Capitulo Cinco
"Aha! Dito lang pala ang iyong punta."
Napalingon ako sa aking likuran nang may isang alien na biglang nagsalita. What is he doing here? Stalker ko ba siya or ano?
"Magandang gabi po Ginoong Jaime."bati ni Mang Crisostomo, ang ama ni Cosme.
Bigla namang napatakbo si Cosme papunta kay Jaime at niyakap niya ito. Wow! Close na kayo, edi kayo na!
"Anong ginagawa mo rito?"nakataas ang isang kilay ko nang tanungin ko siya. "Sinusundan mo ba ako?"
"Nandito ako para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi ko naman inakalang dito rin ang iyong punta."
Inirapan ko lang siya! Tch. Bitter ako sa mga lalaki lalo na sa mga gwapo.
"Alam mo Ginoong Jaime, napakabait po ng mgandang binibining iyan. Dinalhan niya po kami ng napakaraming pagkain."magiliw na sabi ni Cosme. Gosh! Parang ang bait ko na talaga.
"Mukha namang suplada iyang magandang binibini na iyan, Cosme eh."
What the? Sinamaan ko ng tingin si Jaime dahil iniinis niya ako at mas lalo akong nainis nang makitang ngumingisi siya. Wag kang ganyan. Baka malaglag ang panty ko. Aish! Erase. Erase. Erase.
"Hindi po Ginoo. Labis po ang kabaitan ni Binibing Adana sa amin. Sana nga po ay lahat ng mga mayayaman ay tulad mo at tulad rin niya."sabat ni Mang Crisostomo. Awe. Natouch ako. Parang ngayon lang ata may nakapagsabi sakin na mabait ako. There's always a first time to everything.
Magsasalita pa sana ako ng biglang may kung anong speaker sa loob ng aking tiyan. Shocks! Nakakahiya. Bakit ba kasi ngayon pa umingay ang aking tiyan? Nakita ko namang nakangisi ulit si Jaime habang si Mang Crisostomo naman ay nagpupunigil ngumisi. Kahiya omg.
"Batid ko na hindi ka pa kumakain, binibini? Nais mo ba kaming saluhan ni Cosme?"yaya sakin ni Mang Crisostomo.
"Po? Wag na po. Hindi pa naman po ako gutom."
"Kung ang bibig nakakapagsinungaling, ibahain mo ang iyong tiyan, binibini. Hali na kayo't samahan niyo kaming kumain. Ikaw rin Ginoong Jaime."
"Tamang-tama at hindi pa ako nakakain. Mukhang napakasarap ng mga pagkaing dinala ni binibining Adana."sabi Jaime saka ako kinindata. Ghad! Pumoporma ba siya sakin? Pwes di katulad niya mga type ko.
At dahil nagugutom na naman talaga ako ay hindi na ako tumanggi. Shems nakakahiya pa rin. Pansin ko pa rin ang patuloy na pagngisi ni Jaime. Minsan talaga ang sarap manapak ng tao. Kanina pa siya ah. Parang pinapamukha niya sakin na katawa-tawa talaga akong nilalang.
"Hindi ko alam na marunong ka palang magkamay binibini."biglang sabi ni Mang Crisostomo nung kumakain na kami.
"Ah... "
"Mabuti iyan binibini. Mas matatakam mo ang sarap ng iyong kinakain kapag nagkakamay ka. Ito ngang si Ginoong Jaime ay kahit nagmula sa mayamang pamilya ay marunong parin magkamay."ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman ako nainformed pambansang bae palang itong si Jaime Navarro.
"Magkaano-ano po ba kayo Mang Crisostomo?"bigla kong tanong.
"Si Ginoong Jaime ay naging alaga ng aking yumaong asawa na si Iska. Palagi siyang napapasyal sa bahay namin noong bata pa siya at naaalagaan ko rin naman paminsan-minsan."sumang-ayon naman si Ginoong Jaime sa kinwento ni Mang Crisostomo. Kaya tumango nalang ako.
"Nag-aaral ka ba Cosme?"bigla kong tanong sa bata.
Malungkot na umiling ito.
"Wala po kaming sapat na salapi upang mapag-aral ko ang aking mga anak binibini. Ang kita ko sa araw-araw ay sapat na sa aming pagkain at ibang gastusin."sagot ni Mang Crisostomo.
BINABASA MO ANG
Mi Amor del siglo XIX
Ficción históricaYung pakiramdam na hindi na masaya ang buhay, yung wala ka nang kakampi sa buhay, yung feeling mo ay nag-iisa ka nalang, yung pakiramdam na pasan-pasan mo ang mundo dahil sa bigat nang iyong problema at yung iniisip mo na wala ng silbi ang iyong buh...