CHAPTER 8

2 0 0
                                    

Xtine's POV

"Uy Mark,salamat sa pagsama sa akin ahh" sabi ko sa kaniya. Nalaman ko na ang lahat ng past niya at masasabi kong masakit ang nadarama niya ngayon.

"Wala yun" sabi naman niya na may ngiti sa labi pero alam kong plastik lang ang ngiting iyon. Alam kong nasasaktan siya ngayon.

*FLASHBACK*

"Uhm,Na-Naoui di na ako makahinga" sabi ni Mark kaya agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kaniya.

"So-sorry *hik* I-I just need someone to cry on. Ang sakit lang kasi *hik* hanggang alaala nalang sila mama tapos *hik hik* maari pa akong mamatay dito sa paaralang ito" Napahagulgol ako matapos  kong sabihin ang mga ito. Kahit pala ako ang tumakas tapos nasabihan ko sila ng masasakit ay nami-miss ko parin sila.

"Alam mo buti ka pa nga at naaalala ka nila. Kasi ako yung taong mahal ko, di na ako maalala. Namimiss ko na siya pero parang estranghero lang ako sa kaniya. Nalaman ko nalang na nagka Amnesia pala siya kaya di niya ako maalala pero sana makaalala na siya para maging masaya na kami" sabi ni Mark at walang anu-ano ay biglang tumulo ang luha niya na agad naman niyang pinunasan. Tignan mo sa laki ng katawan niyang iyan,napaka iyakin din niya. What more pa sa akin?

"Napakaswerte naman ng babaeng iyon. Iniiyakan mo siya" sabi ko sa kaniya

"Kung di lang ako nagpaalam sa kaniya na hahanapin ko yung kapatid ko edi sana hindi niya dapat ako hinabol at di sana niya ako hahabulin" sabi niya naman na ikinakunot ng noo ko. Ang shonga pala ni girl

*End of Flashback*

"Uy wag mo na alalahanin yung mga pagdradrama ko kanina. Ang pangit ko kaya kanina" sabi ni Mark na nakapout pa

"Haha. Napakasaya ko nga kasi nakita na kitang umiyak eh. You know what, you're the first man to cry in front of me. Yung iba kasi pagmamakaawa lang ang ginagawa kapag gusto nilang makipagbalikan sa akin. Well,malas nila kasi as if naman na gustong gusto ko sila.HELL NO!!" Natawa naman siya sa akin kaya natawa nalang ako sa kaniya. Ang cute pala niya pag masaya siya ang problema kasi sia kaniya minsan cold minsan sobra sobra naman ang panjojoke.

Napabuntong hininga siya at tinignan niya ako sa mata ko. Oh my god!! Feeling ko malulusaw na ako kaya napapaiwas ako sa tingin niya.

"I always remember her whenever we are together" shems,bakit kaya? Magkamukha ba kami? Magkaugali?

"Andito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap sa loob ng mga buildings. Dito pala kayo nagliligawan ahhh" pang aasar ni Stella sa amin. Naglakad na ako palayo doon at nang matapatan ko siya ay lumaki ang mata niya. Ano na naman ba?

"Pinaiyak ka ba nito?"tanong niya kaya lumaki ang mata ko at napanganga. After 3 seconds nagregister na sa utak ko ang sinabi niya.

"No!! At bakit ko naman siya iiyakan. It's just that I already miss my family"biglang umiba naman ang mga mata ni Stella. Para bang nalungkot ang mga kaninang masayang mata niya.

"I already miss my family too. Siguro kung di ko lang sila sinagot sagot at kung di ako lumayas sa bahay,napakasaya sana namin pero di ko naman makikilala si Alex" aniya. Parehas pala kami ng dinanas nitong si Stella di nga lang pareho ang ugali namin. Syempre mas mabait parin ako,ang sungit kaya niya.

"Tara na" sabi ni Mark kaya sinunod naman namin siya. Pero bago pa kami makarating sa SSG room,pinauna ko na sila dahil nakita ko na naman yung mysterious girl na sumusulpot kahit saan na parating nakasandal sa mga pader. But this time  nakaindian seat siya at may hawak hawak siya. Linapitan ko ito tapos bigla akong kinabahan nang tumingin siya sa akin ng napakatalim,na para bang gusto niya akong saktan gamit ang mga mata niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Beneath BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon