Chapter 4

20 0 0
                                    

CHAPTER 4

Worth it ang pagkuha ni Amy at ng Jade Talent Agency kay Mikayla. Naging malakas ang dating ng green tea commercial ni Mikayla at naging kilala ito nang husto sa market. Naging popular ang brand na Thuench sa mga beverages ng leading supermarkets at groceries. Dahil dito nagkaroon pa ng isang commercial si Mikayla. Cologne naman ang sumunod na product na inendorse niya. Nagpatuloy pa rin siya sa pag-aaral niya sa college gaya ng ipinangako niya sa mommy at daddy. Naging simpleng estudyante pa rin si Mikayla although ang ibang estudyanteng babae ng Hillsbridge University, tumataas ang kilay sa kanya dahil karamihan sa nagpapacute kay Mikayla, mga crush ng bayan sa school nila. Pero waley pa rin ang mga guys na ito. Hindi kasi sila type ni Mikayla. Kahit na ang mga varsity players ng basketball na gusto siyang pormahan, waley din kapag iniinvite nila si Mikayla para makipagdate.

**************************************************************************************************************************

Naghuhugas si Mikayla ng plato nang biglang tumunog ang doorbell. Nagmamadali siyang lumabas ng kusina para tingnan kung sino ang bisita.

"Amy! Ba't di ka po nagpasabi na bibisita ka?" Gulat na gulat na tanong niya Mikayla habang pinapapasok niya si Amy papuntang living room ng bahay.

Kakaupo pa lang nila sa sofa nang biglang marinig nila ang mga yabag pababa ng hagdan. Galing si Mommy Doris sa second floor ng bahay. Nagtaka din ito sa biglang pagbisita ni Amy sa bahay nila. Usually kasi, kapag bibisita ito sa bahay nila, tumatawag muna ito o nagtetext kay Mikayla.

"May bago kasing project si Mikayla kaya ako napasugod dito," pagsisimula ni Amy. "Pero hindi po commercial, Tita."

Biglang kinabahan si Mikayla sa sinabi ng agent manager niya. Pilit niyang iniisip kung ano pang posibleng maging project niya bukod sa paggawa ng commercial.

"Miks, nakita kasi ng line producer ng W-One Films ang mga commercials mo. Gusto ka nilang isama sa upcoming movie nila. Mga bago kasi ang gusto nilang kunin na gaganap na mga estudyante. Ikaw yung gusto nilang ka-love interest dun ni Jett Salazar," kwento ni Amy kay Mommy Doris at Mikayla.

Napalunok si Mikayla sa narinig. Bukod pa dito ang paglaki din ng mga mata niya. Naramdaman din ni Mikayla ang panlalamig. Napansin ito ng Mommy Doris niya na hindi rin makapaniwala sa narinig mula sa agent manager ng anak.

"Ah, Amy, pakiulit nga uli ang sinabi mo?" Nagtaka si Amy kung bakit umasim ang mukha ni Mommy Doris.

"Seryoso kayo, Tita?" Tumango si Mommy Doris na pigil ang ngiti. Tumingin sa itaas si Amy at pilit inalala ang eksaktong sinabi niya. "Miks, nakita kasi ng line producer ng W-One Films ang mga commercials mo. Gusto ka nilang isama sa upcoming movie nila. Mga bago kasi ang gusto nilang kunin na gaganap na mga estudyante. Ikaw yung gusto nilang ka-love interest dun ni Jett Salazar."

Napalunok uli si Mikayla sa narinig. Nanlaki uli ang mga mata niya. Lalo lumamig ang pakiramdam niya. Napansin uli ng Mommy Doris niya ang parehong reaksyon ng anak.

"Ah, Amy, pakiulit nga uli ang sinabi mo?" Pakiusap ni Mommy Doris. Naweweirduhan na si Amy sa mag-ina. Pero pinilit niya uling alalahanin ang eksaktong sinabi niya. "Miks, nakita kasi ng line producer ng W-One Films ang mga commercials mo. Gusto ka nilang isama sa upcoming movie nila. Mga bago kasi ang gusto nilang kunin na gaganap na mga estudyante. Ikaw yung gusto nilang ka-love interest dun ni Jett Salazar."

Napansin ni Amy na ganun uli ang reaksyon ni Mikayla. Hinawakan ni Amy ang sintido niya na waring sumasakit ang ulo sa tila deja vu na reaksyon ng alaga at ng mommy nito. Bago pa man nagsalita si Mommy Doris ay tumayo si Amy at nakigamit ng CR.

Next To Shooting Star - Book One: Beyond DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon