Xtine's POV"Haaaaaaaaaaa!!" Uy wag kayong ano. Nag yawn lang ako,kakagising ko lang kaya.
Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko doon si Yvonne.Hmm bat kaya wala si Sec. Ellaine?hahaha siguro crush niya si President kaya nag selos.
"Halika kape tayo"pag aaya sa akin ni Yvonne.
"Uhm di na siguro sa canteen nalang" sagot ko naman habang kinukuha mga damit ko sa drawer na bigay ni Lady Trimaine.Dahil din sa tatlo kami dito sa room di ko alam kung saan ang drawer ko.Binuksan ko yung kulay violet na drawer dahil paborito ko ang kulay na yun.
Kumuha ako ng underwear,stripe na blue at white at jumper. Kumuha din ako ng tuwalya at naligo ako saglit.Wala naman siguro mangyayari kapag lumabas ako ng dorm at makipagsalamuha sa mga tao sa labas.Wala rin namang sinabi si Lady Trimaine na may patayan sa week end.
Pagkatapos ko naligo,nagpalit ako agad.Inayos ko anh buhok ko but I end it up with messy bun.Nagrubber shoes na din ako ng color white.
"Wow!! Ang cute mo Tin.You look like a goddess"pagpupuri sa akin ni Yvonne.
"Salamat,ayos lang ba?gagala sana ako dito sa buong Academy eh"tanong ko. Tumango naman siya.
Lumabas na ako ng dorm at dahan dahan kong isinara ang pintuan.Nakarinig ako ng kaluskos ng paa kaya napatayo ako ng maayos.Tinignan ko yung kung saan nanggaling yung ingay pero biglang nawala.Wala lang yan Tin hingang malalim...
Hooooo!!
Yan okey na.Tuluyan na akong lumabas sa dorm ko.Nakakagulat lang pero walang tao na nasa labas.Bakit kaya?
Hindi pa man ako nakakalayo,nakarinig ulit ako nang kalukos ng paa.Napalingon ako sa likod ko pero wala talagang tao kaya napilitan akong balikan yung pwesto niya kanina.
Pagkatingin ko both sides ay wala talaga.magpapatuloy na sana ako sa paglakad pero napatayo yung mga balahibo dahil sa takot.
"Nagsabi sayong pwede kang lumabas?"yung boses niya.San ko ba yun narinig?
"Ako bakit?"pagtataray ko.Feeling ko talaga sakit ko na ang pagtataray.Kumunot ang noo nitong lalaki kaya linagay ko yung dalawang daliri ko sa noo niya at Inayos ko ang kilay niyang nakakunot.
"Gusto mo na bang mamatay ha?"tanong ulit noong lalaki. Inirapan ko siya at hindi pinansin.Tinabig ko yung tagiliran niya at maglalakad na sana ako palayo sa kaniya pero pinigilan niya ako.
"Huwag mo akong talikuran kung kinakausap kita"o--kaaay?sino ba kasi tong lalaking ito.
"Wala ka ng pake doon.Eh sa gusto kong gumala eh" sagot ko with matching taas isang kilay pa.
"Wala bang nagsasabi sayo na bawal ang gumala sa sabado at sa linggo?" Muli niyang tanong.Lahat na lang ba bawal dito?Kabanas naman ohh
"Lahat na lang ba bawal dito sa paaralan na ito?ano pang bawal,huh?Bawal pa bang mag poo poo,umihi at---" Lumaki mata ko sa ginawa niya.Hinalikan niya ako sa lips ng smack kiss.
"Titigil pala ehh,hinintay pang ikiss ko siya" kainis ka kung alam mo lang.Rinereserved ko kaya tong lips ko para kay President ikaw ang humalik?Pero okay lang gwapo naman siya ehh.
Napahawak ako sa sentido ko dahil naramdaman kong sumakit ito.Ano ba naman to?Nagka amnesia pa kasi ako eh. Baka may gusto na namang ipaalala sa akin ang long lost memory ko.
"Ouch"halos pabulong kong sabi.
"Are you alright Miss?Halika na,lets go to the clinic baka mapano ka pa"nag aalalang sabi nung lalaki.
BINABASA MO ANG
Love Beneath Blood
Mistério / SuspenseSANGRIENTO ACADEMIA!! Paaralan kung saan merong patayan, May pagdadanak ng dugo, Kung saan makakakilala ka ng di tunay na kaibigan "Don't ever let your curiosity kill you" HEELLPP UUSSS!!