Chapter 15 ^^

20 1 0
                                    

Uwah! Pagkatapos nung nangyari kaninang umaga parang di na ako makalabas ng bahay namin. Hahah! Di ko din alam kung bakit ako natatakot na kausapin si Key eh. 

Ang hirap lang siguro na harapin sya after 3 years. 

Kasalukuyang nakahiga na ako sa kama ko ngayon dito sa kwarto ko. Gabi na kaya at hindi pa ako nakakatulog. Kahapon pa nga di maayos yung tulog ko eh. Mukha na ata talaga akong zombie?

Nagring bigla yung cellphone ko ng favorite song ko. 

Pagtingin ko unregistered number. Sino naman kaya to?

At dahil sa curious ako, sinagot ko yung tawag.

" Hello ? " - ako yan..

" Uy Criz.! Hep hep hep! Wag mo akong bababaan ah!! Booset ka kapag binabaan mo ako ! " hhaha! Adik talaga to si Yael.

" Oh? Anung meron?! Himala napatawag ka. haha! "

" Himala din hindi mo ako bababaan ! Hahahah! " 

" LOLS KA! Gusto mo babaan na kita ngayon?! Byers! "

" Uy ! Joke lang! May sasabihin lang ako sayo! Tae ka! " 

Close kasi kami nito ni Yael. Mas close kami ni Key dati nung 1st Year pa kami pero nung nalayo na sila sa amin mas naging close ko si Yael kesa kay Key . Masyado kasing busy yung isang yun sa girlfriend nya.

 " Oh talaga?! Ano naman yang sasabihin mo at nag-abala ka pang magpaload ? "

" Lul! Buang ka talaga! Seryoso na kasi! Hahahha! "

" Nu kaya yun?! Para kang baliw. Seryoso na daw pero tumatawa , Nu kaya yun ?! Ikaw buang jan eh! Psh. " 

" Mukha mo! Game na kasi. Seryoso na . " 

Nung sinabi nyang seryoso na, seryoso na talaga boses nya. Gusto kong tumawa ako pero baka magalit ang isang to.

" Oh game na. Anu ba yang sasabihin mo sa akin ? "

" Naglalasing ngayon si Kuya Key. "

" Oh? Bakit naman ako yung tinawagan mo? "

" Ikaw kasi yung hinahanap nya. Ikaw rin ata yung dahilan kung bakit sya naglalasing ngayon. Umiiyak kasi sya eh. Eh diba ilang araw mo na din syang iniiwasan. Hindi mo din naman sya makausap ng maayos."

Kailan Kaya?Where stories live. Discover now