Chapter 7 ^^

34 1 1
                                        

            ** Criz's POV ** 

" Break na kami" -- sabi ni Mokong sa akin. 

" Ah." break na pala sila. ahhh. Teka... Tama ba pagkakarinig ko?! " WHAT?! BREAK NA KAYO?! KELAN PA?! BAT NGAYON MO LANG SINABI?! BAKIT?! SINO NAKIPAG----" *chup* kelan pa sila nagbreak? Bat ngayon ko lang nalaman ? Alam na ba ng lahat yun? Tsaka bakit nya ako hinalikan?! Tama ba naramdaman ko?! Bakit sa may lips?! URG!

" Bakit mo ako hinalikan ?! " - sigaw ko sa kanya. Nakakafrustrate naman. Una, break na sila. Pangalawa naman, hinalikan nya ako.! And wait! That was my first kiss! He stole my first kiss! T___________________T I feel like Im going to die anytime. 

" Eh kasi naman po tuloy-tuloy yung mga tanong mo. Pwede naman po kasi dibang isa-isa tsaka mahinahon yung pagsasalita. Ansakit kaya po sa tenga ng pagsigaw mo po. " paliwanag nya sa akin. Sige na nga. 

" Opo. Tama ang pagkakarinig mo. Break na kami. Nagbreak kami last month pa. Hindi ko po sinabi ko sayo kasi alam ko namang mabibigla ka. Ako ang nakipagbreak sa kanya. Okay ka na ? Nasagot ko na lahat ng tanong mo. " pagsagot nya sa mga tanong ko. Hindi pa din ako umiimik. Nabigla ako eh. Bakit sya nakipagbreak? May nangyari ba ? Tungkol ba sa amin kung bakit sya nakipagbreak dun sa girlfriend nya, ay ex na pala. 

" Nakipagbreak ako kasi hindi na dapat matuloy yung relasyon namin. Niloko nya ako. Nanlalaki sya. " teka nanlalaki yung ex nya?! Kala mo naman kagandahan hindi naman -____- Ang swerte nya na nga dito kay Mokong eh pinakawalan pa. Tch. Sayang. " Tsaka hindi naman po tungkol sa panlalaki nya kung bakit ako nakipagbreak sa kanya. Nakipagbreak ako sa kanya kasi may gusto na akong iba. " 

Feeling ko babagsak na yung mga traydor kong luha dahil sa narinig ko. Hindi ako yung gusto nya. Ikaw din kasi Criz, masyado kang nag-assume dahil sa closeness nyo. Yan napapala mo. 

Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo ngayon.

Hindi ko alam kung bakit lumayo sa kanya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bakit ako nasasaktan?

Bakit ako nasasaktan sa panahon na dapat masaya na ako?

Bakit hindi ka magsaya kasi break na sila?

Nagi-guilty ka ba ?

Bakit ko sinisisi ang sarili ko kung bakit sila nagbreak ?

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan nung sinabi nya na may gusto na siyang iba. 

Hindi ko alam kung ano bang pagkukulang ko at hindi nya ako kayang mahalin. 

Habang tumatakbo ako, tumutulo na din ang mga luha ko. Hindi ko na kayang controllin yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Feeling ko parang babagsak ako anytime kapag hindi ko na napigilan yung sakit. Masyado akong nasaktan.

                                                                                                --------

Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Hindi ko din alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hapon na at hindi ko din alam kung uuwi na ba ako o hindi. Pakiramdam ko, papagalitan lang ako ni mama kasi hapon na akong umuwi tska maga ang mata ko kakaiyak. 

Kanina pa din nagba-vibrate yung cellphone ko na ibigsabihin na may tumatawag sa akin. Hindi na ako nag-abalang sagutin yun kasi alam kong siya lang yun. 

Kailan Kaya?Where stories live. Discover now