Part 7 - Mutual

19 2 0
                                    


Napaka liit naman talaga ng mundo o!

We are living in the same village at ayokong matuklasan niya iyon.


Kinalunesan.

Maaga kong hinanda ang dog food ni Georgina.

Maiiwan ko siya sa bahay and I made sure na may nakahandang water din.

Coding ako at balak ko na lang mag taxi.

Pag labas ko ng gate.

Timing paalis ang car ni George.

Umatras ako mula sa kinatatayuan at shocks parang nakita niya ako sa side mirror.

I hide.

Doon ulit sa malalagong halaman malapit sa gate.

"Hey, good morning!" Boses ni George. Umatras ang car nito at ngayon nasa tapat ko na.

Shit diba.
What is the sense of hiding.

Mukha akong tanga na kunwaring may dinadampot na lang at unti unting tumingin sa kanya.

"Angeline?" Gulat nitong sabi sakin.

"Ikaw pala ang new owner at napaka bait ni Lord na magkatapat na tayo ng bahay!" anitong masayang masaya ang tono. Titig na titig sa akin.

Animo'y nakakita ng himala.

"Oy oy! Pwede ba wag mong idamay ang diyos sa kalokohan mong yan" sabi ko at inayos ang sarili.

"Common! Sabay ka na sa akin" anyaya nito matapos bumaba ng BMW.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Hindi na ko nag pakipot pa.
Dahil miss na miss ko na siya.

Pinagmasdan ko siya habang pasakay na din sa driver's seat.

He looks so fresh.
Bagong ahit.
Ang perfume na gamit niya ang lakas maka turn on.

Naku Angge pigilan mo ang iyong damdamin please lang at baka ikaw na lang ang manligaw.

Nakatingin pa din ako sa kanya at kay sarap niyang ikiss. Ilang araw ko siyang hindi nakasama. Namimiss ko na nagbrebreakfast kami together.

"I miss you" mula kay George.

"I miss you too.. ah este ha?! You miss me? Samantalang ilang araw ka hindi nagparamdam" himutok ko.

Nakakahiya ang feeling napaamin akong miss ko siya. Totoo naman kasi!

"Nag text ako sayo hindi mo ako nireplayan. Mas gusto mong makasama yung Seve na iyon kahit alam mong pag aari ng iba. Im only giving you time to realize it" pagtatapat nito.

Ok na Angge. Yun lang ang gusto ko makumpirma na he is not yet giving up on me.

Ngumiti ako.

"Matagal ko ng naisip yun George. And Seve is just a friend to me nothing more than that" pag amin ko.

Hinawakan niya ang aking kamay. Nang may bigla akong naalala.

Loko to ah. Baka akala niya nalimutan ko na iyong babaeng pulang pula ang nguso at lintek makakapit sa braso niya.

"Hep hep! Bitiwan mo muna ako!" Sabi ko sabay bawi ng aking kamay.

"Baka akala mo nalilimutan ko na kung paano ka kapitan ng babaeng yun sa office. At ikaw mukhang enjoy na enjoy mo. Ni sulyapan ako hindi mo nagawa" banat ko sabay halukipkip.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon