Part 2 - The meeting

16 2 0
                                    


Nakangiti akong natulog simply after looking at his pictures smiling at me.

Hay kay sarap sigurong mahalikan ng tulad niya.
Eeeeeeee super kilig!

Ako na! ako na ang single sa edad na bente otso.
Eh ano naman sa wala akong type sa mga nanliligaw sakin. Kung di rin lang si crushie di bale nang tumandang dalaga.

Umaga! My gosh napaka aga ng alarm na ito.

Grrrrrr parang hindi pa ready ang katawang lupa ko bumangon.

Sige na konti pa please sabay pikit pa. Kahit 10 minutes more sabay talukbong ng kumot.

Maya maya sabay balikwas ng bangon shocks!
I need to get up baka makasabay ko si crushie mag breakfast sa pantry!

Bangon bangon! Wooooo mabilis kong takbo sa toilet daig pa ang takbo ng sasakyan sa NLEX.
Kumakanta kanta pa ako habang nag shoshower. Hindi na alintana ang lamig mula rito.

You and I and nobody else!
In a feeling I never felt
The way you got me under your spell
Don't you keep it all to yourself

Just a touch of your love is enough
To knock me off my feet all week
Just a touch of your l-love
Just a touch of your l-love

Birit ko sa isang kantang Touch ang title.

Pinili kong isuot ang isang pencil cut na skirt with a simple white top. We will have a meeting with web developers and senior IT staff today. And I really need to take a good breakfast.

"Good morning beshie!" Sabay kiss ko sa friendship kong late ng 10 mins.
We are totally opposite when it comes to punctuality. Lagi ko syang binibirong usad pagong haha!

"Ang hyper ah!" Komento nito sabay tingin sa akin mula ulo hanggang baba.

Tumaas pareho kilay ko sa kanya and asked "why?"

"Wala naman you just looked so plain in that outfit" anya sabay ngiwi ng labi.

Loko to ah!

"Aber anong dapat?" Taas kilay kong tanung sabay halukipkip.

"I have a scarf here you may put around your neck to show some class and fashion" alok nito.

Ayun eh! O eh di siya na ang fashionista.

Hindi ba pwedeng I just want to look simple today. Napatingin tuloy ako sa suot ko.

"Naku kumain na muna tayo at kailangan ng tiyan ko ng laman" sagot ko sabay kuha ng aking mug.

"O basta mamaya put this on" aniya sabay wagayway sa mata ko ng kulay rosas na scarf. Tiningnan ko siya sa mata expressing fine!

Ay there! Magaling! Si crush katabi ang gf kumain. Lintek na umaga to o!

Hindi na ako nangiti after seeing them so peaceful eating together while looking at each other from time to time. Chatting over meals.

Can I just go home and magkulong na lang sa kwarto ko?

"Uy Angge napano ka ba?" Tanung ni Becky nakakapit pa sa braso ko. Takang taka sa biglang pagtahimik ko.

Tumigil ka muna please dinudugo pa ako eh. Ang puso kong duguan paki dala sa ER.

Hmmp
I guess it is time for me to look to someone else palitan ang crush na yan. Kasi naman kahit isa man lang sa nagpaparamdam sayo eh wala kang mapili para mahalin.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon