Chapter 11 ^^

26 0 4
                                    

** CRIZ POV ** 

Nandito kami ni Mokong sa may kotse niya. Kasama din namin yung driver nila. Yaman noh? Ganun talaga daw eh. 

" Uhm .. Manong. May maganda po ba kayong alam na lugar na medyo malayo dito? " tanong ko kay Manong Driver.

" Meron po Maam. Pero po di ko po alam kung magagandahan ka dun. " sagot sa akin ni Manong.

" Ah sige lang po . Okay lang po. Pwede po dun na lang tayo pumunta? Papaalam ko na lang po si Heil sa parents nya. " sabi ko 

" Ah sige po Maam. Tahimik po dun sa lugar na pupuntahan natin sana po maganda talaga kayo Maam. Maganda din po yung view. "  paliwanag sa akin ni Manong Driver. 

" Ah sige po Manong Thanks po. " - bulong ko kay Manong Driver kasi ngayon ko lang napansin na nakatulog na pala to si Heil nang nakaakbay sa akin. Ankyut talaga.

Hindi na ako sinagot ni Manong Driver kasi wala namang masasagot dun sa sinabi ko. Tinext ko na lang si Tita Haily na kasama ko si Heil at gagala kami pero sinabi ko din na kasama namin yung Driver nila. Pumayag naman si Tita. 

Niyakap ko na lang si Heil ng half way kasi di ko sya pwedeng galawin kasi nga tulog lang sya.. Sumandal na lang ako sa dibdib nya at natulog. 

---------

Naramdaman ko na tumigil yung kotse na sinasakyan namin kaya dinilat ko ang mata ko.

" Goodmorning Hehe " - bati sa akin ni Heil/

" Goodmorning ka jan. " - ako

" Maam nandito na tayo. " sabi sa akin ni Manong Driver. 

Wow. Yun lang masasabi ko ngayon. 

Ang ganda. Lumabas na ako ng kotse. Wow talaga! Grabe.

Lumabas na din sila Manong Driver at si Heil.

" Ganda noh? " - si Heil

" Amazing. " - sa tingin ko kumikinang na yung mga mata ko ngayon. Ang ganda kasi talaga. 

Nasa may tuktok kami ng bundok tapos kitang kita din yung mga buildings. Sunset na. Kaya mas lalong gumanda yung view. Andami ding mga puno tsaka bulaklak. Nakakita din ako ng iilang mga ibon at butterflies.

 " Alam mo ba? Parati ako dinadala dito ni Manong nung bata pa ako. Di ko alam pero kapag nandito ako sa lugar na 'to parang gumagaan yung pakiramdam ko. Para bang nawawala lahat ng problema ko kapag nandito ako. " - sinasabi nya sa akin yan habang nakatingin sa napakagandang view na nasa harap namin.

" Manong nasaan po tayo? " - tanong ko kay Manong na nagmumuni-muni din.

" Ah Maam nandito po tayo sa may lugar namin. Pero po malapit lang naman po to sa inyo. " - sagot sa akin ni Manong. 

" Uhm.. Criz? Pwede ba akong magtanong sa iyo ng madami ? Hahah. " - nagtatanong na nga sya eh ahha .

" Nagtatanong ka na nga eh. Pero sure. Sige fire the questions. Sasagutin ko lahat. Kahit ano pa man yan. " - sagot ko sa kanya. 

Katahimikan.

Katahimikan.

Katahimikan. 

Nagdecide ako na ako na yung babasag sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

" Criz/ Mokong " - nagulat ako at natatawa kasi sabay kaming nagsalita. Sa tingin ko, naisipan nya din na basagin yung katahimikan.

" Go ahead. " - sabi ko sa kanya

" De. Kaw muna. " - sabi nya eh.

" Bat di ka pa nagtatanong ? HAhaha. Kala ko ba magtatanong ka tapos bigla kang nanahimik jan. Baliw ka talaga. " 

" Abay malay ko. Syempre pinag-isipan ko muna kung dapat ko ba talagang tanungin yung tatanongin ko sayo. Pero ayun nga dapat tatanungin na kita kaso nga lang bigla ka ding nag-approach. " expalin nya sa akin. So ako pa yung may kasalanan? Hahaha! 

" Game. Fire the questions. Tinuan mo yan ah! " 

" Anong meron sa inyo ni Key ba yun? " 

" Ah. Past lover ko lang yun pero hindi naging kami . Pero same lang yung feelings namin. "

" Ows? Di nga? Minahal ka ba nun? " - nakakagulat naman mga tanong nito. 

" Ewan ko sa kanya. Pero sabi ni Yael, yung pinsan nya, oo daw. Minahal daw ako ni Key. Pero sa ngayon, hindi ko na sya mahal. Ikaw ba naman paghintayin ng 3 years hindi ka ba maiinip sa kakahintay sa kanya tapos malalaman mo na lang nagkagirlfriend sya dun . Ansakit diba? " - wala na akong maramdaman na sakit ngayon. Siguro nga nakamove on na ako. Kaw ba naman maghanap ng boylet kung saan-saan diba? 

Oy mali naiisip nyo. Hindi ako lumalapit sa kanila. Tinitingnan ko lang sila. Hihi <3 

" Jajo pala yun eh. Pinaghintay ka ng ganun katagal? Buti nakaya mo? Pero buti na lang nakamove on ka dun. Mahal mo pa ? " - andami namang tanong nito haha.

" Hindi na. " - simpleng sagot ko sa kanya. Hindi ko na sya mahal. Hindi na talaga. Siguro nafall-out of love ako kasi sobrang tagal nung time na sinayang ko para lang sa kanya. Baka nainlove lang ako kay Key dati kasi masyado pa akong bata nung time na yun at first time na may lalaking gumawa sa akin ng mga ganun. 

" Bakit ba baliw na baliw yun sayo? I mean, hinabol ka pa nya. Nangugulo pa. Hindi nya ba naisip na meron ka nang mahal na iba. Hindi nya kaya naisip na ako na yung mahal mo at hindi na sya.? " - umiral na naman ang pagiging curious nito. At the same time, mayabang haha. 

" Kapal mo. Hindi ko pa naman sinabi sayo na mahal kita. Feelingero. Psh. " 

" Bakit hindi pa ba ? "

" Hindi pa. Gusto lang yung iyo. Wag kang feeling. Gusto ko pang maghanap ng boylet bwahahha ! " 

" Pero seryoso ah. Paano kung bigla nyang sabihin na mahal ka nya pa rin, anong gagawin mo? " - sa tanong na yun, natameme ako. Oo nga noh, Hindi ko napag-isipan yun. Siguro iiwasan sya? Hindi ko na din naman kasi sya mahal eh.

" I dunno. Baka iwasan ko lang sya. Sa ngayon kasi di ko alam yung gagawin ko kapag wala kayo eh. Katulad nung kanina, kung wala kayo paano na ako diba? Baka nahimatay na ako dun or something. Natatakot kasi ako sa kanya, di ko alam kung bakit. Pero sana diba, nandun kayo parati para naman may prumotekta sa akin. At sobrang thankful ko kanina kasi sabi ko nga, nandyan kayo para sa akin. Hindi ko nga ineexpect na ganun yung gagawin nila MJ eh. Pero syempre diba kaibigan pa din nila yun pero mas pinili nila na protektahan ako kay Key. " 

" Its our pleasure to protect you Criz. Ikaw naman kasi talaga ang pinakaimportante sa amin. I mean, parang ang laking kawalan kapag di ka namin naprotektahan sa mga mananakit sayo. " - awww. Answeet.

" Mas masaya ako ngayon kesa dati. Nandyan kayo parati sa tabi ko Kahit cold sa akin yung turing nsa akin nila MJ, masaya ako. Kasi kahit ganun sila sa akin nararamdaman ko pa din na mahal nila ako kasi nandyan sila parati para sa akin. I dont know what to say, Im really thankful that I have you guys. " - naluluha na ako. 3 years ko na din kasing kasama sila MJ at alam nila ang naramdaman ko nung wala si Key nung nawala siya. Nakita nila kung pano ako naghirap. 

" Ok lang yan. Basta kapag kelangan mo ako, tawagin mo lang pangalan ko kasi kahoy lang naman yung pagitan ng rooms natin kaya rinig pa din. " 

" Uwi na kaya tayo? Baka hinahanap na ako ni Mama. Hindi kasi ako nagpaalam eh. " - aya ko sa kanya. Lagot ako kay Mama. 

" Ah sige sige. Lagot ka dun.. " - manakot ba naman? Baliw talaga. 

"Tara na nga! Kaw mag-explain dun kay Madir ah! " - tinakot ko din sya. Gantihan ba ? XD

" Taeng yan . --------------3-----------------" bulong nya. Bubulong na nga lang malakas pa e. 

Sumakay na kami sa kotse at byumahe na. Di ko namalayan na nakatulog na pala akong nakasandal sa chest ni Heil. 

---------- 

Kailan Kaya?Where stories live. Discover now