Chapter 3

34 0 0
                                    

CHAPTER 3

Hillsbridge University 

            Mga taong hindi mapakali sa pag-aayos ng set, malalaking camera sa harapan ng lobby, isang grupo na nagpapractice ng isang production number, at malaking sasakyan ang nakabalandra sa loob ng campus.  Ito ang bumubungad sa mga estudyanteng papasok ng campus.

            “Ano yang mga camera na yan?”

“Shooting daw.”

“Ha? Anong pelikula?”

“Hindi movie, commercial ng shampoo.”

“Ah!”

      Halos lahat ng estudyante ay nakiki-usi sa mga sineset-up na mga cameras at kung anong commercial ang kukuhanan sa loob ng campus nila.  Amazed na amazed sila dahil first time silang nakakita ng magshooshooting sa loob ng campus.  Ang mga lalaki ay titig na titig sa magandang model ng commercial.

        Ang nag-aasikaso ng buong commercial shoot na ito ay si Amy Francia na isa sa mga agent managers/senior vice president for creative operations ng Jade Talent Agency. Hindi siya mapakali sa dami nang dapat iayos sa set ng commercial, takbo dito, takbo doon.  

        “Amy, okay na si Ms. Bianca.”  Ito ang sinabi stylist matapos ma-make-up-an at bihisan ang commercial model. 

        “Sige sasabihan ko na rin si Direk,”   Tinanguan at nginitian ni Amy ang image stylist.

        “Oh, magtetake na tayo.  Pakihawi ng mga tao diyan sa part na yan.  Please tahimik ang lahat magtetake na,” direksyon ng director na nagsalita gamit ang megaphone.

        Nagchichikahan pa rin ang mga estudyante tungkol sa ginagawang commercial shoot.  Pati sina Mikayla at ang mga kabarkada niya ay di rin makapaniwala sa nangyayari sa school nila.  Nakaupo sila sa isang campus hut at tinitingnan sa di kalayuan ang kaganapan sa shooting. 

        “Wow, sosyal ang school natin pinipili nang pag-shootingan.  Madami naman magagandang universities sa Metro Manila ba’t dito sa Laguna nag-shoot?”

        “Siguro kailangan nila ng fresh air.”  Ito ang sagot ni Nicole sa mga kaibigang hanggang ngayon ay amazed na amazed sa shooting ng commercial.  “Miks, nasubmit ko na yung revised version  kay Madam Suarez.”

        “Talaga!  Anong sabi?” Tuwang tanong ni Mikayla sa kaibigan.

        “NR. No reaction!”  Napasimangot si Mikayla sa tugon ng kaibigan.  Paano, yun lang revision ng one-year calendar ng club nila at program para sa i-oorganize nilang event ang nagawa niya sa buong weekend. “Hay naku, Miks magbunyi ka pag ganung no reaction si Madam.  Meaning pasado sa kanya ang ginawa mong revision,” sabi sa kanya ni Nicole.

        Nagpatuloy sa pagkukuwentuhan ang magkakabarkada.  “Siguro next year, dapat isama natin itong mga ganitong happenings sa achievements ng school para maka-attract pa ng mga enrollees.”

        “Hello, kung gusto niyong dumami ang enrollees ng university natin, mag-aral kayong mabuti para maraming pumasa sa board exam!  Hahaha!  Makulit na pahayag ng bading na kabarkada ni Mikayla.

        Katatapos lang ng first few scenes ng commercial shoot.  Nagpaalam si Amy sa crew na mag-CCR lang.  Paglabas niya ng CR, nakita niya si Mikayla na nakaupong mag-isa at nagbabasa sa campus bench.  May naalala siya bigla…

        “Amy, I need you to search for a semi-Asian looking girl.  Hindi masyadong chinita pero semi-Asian ang features.  Since uso ang Koreanovela ngayon, kailangan ng client ng refreshing face kagaya ng mga Asian actresses ng mga Asianovela.” Gusto kasi ni Mr. Chen na maging appealing kaagad sa mga consumers ang commercial para sa pinakabagong nilang product na green tea beverage.”  Ito ang instructions ni Auntie Jiang (ang CEO ng Jade Talent Agency) kay Amy tungkol sa susunod nilang commercial.  Na-VTR at na-screen test na nila ang mga nag-auditions para sa commercial.  Triny din nilang i-VTR ang ibang professional commercial models pero wala silang napili na babagay sa dinidescribe ni Mr. Chen.

Next To Shooting Star - Book One: Beyond DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon