Capitulo Cuatro
"Anak palagi mong tatandaan na bilang panganay kailangan mong alagaan ang mga kapatid mo."
"Aalis ka mommy?"
"Hindi naman ako aalis eh. Ang sa akin lang hindi sa lahat ng pagkakataon narito kami ng daddy mo. Kaya bilang isang panganay sana ay alagaan mong mabuti ang iyong mga kapatid."
"Pangako mom. Kahit medyo makukulit at matigas ang ulo nila Alondra at Melissa. Love na love ko sila. And love ko din kayo ni daddy."
"I love you too baby"
Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Umaasa na nasa kasalukuyang panahon na ako at kasama na ang pamilya ko. Pero bigo na naman ako.
"Don Mauricio, Donya Adelita. Gising na po si binibining Adana."nakatingin ako ngayon sa nagsasalitang si Ginang Veronica na nakatayo sa gilid ko. Tinulungan niya ako upang makaupo sa higaan ko.
Biglang inihagis ni Don Mauricio ang kanyang sombrero. Nag aapoy ang kanyang mga mata sa galit at umuusok na ang kanyang ilong. Omg! Ginalit ko na naman ang tigre. Patay kang bata ka.
"Hindi ko na alam kong anong gagawin ko sa iyo Adana. Mula nang bumalik ka mula sa Espanya ay naging tigasin na ang ulo mo. Sabihin mo nga sakin ano ba ang iyong nais na gawin?"malakas na boses ang pinakawalan ni Don Mauricio. Agad naman akong yumuko. Never pa akong pinagtaasan ng boses ni daddy kahit pasaway ako minsan. Haist namiss ko na tuloy si dad.
"Sabihin mo nga samin, ayaw mo na ba talagang bumalik sa Espanya? Mas nanaisin mo na bang dito nalang manirahan?"napatingala ako kay Don Mauricio at sunod na tinignan si Ginang Veronica. Binigyan naman niya ako ng um-oo-ka-nalang look. Kaya tumango ako.
"Patawarin niyo po ako ama sa aking mga nagawa. Nais ko lang sanang mamasyal sa paligid kaya ako tumakas. At kung mamarapatan ay ayoko na pong bumalik sa Espanya. Mas masaya po ako rito kasama ninyo nila ina. Kaya sana pahintulutan niyo na po ako."with matching paiyak-iyak pa. Duh! Hindi ako naging best actress sa role play namin nung high school para lang sa wala.
"Ipaalam sa pamunuan ng dormitoryo ni Binibining Adana hindi na muna siya babalik roon."utos ni Don Mauricio sa kanyang mga tauhan.
Agad naman akong dinaluhan ni Donya Adelita at niyakap ng mahigpit. "Maligaya ako at nagbago rin ang iyong desisyon anak. Dati ay ikaw mismo ang nagpumilit na manirahan sa Espanya masaya ako at nais mo nang manirahan rito kasama kami."
Niyakap ko rin pabalik si Donya Adelita. Ewan ko ba pero namiss ko ang yakap ni mommy, namiss ko ang yakap ng isang ina. Simula nung nagdalaga na ako ay minsan nalang ako yumayakap kina mommy at daddy. Syempre medyo nahihiya na rin ako kaya ayun. Hindi ko alam na sobra palang nakakapagpagaan sa pakiramdam ang yakapin ka ng iyong mga magulang. Kung sana maibabalik lang ang panahon ay yayakapin ko nang napakatagal at napakahigpit sina mommy at daddy.
Sana hindi pa huli ang lahat.
Handaan
Maraming pagkain ang nakalapag sa mesa. May mga taong magsasayawan at nagkakantahan. Halatang masaya ang mga taong dumadalo sa handaang ito.
Papaupo ako sa aking upuan ng may maaninag akong papalapit na makisig na lalaki. Kasama niya ang dalawang pang lalaki na nasa likuran niya. Umupo sila sa mesa sa may di kalayuan kaya umupo rin ako sa upuan ko. Di matinag ang aking mga matitig sa lalaking ito. Kahit naka barong ito ay di mapagkakaila na maganda ang hubog ng kanyang katawan. Ang kanyang mga ngiti na nakakapagpatalon ng puso ng isang dilag. Sino ba ito?
"Binibi. Magandang umaga po. Bumangon na po kayo riyan."nagising nalang ako nang gisingin ako ni Anita.
Shit! Panaganip lang pala yung handaan akala ko makakain ako ng marami ngayon. Sayang...
BINABASA MO ANG
Mi Amor del siglo XIX
Historical FictionYung pakiramdam na hindi na masaya ang buhay, yung wala ka nang kakampi sa buhay, yung feeling mo ay nag-iisa ka nalang, yung pakiramdam na pasan-pasan mo ang mundo dahil sa bigat nang iyong problema at yung iniisip mo na wala ng silbi ang iyong buh...