chapter 11: Liu's Mansion

663 25 2
                                    

Arnie's POV;

"Anong problema mo?!",yun talaga ang tanong ko kay Chase nang lapitan nya kami ng mga barkada ko.

Paano ba naman kasi..kung tignan ako e parang may binabalak na masama..Naka smirk pa e..'Ano kaya iniisip ng ugok na'to'..

"Hi girls..", pa-cute nya sa mga kasama ko na ngumiti din pabalik sa kanya.

'Di ako pinansin.. husay..!',kanina sa ex nya nagpapa-cute..ngayon naman e sa mga kaibigan ko..Babaero din pala 'tong shibolibambam na'to..

"Hoy..sabi ko anong problema mo?.",ako sa kanya.

"Ang taray naman..",pa cute na sabi nya pa.

Akala mo naman ubra sa'kin yung pagpapa-cute nya. Naiinis lang ako kasi sa twing lalapitan nya ako e kung titigan kami ng mga schoolmates naming tsismosa e ganon nalang.

"Tigilan mo ako ha..anong kailangan mo.?", pabalang na tanong ko sa kanya.

"Wala naman..maniningil lang ako ng utang..",sya na may pang asar na ngiti.

"Excuse me?.wala yata akong matandaan na nagka-utang ako sa'yo.!", sagot ko. "Tara na girls, baka ma late ba tayo sa next class natin..",sabay talikod ko sa kanya.

"Ehem.. excuse you..Do you still remember this?.",di ko tuloy maiwasang lingunin sya ulit nang pinakita nya ang picture na nasa phone nya.

Grrrrrr.. picture yun ng kotse nya..yung day na nabangga ko sya..yung unang araw na nag kakilala kami.. bwisit talaga pag naalala ko yun..

Nabanggit ko ba na napagalitan ako dahil doon?.At yun yung reason kung bakit bawal na ako mag drive ulit..Tsaka na daw pag may sarili na akong sasakyan.. Badtrip talaga.!

"Oh tapos?", sarcastic na sagot ko.

Syempre, ayoko naman na makita nya na naapektuhan ako sa picture na yun.

"Oh Miss Cortez..how can you easily forget.?", mayabang na sagot nya na lalong nagpa badtrip sa'kin.

Yung mga kasama ko naman e tahimik lang pero halatang naguguluhan sa nangyayari.

"Ano ba kasing problema mo?.",inis na tanong ko.

"Kukunin ko na yung second condition ko..",she said while smirking.

"Oh ano nga yun..nang matapos na'tong pangbubwisit mo sa araw ko.!", sagot ko.

Honestly, alangan padin ako pag kinakausap ako ng tomboy..lalo na ng mayabang na tibong katulad nya.

"Promise.. you won't say no?.",paninigurado nya.

"Oo na..sasabihin mo ba o aalis na kami?.", sagot ko.

"My second condition is...be my tutor..", sagot nya.

"Okay..yun lang pal---------- .. wait what?! No way!.",tarantang sagot ko.

Sinong di matataranta doon e ayaw ko nga sya makita diba?.Makasama pa kaya.?!

Pero wait..matalino naman sya..nag-e excell nga sya sa maraming subject e..ba't sya nagpapa-tutor sa akin..

"So ayaw mo?.", sabay pakita nanaman ng picture sa phone nya.

Lakas mang threat ni loko..akala siguro nya matatakot nya ako..

"Wag mo nga akong tinatakot sa ganyan mo.. Matagal na akong takot!.", sagot ko with crossed arms sa kanya.

"Mukha namang totoo yung sinasabi mo e..hmmm.. wait lang ha.. may tatawagan lang ako..", tsaka sya nag dial ng kung kaninong number sa phone nya.

The Gangster's Girl (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon