chapter 16: Wounded

570 26 6
                                    

Arnie's POV;

"Tama na Chase.. please..hayaan mo na sila..",awat ko kay Chase habang nakayakap sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa pero gusto ko pakalmahin sya sa kahit anong paraan..

Honestly, ngayon ko lang sya nakita na ganito..Yung galit na galit sya na parang wala syang pakelam kung mapatay nya sila Blaze..Halos balian nya ng buto ang mga ito at halos sirain nya ang mga mukha..

Naiyak na ako sa sobrang takot sa lahat ng nangyayari..

"Shhhh...wag kana umiyak.. titigil na po ako..", sagot nya.

At oo..natatakot ako para kila Blaze..Pero mas natatakot din ako sa kung anong mangyayari kay Chase kung mapatay nya nga ang mga ito.

Pero nong naramdaman ko na yumakap na sya pabalik sa akin..Alam ko nang kalmado na sya.. Nararamdaman ko na kalmado na sya..

"Hooy..sabi ko wag kana umiyak e..",biro nya pa tsaka sya bumitiw ng yakap sa'kin.

"Maka hoy kang ugok ka ha..", sagot ko.

"Iyakin ka pala?. Promise ang pangit mo..",pang aasar nya.

"Siraulo ka..hindi ako pangit noh..tignan mo nga yang mukha mo puro bangas..dagdagan ko pa yan e..",sagot ko pa sa pang aasar nya pero wala syang ibang sinagot sa'kin kundi malakas na tawa.

'Bwisit na'to..nagawa pa akong asarin..' -___-

"Haay nako..Tumawag na tayo ng pulis..",sabi ko pa sa kanya.

"Oo tatawag na tayo ng pul-----"

"Hoy..Walang hiya....!",sigaw ni Blaze na kanina pa pala nakatayo.

"Blaze ibaba mo y-------"..

*....BAANG!....*

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, nagulat  nalang ako nang makita ko ang dugo mula sa palad ni Chase..

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng gubat na syang nagpatindi ng takot na nararamdaman ko..

Walang tigil ang pag tagas ng dugo sa katawan ni Chase, habang si Blaze ay tulala lang dahil sa ginawa nya tsaka ito nagmadali sa pag takbo..Ni wala syang pakelam kung iwan nya pa ang mga kasama nyang naka handusay sa damuhan..

"Chase?... Chase....! Chase..!",sigaw ko habang pilit na sinasalo ang nawalan ng malay na si Chase.

Nakita ko pa syang ngumiti sa'kin bago sya tuluyang bumagsak sa mga braso ko..

Iyak na ako ng iyak dahil puno na ng takot ang puso ko sa isipin na kung anong mangyayari kay Chase..Saan ako hahanap ng tulong lalo na't pakiramdam ko ay mukhang walang nakakarinig sa amin ngayon..

***...ring...ring...***

Para namang sinagot ng Dyos ang panalangin ko nang makita ko na tumutunog ang phone mula sa bulsa ni Chase kaya agad ko itong kinuha para sagutin..

"...Hello.... Tristan.. tulungan mo kami... puntahan mo kami dito....si Chase..si Chase......", naiiyak at nangangatal na bungad ko sa taong nasa kabilang linya.

Ni hindi ko na sya binigyan ng pagkakataon na magsalita habang sinasabi ko ang mga details kung nasaan kami..Dahil ang importante lang sa'kin ay makalabas kami at mailigtas ko si Chase sa kahit anong paraan..

'wag ka mag-alala Chase..ililigtas kita..'

~~~~~~~~

Tristan's POV;

...2 hours later...

Nandito na nga kami sa hospital..kasama ko na ngayon ang mga kaibigan ko.. papunta na din daw ang ate at Daddy ni Arnie para i-check ang kalagayan nito..

The Gangster's Girl (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon