chapter 15: Finding Found

571 27 9
                                    

Arnie's POV;

Wala nang pumapasok sa isip ko kung hindi takot sa thought na may balak silang gawin sa akin. Hanggang sa mapansin kong nag aalis na ng polo yung isa sa mga kasama nya na lalong nagpakaba sa akin..

"Blaze please..let go of me..",sabi ko pa sa kanya.

"Hahaha..sige ganito nalang..bibilang ako ng sampo.....",sya na may evil smile.

"Simulan mo nang tumakbo habang nagbibilang pa ako..pero after 10 counts..magtago kana..",sabi pa nito.

"Blaze..",tanging nasabi ko habang takot na takot.

"Isa.....",sabi nya.

Tsaka ako nagsimulang tumakbo ng mabilis..Wala na akong pakelam sa kung anong meron sa mga madadaanan ko..Ni hindi ko na alintana yung mga gamit na naiwan ko makatakas lang ako sa kanila..

Sinimulan ko ding magbilang sa isip ko..para kahit papano ay alam ko kung gaano pa sila katagal hihinto sa lugar kung saan ko sila iniwan..Hindi ako sigurado kung nasaan sila pero tumatakbo lang ako at hindi na lumilingon pa..

Hanggang sa matapos ang 10 counts sa isip ko..

Honestly, hindi ko alam kung saan ako pupunta..Hindi ko naman kabisado ang kasukalan na ito..Hindi ko nga din makita yung highway..kahit yun nalang sana..kaso hindi ko alam kung tama ba ang tinakbuhan ko..Ang importante lang sa'kin e makalayo sa kanila..

Hanggang makaramdam ako ng pagod..yung halos habulin ko na yung hininga ko sa sobrang pagod..Pero nangingibabaw padin yung thought na kailangan ko maka takas sa lugar na ito.

Madilim na din..Hindi ko sigurado kung nasaan ako at anong oras na dahil mas importante sa'kin yung maka alis ako sa lugar na ito..Kung paano ay di ko alam..

Pagod na talaga ako, takot at uhaw..Naisip kong umupo muna sa likod ng malaking puno habang palinga-linga sa paligid..Hindi ko kasi alam kung nasaan na sila..o kung nasundan ba nila ako..

Maya-maya..

"Arnie....",mala demonyong sigaw ng isang lalaki.

Ito na siguro ang boses na pina-panalangin ko na di ko na marinig ngayon..

"Arnie..yohoo..",sabi ulit nya habang yung mga kasama nya ay panay ang tawa..

Mas kinilabutan pa ako nang maramdaman kong papalapit na ang boses na ito sa kung nasaan man ako..

"Lumabas kana..wag mo na kami pahirapan..",sabi naman ng isa sa kasama nya.

"Hahaha..Oo nga..mamaya naman e mae-enjoy mo din naman 'to..",sabi naman ng isa sabay halakhak..

"Kung ako sa'yo lumabas kana..Kanina mo pa kami pinapagod oh..wag mo ako galitin!.",sigaw ni Blaze na sobrang kinatakot ko..

"Dyos ko..",tanging nasabi ko nang naramdaman kong malapit​ na talaga sila..Kaya nag isip ako ng paraan para mataguan sila..

Naisip kong itago ang sarili ko sa ilalim ng nagkalat na mga natutuyong dahon sa paligid..Wala na akong pake kung after nito ay mangati ako..Ang importante ay maitatago ko ang sarili ko sa kanila..

Nagmadali pa akong gawin ito..mula ulo hanggang paa ay tinabunan ko ng dahon ang sarili ko..Swerte pa nang may malaking naka tumbang puno na maaring tumabon din sa lugar kung nasaan ako..

Maya-maya nga ay naramdaman ko nalang na nandito na sila sa lugar kung nasaan ako..

Pigil hininga pa ako para lang makapag tago sa kanila..Takot kasi ako na marinig nila pati ang pag hinga ko..habang ako ay dinig na dinig ang bawat yabag ng mga paa nilang alam ko ay malapit lang sa akin.

The Gangster's Girl (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon