Part 1 - In your eyes

43 2 0
                                    


Good morning world!

Iba't ibang anggulo ng ngiti at gandang ganda sa sarili habang nakatingin hindi sa salamin kundi sa camera ng phone.

Morning selfie ang aking simula ng umaga bago sumabak sa trabaho.

Kay sarap mag picture ng sarili pag feeling fresh and no make up sabay post ng no filter! Pak!

Isa akong technical support sa isang kompanya ng pagaari ng aking tiyuhin.

Pag ka graduate sa kolehiyo sa kanya na ako nag apply upang makatulong agad sa aking magulang.

"Hoy Angge! hindi ba muna tayo kakain? Magkape muna tayo bago sagutin mga emails na yan" sabi ng kasama kong si Becky matapos niya akong makita nakatunganga sa computer.

Kape! Kape! kape! Oo nga naman ng magising ang aking utak.

"Ok Beks! Tara sa pantry" sagot ko at sumunod sa kanya.

Habang naglalakad kame palabas ng room shocks! Si crush ang pogi sa blue polo shirt!

Naku naku naku buo nanaman ang umaga ko.
Bakit ba siya ganyan?

He keeps my heart beating fast. At ang nakakainis nakikipag eye contact pa.

Naku pwede ba wag kang paasa!

Deadma muna ang puso.
Kahit na gustong gusto ko siyang sundan at patuloy na titigan.

Sumunod na lang ako kay Becky at kukuha kame ng libreng kape sa pantry.

Malawak iyon at maraming tables and chairs para sa mga kakaing empleyado.

May tv din para pwedeng manood habang kumakain. While the glass walls tanaw mo ang kalawakan ng Ortigas.

Doon ko sana gustong mag upo kaso ito namang si Beks gustong gusto sa gitna para makapanood ng tv.

Wala naman akong ganang mag breakfast sana at kontento na sa kape.

Ngunit si crushie pak nasa katabing table at ayun may breakfast na burger.

"Ah Beks teka parang gusto kong kumain ng something" sabay tingin ko sa vendo store kung anong pwedeng mabili.

Tumango lang si Becky habang nakatutok sa tv at interesadong pakinggan ang news about parating na bagyo daw.

Samantalang ako nakuntento sa cup noodles.

My gosh i will eat this simply because my crush is here.

Habang kinakain ko tuloy feeling ko di ko naman mauubos kaya shinare ko kay Becky.

We are like sisters kung magturingan komportable ako sa kanya at siya naman ay nagiisang anak.

Mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. But she doesn't know about my crush.

Ayoko na tuksuhin nya at mahalata ni crush.

Sadly, he has a girlfriend who happens to be an employee in the same company.

Sa isang araw mga sampung beses ko iniistalk ang social media accounts nila.

Nang maubos na kinakain namin nag aya na ako bumalik sa room namin para mag start na mag trabaho.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon