A/N
WOOHOO! UMABOT NG CHAPTER 10 Himala! Waaa!
Happy reading guys! <3 <3
- Jojobles
------
Hindi ko na hinintay na makabalik pa si Heil dun sa table na inupuan namin kanina kasi nga nakita ko si Key dun sa may pintuan.
Narinig kong sumigaw sina MJ kaya lumingon ako . Nakita ko na tumakbo palapit sa akin si Key kaya tumakbo ako.
PAPUNTA KAY HEIL.
Nang nakita ko na si Heil, bigla ko na lang sya niyakap mula sa likod. Hindi ko na aalam ang gagawin ko.
" Heil. * sniff * ( ambango ! HAhaha! Joke ) natatakot ako. " - bulong ko kay Heil.
Humarap sya sa akin at tinulak nya ako ng kaunti para makita yung mukha ko. Bumaba sya ng konti para makatapat yung mukha ko.
" Ba- bakit? May masama ka bang nararamdaman ? Gusto mo punta uli tayo ng clinic? " Awww. Answeet ! Lalo lang akong umiyak sa kanya.
Niyakap ko na lang sya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala si Heil dito tapos hinahabol ako ni Key. I cant think. I just want this hug forever.
" Criz. " narinig ko yung boses ni Key sa likod ko.
Humigpit pa lalo yung yakap ko kay Heil. Si Heil naman mukhang nakita na si Key kasi nakatapat sya dun sa likuran ko.
" Pare tara na. " - narinig ko yung boses ni Rich. Wah. Buti na lang talaga may mga kaibigan akong tulad nila. At dahil sa thought na yun, lalo lang akong naiyak. Naramdaman ko yung kamay ni Heil sa likod ko na parang tinatahan. Buti na lang talaga.
" Teka lang bro. " sagot ni Key sa kanya.
" Pare ano ba . Umalis ka na. Hindi ka na nya kelangan kaya pwede ba . " - sabat ni MJ. Isa din tong straight forward eh pero mahal na mahal ko yan.
" Teka lang. " - sagot ulit ni Key.
" Criz. " - tawag nya sa akin. Hindi pa din ako lumilingon. Nakayakap pa din ako kay Heil .
I felt a sudden protection.
" Criz. " - ulit ni Key. Ayoko nang lumingon .
" Pare tara na. " - aya ulit ni Rich.
" Tara na. Tigilan mo na sya. Masaya na sya. " - sabi naman ni MJ.
" Teka lang. Saglit lang naman to eh. Ano ba ? " - sagot sa kanila ni Key.
" Criz. Please. Kausapin mo naman ako. Hindi yung ganito. Parati mo na lang ako iniiwasan. Please naman. Kala ko ba magbestfriend tayo? Anong nangyari dun ? " - sabi naman sa akin ni Key pero hindi pa din ako humaharap sa kanya.
Nakarinig din ako ng mga footsteps na parang tumatakbo. Siguro sila Rein. Nakita ko sila sa likod ni Heil.
" Key ano ba ?! Tigilan mo na si Criz. Lumayo ka na sa kanya." Narinig ko na sinabi ni Rein. Nagulat nga ako eh. Kasi minsan lang naman yan magsalita ng pasigaw.
Kung sabagay, Alam nya kasi yung naramdaman ko dati. Halos lahat ng detalye sa mga nagiging past lover ko alam nya. Lahat ata nakwento ko na sa kanya. She's my twin sister kuno.
" Ayoko. Ayoko syang iwan. Bakit nyo ba ako pinapalayo sa kanya? Wala naman akong nagawang masama ah? Nawala lang ako. Ganun na ba tayo dito? Kapag umalis yung tao tapos bumalik, papaalisin nyo na lang ? Anong klaseng mga kaibigan kayo? " - feeling ko umiiyak si Key habang sinasabi nya yun. Medyo ngongo na kasi yung pagkakabigkas nya ng mga words eh.
" Tigilan mo na sya pare. " - nagulat ako nung sinabi yun ni Heil. Ang seryoso ng boses nya.
Naiyak lang ako lalo.
" Bakit? Sino ka ba ha?! Criz! Diba ako pa din mahal mo? Diba? Please bumalik ka na sa akin. Nagmamakaawa ako sayo. Please pansinin mo na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag hindi pa ako pinansin. Umuwi ako dito para makita kayo ulit pero naramdaman ko na iniiwasan mo ako. Wag naman ganun Criz. "
Really? Nagka-girlfriend nga sya dun sa kung saan man sya pumunta tapos sasabihin nyang hindi nya alam kung anong gagawin nya kapag hindi ko sya pinansin. Babo . -_-
" Kapal ng mukha mong sabihin yan tol. " - sabi ni MJ.
" Chill pare. " - mahinang sabi ni Rich kay MJ.
Nakarinig pa ako ng mga footsteps na tumatakbo . Nakita ko sila Paul, Johnny at yung iba pa namin classmates kasama din nila si France na kaclose ko din na lumapit kela Sole. 13 lang kasi kami sa klase.
" Criz. Kahit tingnan mo lang ako ok na sa akin . Basta bati na tayo please? " - wala na akong nagawa kundi hablutin yung kamay ni Heil at tumakbo paalis dun sa canteen. Gusto ko muna magpakalayo-layo.

KAMU SEDANG MEMBACA
Kailan Kaya?
Fiksi RemajaNagsimula ang lahat sa isang "hello" Sa bawat istorya ng isang tao ay may dahilan kung bakit mo nakikilala ang isang tao.. Lahat sila may mission sa buhay natin or let me say na may purpose sila sa buhay natin kaya sila dumating sa buhay natin. May...