba 'ko ngayon
kung bakit piniling ika'y iwanan?
Kahit masakit mahal
Kahit namimiss ka mahal
Kahit ikaw ang buhay ko mahal
Kahit mahal na mahal
Ayoko na mahal--

AYOKO NG MAGMAHAL.

Parehas lang tayo ng nararamdaman
Naiwan man o iniwan
Parehas lang tayong may kasalanan
Sumuko man o sinukuan
Parehas lang tayo na nasaktan
Nagsawa man o tinakbuhan
Sumugal kasi tayo
Sumugal na sa huliy parehong talunan
Nagmahal kasi tayo
Nagmahal ng walang kasiguruhan--
KASIGURUHANG TAYO HANGGANG SUKDULAN.

Ako na nang-iwan, anong karapatan 'kong masaktan?

Ikaw?
Alam kong masasagot mo yan
Kung 'di ka nagbubulag-bulagan
Kung hindi puro sarili nalang ang hinahangaan
Kulang na lang kasi
Magpatayo ka ng rebolto sa kasadsaran
Ng relasyon natin dati,
diba ikaw at ikaw nalang
Nasusunod sa 'twing may pinagtatalunan?
Kaya wag ako
Wag ako
Hindi ako ang nagkulang
Binigay sayo lahat ng makayanan
Nakalimutan ko na ngang maging
ako pala'y may kaylangan--
KAYLANGAN KO DIN PALANG MARAMDAMAN
Ang alagaan
Ang kumustahin
Ang 'di pabayaan
Ang mahalin
Pagkat simula nang naging tayo
Wala na kong inisip kung paano
Ipadama sayong ika'y mahal na mahal
Kahit gustong-gusto ko nang sabihing--
PWEDENG AKO NAMAN?
Ako naman mahal ang iyong pakinggan.

Ikaw na iniwan
Ikaw ang mas nasaktan
Ikaw ang mas nahirapan
Ikaw ang mas nasugatan

Pero uulitin ko lang
PUTEEK! AKO ANG NAUNA

Naunang masugatan
Naunang mahirapan
Naunang masaktan

Kaya wala kang karapatang isumbat saki'ng
Parang ikaw ang biktima at ako ang sugo ng Pangulo sa war on drugs na yan
Huwag kang umastang ako ang Pulis at ikaw ang walang kamalay malay na si Kian
Mahiya ka naman
Para iyong malaman
Ikaw si Kastila Hapon Amerikanong sumakop
Sa'king kalooban
Matapos angkinin, pinabayaan
Matapos ubusin ang yaman, pinagtatawanan
Alam mo ba ang natutunan?
Hindi pala maganda magmahal ng dayuhan
Kasi sa huli'y ikaw lang paglalaruan.

AKO ANG UNANG NASAKTAN,
KAYA KITA INIWAN
Kung may balak ka'ng ako'y balikan
Opinyon ko'y matulog ka na lang
O baka gutom lang yan?
Wag na wag mo na 'ko guguluhin
Wag na wag mo na 'ko kakausapin
Wag na wag mo na 'ko dadalawin
Kahit sa panaginip ko manggaling
Pakiusap sana'y iyong dinggin.

Baka di 'ko kasi mapigilan
Bumalik ang nararamdaman
'Di naman kasi nawala
'Di naman kasi nakalimutan
May takot lang--
Takot na muling masaktan
AT AKO NAMAN ANG MAIWAN.
•FILIPINO UNSPOKEN WORD•
-JOSH
NI:  Pusang makata..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

unspoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon