Capitulo Dos

84 5 0
                                    

Capitulo Dos

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. This is our last day here. Susunduin na kami ni daddy mamaya. Ang bilis ng panahon, hindi ko man lang namalayan na dalawang linggo na pala kami. Sa dalawang linggo na iyon palagi lang akong tinuturuan ni lola na magluto. Iyon na din ang naging libangan ko. Si Melissa naman ay nagkaroon ng mga kaibigan kaya nag enjoy din siya. Si Alondra, I'm sure masaya na yun ngayon dahil sa wakas ay uuwi na kami.

Nang pababa na ako ay dumaan ako sa kwarto na kung saan may lagusan papuntang basement. Bukas ito kaya pumasok ako. Sigurado akong nasa ibaba si lola. Sabi niya sakin kapag nakabukas daw ang pintuan ay ibig sabihin niyan naroon siya ibaba. Kahit masakit sa pwet ay agad akong may inapakan na parte ng sahig. Napapikit nalang ako ng naglanding ang pwetan ko. Akala ko ay babagsak ako sa matigas na semento pero mali ako. May foam na rito. Char! Pinaghandaan ba ni lola na pupunta ako rito?

"Sinadya ko talagang lagyan ng foam diyan apo. Alam ko kasi na susunod ka sakin."napatingala ako at nakita ko si lola na nakangiti sakin.

"Sumunod ka sakin, Alena. May ibibigay ako sa iyo."

Agad naman akong tumayo at sinundan si lola. Huminto kami sa aming paglalakad nang matapat na kami sa book shelf. Nakatingin doon si lola kaya tumingin na rin ako. Don't tell me bibigyan niya ako ng mga libro. Kyah! Lumapit si lola at may kinuha na kung ano mula sa book shelf. Nang matignan ko ito ay nagulat ako ng makitang ang diary ni Adana ito.

"Ang notebook na ito ay diary ni lola Adana. Ngayon ko lang ito napansin ito. Naalala ko nung una kang nakapunta rito, ito ang una mong napansin. Kaya inisip ko na baka interesado ka sa diary na ito. Sabi ng iba magagaling daw magsulat ng diary ang mga sinaunang tao. Baka magustuhan mo ang laman nito, Alena. Kaya gusto kong ibigay sayo."

WHAT? Di ba pwedeng iba nalang? Hindi naman ako ganun ka interesado sa diary na yun eh namangha lang ako kasi ito ang pinakaluma sa lahat ng naroon sa book shelf.

Iniabot ni lola ang diary sakin. Saglit akong napatingin dito bago ito tinanggap. Syempre ako na nga ang binigyan kaya dapat ko itong tanggapin. Baka maoffend pa si lola pag di ko ito tanggapin. At syempre bawal tumanggi sa grasya. Malay natin maraming magka interesado rito, edi magkakapera pa ako.

"Alagaan mo iyang mabuti, apo. Alam kong napakahalaga para kay lola Adana ang diary na iyan. Sana ay ingatan mo iyan palagi at dalhin mo kung saan ka man magpunta."

Shocks! Nakakakonsensiya naman iyong plano ko. Hindi lang kay lola Adana ako magkakasala kundi kay lola Adelina. Wag na nga lang, itatago ko nalang ito sa cabinet ko sa Manila.

Ilang saglit pa kaming nanatili ni lola roon bago tuluyang lumabas. Natuklasan ko rin kung saan ang isa pang lagusan papunta sa basement na ito. Nasa likuran ng mansyon ang pintuan at natatakpan ito ng mga halaman kaya magaakala ka na parang wala lang ito. Para talagang isang bahay ng mga sikreto ang mansyon na ito. May secret basement tas may kung anong kababalaghan kuno. Haist ewan basta ang mahalaga ay makabalik na ako sa Maynila.

"DADDY!"patakbong sinalubong ni Melissa si daddy na kakapasok pa lamang sa pintuan. Sumunod naman kami ni Alondra at niyakap si daddy.

"Mabuti naman at maaga kang nakapunta Alejandro."sabi ni lola.

"Baka kasi matraffic pa kami, ma. May business dinner pa ako mamayang gabi."sagot ni dad.

Isa-isa na naming pinasok ang mga bag namin sa sa kotse ni daddy. Si Alondra parang nakainom ng energy drink dahil sobrang energetic na niya. I'm sure dahil babalik na kami sa Manila kaya masaya siya. Tch. Si Melissa naman ay nilapitan iyong mga naging kalaro niya at nagpaalam. Habang si daddy ay may kausap pa sa cellphone ay nilapitan ko si lola.

Mi Amor del siglo XIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon