Chapter 2

50 0 0
                                    

CHAPTER 2

            Lumipas ang dalawang taon, lalong sumigla ang showbiz career ni Jett.  Lalo siyang naging popular.  Binansagan siyang "P-Pop Prince"  dahil sa mala-prinsepeng look niya at sa dami niyang hit songs at hit albums.  Natapos niya ang high school niya bagaman hindi siya ang naging Valedictorian dahil naging hectic ang schedule niya matapos siyang manalo sa Your Next Big Star.  Marami siyang naging absences na naintindihan naman ng mga teachers at ng school niya dahil na rin sa alam nila na matalino namang bata si Jett at masipag mag-aral.  Nakuha pa ni Jett na mapasama sa honorable mention ng batch nila.  Matapos niyang grumaduate ng high school, gumawa na rin siya ng mga movies.  Siya ang naging pinakasikat na young heartthrob.  Lahat ng shows at concerts niya sa Pilipinas at abroad ay sold out.  Malakas din ang sales ng mga ginawa niyang solo albums.  Ang dalawang movies niya ay certified blockbuster.  Kamakailan lang ay pinuno niya ang Araneta Coliseum ng kanyang mga fans nang ganapin dito ang Second Anniversary Concert niya sa showbiz.  Ito sana ang gustong debut gift ni Mikayla mula sa mommy at daddy niya. Yun na lang kasi ang hiniling niya at hindi na yung engrandeng debut party.  Ayaw niyang tumulad sa mga na-attendan niyang debut party ng mga naging classmates niya nung high school. Lalo na yung isang classmate niya.  Sa isip-isip niya kasi, normal lang sa debut na may cotillion, 18 roses, 18 candles (o sige na nga, pati 18 treasures at 18 symbolic gifts).  Pero itong classmate niyang ito may 18 wines, 18 balloons, 18 songs (buti na lang chorus lang ang kinanta) 18 tulips, 18 daisies, 18 sunflowers, 18 santans, 18 kalachuchi, 18 gumamelas (okay, exagge na mula dun sa 18 santans).  Pero kasi naman, OA naman kasi talaga!  Isa sa mga “it girls’ ang classmate niyang ito.  As in buong batch nila sa high school ininvite. Kasama siya sa 18 symbolic gifts na second to the last among the 18 achuchuchu sa program. Nakasampung re-touch na siya at jingle, bago nag-start ang 18 symbolic gifts. Inip na inip na siya sa sobrang haba ng debut na yun.  Feeling niya puwedeng pang-Guiness yun sa sobrang tagal. Buti na lang, andun din yung ibang classmates niya. Reunion na rin nilang magkakaklase yung party. Pero maski ang mga high school classmates niya ang nagsasabi ding malaking PAANDAR lang ang debut na yun.

Okay, balik na uli sa Second Anniversary  Concert ni Jett sa Araneta Coliseum na hindi niya napanood.  Sobrang nanghihinayang siya sa pagkakataon na yun. Nataon ito sa midterm examination niya. Ayaw sana niyang palagpasin ang pagkakataon na makita for the first time ang dream guy niya. Willing kasi siyang samahan ng mommy at daddy niya sa panonood, ngunit importante na mag-aral siyang mabuti para sa exam niya para ma-maintain niya grades niya.  Malaki ngang panghihinayang ang naramdaman ni Mikayla ng mga oras na yun.  Nag-ipon talaga ang mommy at daddy niya para sa pagbili ng VIP tickets para sa kanilang apat.  Eversince naman, suportado siya ng mommy at daddy niya sa pagiging fan ni Jett.  Bukod sa favorite din nila si Jett, mas gugustuhin nilang isang artista na mahirap abutin at napakalayo pa ang maging crush ng anak nila kesa nga naman kung magka-crush ang bunso nila sa classmate o schoolmate nito.  Mas nakakatakot at mas mahirap bantayan ang dalagita nila kung umali-aligid lang sa tabihan ang lalaki.  Naging mabuting ehemplo naman si Jett sa kabataan.  Ito ang dahilan kung bakit halos lahat ng age bracket cover ng fans club niya.  Para sa mga fans niya, isa siyang prinsipe na may angking karisma, kagwapuhan, kakisigan, kabaitan, talento, at determinasyon. Perfect guy. Mula noon hanggang ngayon, para kay Mikayla, siya ang number one fan ni Jett.  Binili niya ang tatlong albums ni Jett na narecord nito sa loob ng dalawang taon nito sa showbiz.  Pinanood niya ang mga TV guestings at dalawang movies nito. Kapag nanonood ang Daddy Ben niya ng TV at nalipatan niya na guest si Jett, dali-daling siyang tatawagin nito .. "Miks, halika nakanta ang Ka-destiny mo."  Yun na ang naging biro ni Daddy Ben kay Mikayla pag nakikita niya si Jett sa TV - Ka-Destiny.  Magmula ito nang marinig niya na yun ang tawag ng anak sa crush.  Magmamadali naman si Mikayla na umakyat para buksan ang TV niya sa kwarto para dun siya manood.

Next To Shooting Star - Book One: Beyond DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon