chapter 19: Julia

255 9 1
                                    

Chase's POV;

"Anong nangyare doon?.",tanong ni Tristan sa sarili nya. Paano ba naman nagmamadaling tinalikuran kami ni Arnie wala tuloy nagawa yung mga kaibigan nya kundi sumunod sa kanya.

Sabagay..di na ako nagtataka na gawin nya yun..Ilang araw naba kaming ganito..I mean yung walang pansinan..ni hindi nya ako gawing tignan man lang.. Haay..

"Friend nyo sila?.",tanong ni Julia.

Kaibigan ko nga pala.. kakauwi nya lang from America and she decided to transfer here since nandito ang work ng father nya. Kung magtataka kayo kung bakit super close kame e dahil magkababata kami..Like every vacation ay nagkikita yung family namin just to go out of town.. Syempre kasama din ng family nila Tristan at ng iba pa..

She's beautiful pero hindi kami talo.. Best friend ko kasi sya talaga..sabi nga nya kami lang ang girls sa magkakabarkada..noon pero ngayon sya nalang..hehe

"Ahh.. Oo..", sagot ni Ian.

"E bakit parang nagmamadali..?", tanong ulit ni Julia habang nakatingin padin sa papalayo nang sila Arnie.

"Ewan..hayaan mo na sila..", sagot ko.

"Kamusta ka naman Julia?. Di ka nagpaparamdam e noh?.",sabi pa ni Kenneth which is totoo naman..Simula kasi yata ng mapunta si Julia sa America e sobrang busy sya sa studies nya doon..

"Oo nga..buti pa nga si Chase na contact mo noong pauwi kana..",sabi pa ni Nicholai.

"Sorry naman..busy lang talaga..Alam nyo naman diba?.", sagot ni Julia.

"Tigilan nyo nga si Julia..baka pagod na'to..", singit ko sa kanila.

Kakarating lang kasi talaga nya at dito sya dumiretso since sinabi ko kung nasaan kami.

"Kahit kelan Casedey ang KJ mo..",sabi pa ni Julia tsaka tumawa ng malakas. She knows na ayaw ko na tinatawag ako on my real name. 😑

"Julia..stop calling me on that name..",pikon na sabi ko.

"Hahaha.. you're still you..",sabi nya pa.

"Hahaha.. you're still you..blah blah..arte..",pang gagaya ko sa kanya.

"Tse.!",sya sabay irap sa akin.

"Ano na nga.. kamusta nga kayo..anong bago?.", tanong nya ulit.

"Walang bago..ganon padin..", sagot ni Jayvee.

"Soos..baka naman puro bagong chix kayo weekly ha..",usisa pa ni Julia.

"Asa ka.. single kami noh..Ewan ko lang dito kay Chase..", sagot ni Cliff sabay baling sa'kin.

"Oh.. bakit ako?.", tanong ko.

"Ikaw lang naman kasi ang maraming babae..haha..", gatong pa ni Kenneth.

"Siraulo.."- ako with this 😑 face.

"Nakow Chase.. nahahawa kana sa mga yan..",si Julia sabay tawang pang asar.

"Anong nahahawa..mas malala yan..",pang aasar pa ni Tristan.

"Whatever..",ako sabay irap.

"Oh my.. don't tell me may chix ka sa mga umalis kanina..",usisa ni Julia at malakas na tawanan naman ang isinagot ng mga barkada ko.

"Di ba kayo titigil?.", pananakot ko sa kanila at mukhang effective dahil tumahimik naman sila. "Wala akong chix noh.."

"Maaga pa naman.. tambay muna tayo sa coffee shop malapit dito..",aya ni Nicholai na sinang ayunan naman ng lahat.

The Gangster's Girl (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon