Chapter 1

106 1 0
                                    

Chapter 1

CHAPTER 1

2006

Music lovers ang buong pamilya ni Mikayla Garcia. Ang Daddy Ben niya kahit sintunado at laging wala sa tiyempo kapag kumakanta sa Videoke, keber lang! Frustrated singer nga kung tuksuhin nila ng Ate Gayle niya ang daddy nila. Ang Mommy Doris niya naman ay madalas na ikuwento sa kanila na dati siyang member ng Glee Club nung high school pa siya. Buong pagmamalaki niyang sinasabi sa mga anak na siguradong sa kanya sila nagmana. Pareho din kasing Glee Club Members silang magkapatid. Bukod sa pagiging member ng Glee Club sa school, member din si Mikayla ng choir sa simbahan nila. Dahil nga mahilig sa music ang pamilya ni Mikayla, paborito nilang panoorin ang mga singing contests sa TV. Parang nagja-judge din silang buong pamilya kapag nanood ng singing contest sa TV. May kanya-kanya din silang opinyon tungkol sa performance ng contestant. Ang pinakabago nga nilang pinapanood at sinusubaybayan ay ang "Your Next Big Star" ng MBS Channel 3. Tatlong linggo pa lang nung nagsimula ang airing nito sa telebisyon pero mataas na ang ratings nito. Sa tatlong linggo nitong pag-ere sa telebisyon, tama ang hula nilang mag-anak kung sino mananalo sa linggong iyon. Ngayon ay ikaapat na linggo ng elimination round. Gaya ng mga nakaraang Sabado, sama-sama silang nanonood ng "Your Next Big Star" sa living room ng kanilang bahay.

Dadalhin ni Regine V. ang kinanta ng unang contestant na babae.

"Talo 'yan. Dinaan lang sa sigaw yung kanta, eh," komento ni Daddy Ben.

"Makatalo si daddy, oh! Oo nga, hindi maganda yung birit. Di bagay dun sa song. Hindi niya naabot yung mataas," dagdag na komento ni Ate Gayle.

"Di ba, hindi maganda sa tenga?" Tanong ni Daddy Ben.

"Sige, Dy, kayo na ang mag-judge," biro ni Ate Gayle kay Daddy Ben.

I believe I Can Fly ni R. Kelly ang kinanta ng 2nd constestant na lalaki.

"Ginaya mo lang yung original version. Okay lang na gawing mong inspirasyon ang pagkanta ng original singer but you have to put your own style for you to have your own identity in this business." Ito naman ang constructive criticism ng isa mga judges ng contest na isang batikang composer.

"Our last contestant comes from Makati City. He is 16 years old and currently in fourth high school. Ladies and gentleman, please give a warm round of applause to Jettmarc or "Jett" Salazar," pagpapakilala ng host.

Pagkatama ng ilaw at ng camera kay Jettmarc, natulala ng slight si Mikayla. Naramdaman niya ang sabay na pagguhit ng ngiti sa labi niya at bilis na tibok ng kanyang puso. Nakaramdam siya ng kilig ng pumikit si Jett at nagsimulang kumanta.

("Shocks! Sino kayang nanay ng nakantang ito? Ang guwapo naman niya! Grabe na ito! Kahit kailan hindi ko inimagine na masasabi ko ito dahil ayokong isipin ng ibang tao na ang landi-landi ko. Lalo na sa kagaya kong naturingang Ms. Prim and Proper sa buong section namin. Pero sasabihin ko ito ngayon. Sasabihin ko ito ngayon sa sarili ko. Mapagkakatiwalaan ko naman ang sarili ko. Alam ko naman hindi ako pagtatraydoran ng sarili ko.... Wah! Grabe! Nalalaglag yata ang panty ko. Ang gwapo, gwapo niya!) Ito ang nasabi ni Mikayla sa sarili nang makita ang lalaking nakanta sa telebisyon.

Kulang na lang ay tumayo siya ng tuwid dahil ang ayos niya ay parang kumakanta ng "Lupang Hinirang". Nakatapat ang kanang kamay niya sa puso niya habang nakatitig sa TV. Konting-konti na lang at mamaluktot na siya sa kilig na nararamdaman. Pero siyempre, hindi niya pinapahalata ang reaksyon niyang yun sa mommy, daddy, at Ate Gayle niya. Baka kasi ma-weirduhan ang mga ito sa kanya. Iniisip niya, para lang siyang baliw. Nararamdaman niyang ngumingiti ang puso niya. (Wow, nagkangipin bigla ang puso ko dahil sa ka-cute-an niya? Ah ewan! Kahit bungal pa puso ko, basta ramdam ko ang pagngiti ng puso ko. Ang cute, cute niya!) First time niyang maramdaman yun habang nanood ng TV, ang weird ng feeling. Nakakapanood at nakakakita din naman siya ng ibang mga cute guys na lumalabas sa TV, mapa-Filipino man, Taiwanese actors/singers, o Korean actors/singers dahil mahilig din siyang manood ng Korean at Taiwanese series. Nakakaramdam din naman siya ng kilig. Pero dahil yun sa love story ang kuwento ng mga Asian TV series na pinapanood niya. Iba ang kilig na naramdaman niya nang makita niya si Jett. Ang lamig-lamig pa boses nito na pang-balladeer talaga. "Reaching Out" ni Gary V. ang kinakanta niya. ("Buti OPM ang kinanta niya. I love OPM kaya! Ang sarap pakinggan ng boses. Bagay sa mukha niya. Hong gwapo!")

Next To Shooting Star - Book One: Beyond DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon