Nawala yung 'TAYO' dahil nagkaruon ng 'KAYO!'
Dati kasi ayos lang na magpuyat ka,
Dahil magkausap kayo hanggang alas tres ng umaga.
Palihim pa na ngingiti at kikiligin sa gilid ng kama,
Kapag narinig mo yung boses nyang maganda na parang masayang masaya dahil kausap ka nya.Dati kasi ayos lang na mag puyat ka,
Kahit ang mga pinag uusapan ninyo'y
tungkol sa mga bagay na wala namang kwenta basta ba marinig mo lang yung mga tawa nya, masaya kana.Pero ngayon mag isa kana,
Wala nang rason para mag puyat pa.
Wala ng usapan hanggang alas tres ng umaga,
Dahil wala naman na kayong dalawa.Mag aalas dose na, ngunit gising ka pa.
Hindi kaba makatulog kasi naalala mo bigla yung mga alaala nyong dalawa na masaya?
Na ngayo'y nawala na, dahil meron ng 'SILA'.At magigising ka sa realidad na wala na pala talaga kayong dalwa. Na wala nang siya na kausap mo hanggang alas tres ng umaga.
At sa oras ito alam mong hindi na ikaw yung kausap niya.Masakit man isipin, pero ganun talaga.
Meron na siyang iba! Wala ka ng magagawa, yun ang tinadhana para sa inyong dalawa! Kaya huwag ka ng magpuyat pa, matulog kana. Hindi na siya babalik pa.-Josh
Ni: Lhui Aquino❤
•Filipino spoken word•