Part 10 - The Cook

19 2 0
                                    

Nang pauwi na kami ay kay George na ako sumabay.

Namili muna kami ng paborito kong buko tart at ng kung ano ano pa sa isang kilalang pasalubong store.

We opened the window dahil sariwa naman ang hangin at ang lamig sa Tagaytay.

"Babe sabay tayong papasok bukas ha. Sumabay ka sa akin baka mag taxi ka pa" paalala nito dahil coding ako pag lunes.

"Syempre sasabay talaga ako sayo mahirap na baka iba pa ang isabay mo" sabi ko naman.

"Naku hindi mangyayari yun" sagot nito agad.

Tiningnan niya ito na parang "sinasabi na siguraduhin mo lang"

Makuha ka sa tingin George.

Sa trabaho.

Sinabi na niya kay Becky ang relasyon nila ni George.

"Masaya ako para sayo. Matagal ko nang alam na type ka nun" komento nito.

Napatingin naman ako sa kanya na hindi makapaniwala.
Samantalang sa kanila ko naririnig na strikto si George at masungit.

"Hindi ko naman nararamdaman yun mula sa kanya dahil ubod ng sungit" sabi ko naman habang inaayos ang mga akong folders.

"Nahalata ko lang minsan na sinusundan ka niya ng tingin habang may inaayos kang PC dun sa kabilang department. Halos di ka hiniwalayan ng tingin lalo na ng kelangan mong yumuko para icheck yung mga kable ng monitor sa CPU" kwento nitong natatawa pa.

"Kung makakwento ka parang kilig na kilig ka eh pa! Puna ko naman.

"Well mabuti naman at kayo na kahit hindi ko alam kung papano nangyari" kunwa nag tatampo himig ni Becky.

"Naku Beks alam mo naman na hindi ko talaga akalain na maiinlove ako kay George. Si Seve ang matagal kong tinarget diba" pagaamin ko ng bigla may kaluskos sa gilid ko.

Nakupo! si George.

"I need you in my office" malamig na sabi nito at tumalikod na.

Naku patay na naman ako.

Napatingin ako kay Becky.

"Sa susunod magsasara ka ng pinto" paalala nito kagat labi.

Please naman sana wag na kami mag away.

Hindi na kaya ng puso ko.

Sumunod na ako agad kay George.

Inantay ko siyang mag salita habang umupo ako sa upuan sa harap ng kanyang mesa.

"Is it still Seve?" Maikli nitong tanung.

"Is it the reason why until now you never said you love me? It never came to you" may pagdaramdam sa boses nito.

Agad akong tumingin sa kanya na noong una ay nakayuko lang ako habang inaantay ang sasabihin niya sa akin.

"George naman ano ba kasi narinig mo. Sabi ko lang si Seve ang matagal kong crush pero wala akong sinabi na siya pa din" paliwanag ko at nakatingin ako sa mga mata niya.

He is looking away and seemed so pissed.

"George please lets not make this an issue" pagsusumamo ko.
Hindi ito kumibo.

"Pwede mag tiwala ka lang and remove the doubt. I am all yours and mahal kita" dugtong ko pa.

Ayoko na mag away pa kami. Ayoko siya patulan.

Tumayo ako.

Tumalikod siya.

Niyakap ko siya mula sa likod.
"Wag ka naman ganyan. I love you and I can't go back to work na ganito tayo" nakayakap ang dalawang kamay ko sa baywang niya.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon