Part 8 - Blinded

10 2 0
                                    

Winaksi ko muna sa isip ko ang bagay na iyon. May trabaho nga pala.

May mga kailangan akong iprint.

At tumayo ako upang pumunta sa may printing machine para kunin ang mga hard copies. Nasa labas iyon ng aming kwarto malapit sa room ni George.

Yey! Makikita ko siya.

Hindi kasi kami nagkasabay pumasok kaninang umaga.

Naka bukas ang ilaw pero wala si George doon.

Dumiretso ako ng lakad papuntang printer.
Nandoon si Seve may mga piniprint din pala.

"Mukhang madami yan ah" puna ko.

Nakangiti siya at tumango.
"Medyo pero matatapos na"

Sakto na nag dala ako ng mga bond paper baka kako walang available sa tray ng machine.

Maya maya pa inabot niya sa akin ang aking kopya.

Kapit ko na iyon ng biglang lumapit siya ng husto sa akin. Nagtaka ako at aatras sana ng may kinuha lang pala siya sa gilid ng aking buhok.

"May dumi eh" sabay pinakita niya ang kulay puting bagay na mukhang papel mula sa buhok ko.

"Thanks" at pag angat ng aking mata nahagip ko si George nakatingin sa amin mula sa malayo nakapamulsa ito at bigla ding lumakad palayo.

Shit!

Sa ibang anggulo para akong hinalikan ni Seve dahil sa close distance kanina.

Hindi kaya ganun ang isipin ni George?

Wag naman sana. Gusto ko siyang sundan pero nag aalangan ako the way he looked mukhang mainit ang ulo.

Palipasin ko muna o kaya sa bahay mamaya ako mag papaliwanag.

Naka balik na ako sa table ko pero nawawala ako sa focus.

Pinapasadahan ko lang ang mga nakapilang trabaho pero gusto kong hatakin ang oras para puntahan at makausap si George.

Kasi naman papano ko ba sisimulan magpaliwanag na wala namang ibang intensyon si Seve kanina.

Sumapit ang alas tres hindi ko na kaya I need to go to him.

Kinatok ko siya sa kwarto niya.

Walang sagot.

Pinihit ko iyon at hindi naman naka lock.

"Hi" bungad ko. "Can we talk?" Tanong ko.

"Busy ako" matabang nitong sagot at hindi ako tiningnan.

"Ahmm about lang sana dun kanina nung mag kasama kami ni Seve" sabi ko habang unti unting pumasok and then I close the door.

"What is to explain Angeline? I saw what I saw and that alone is enough" madiin ang bawat salita galing dito.

"I know and I felt that you might give a wrong meaning to what you saw"

"Alam ko na siya na ang tinitibok ng puso mo noon pa. I know kasi wala ng ginawa ang mga mata ko kundi sundan kung sino ang tinitingnan ng mga mata mo.
Masakit na ni minsan hindi mo man lang ako napagukulan ng pansin. Itong mga nakaraang linggo na masaya tayo ay wala lang pala.
It is still him that you want! By letting him kiss you!" Halos pasigaw na yun.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon