chapter 12: Tutorial

586 21 2
                                    

Arnie's POV;

"Ano ba Chase.. makinig ka nga!",inis na sabi ko sa kasama kong halatang walang interes na makinig sa tinuturo ko.

Paano ba naman, halos isang oras na kami dito e pakiramdam ko ako lang yung nakikinig sa sarili kong tinuturo..

'siraulong 'to..walang ginawa kundi barahin yung pagtuturo ko.'

Andito nga kami sa mini library ng mansion ng mga Liu. Nong una e akala ko sa kwarto nya kami mag aaral..Buti nalang noh, awkward kaya pag sa kwarto..Mamaya e anong isipin ng mga tao dito.

"E napapagod na yung utak ko..hindi ba tayo magpapahinga muna?.", reklamo pa ni Chase.

"Utak?.wow..may utak ka pala?.hahaha..Tsaka paano ka napagod e parang di ka naman nakikinig.!",pagalit ko sa kanya na obviously e hindi din naman pinakinggan.

"Haaay..antok na ako..",sabi pa nya.

Sabi ko na di nya pinakinggan sinabi ko e..Ang walang hiyang 'to..naghikab lang sa harap ko..

**..Tok..tok..tok..*

"Hoy..may kumakatok..buksan mo..",utos ko sa inaantok na si Chase.

"Haay..kainis..Oo na nandyan na..",sabi nya pa na halatang antok na antok na talaga habang papunta sa pinto para buksan nga ito.

Di ko tuloy maiwasang mapa ngiti..Isip bata e..

'cute pala sya pag naiinis'..'teka nga anong sabi ko?. erase erase..!',nagtatalo nanaman ang isip ko..kainis..!

"Hoy.. okay ka lang?.",tanong ni Chase habang kunot noong nakatingin sa'kin.

"Huh?.ahh..oo naman..bakit?.",tarantang tanong ko.

"Tulala ka e..muka kang tanga..",pang aasar nya sa'kin.

"Nakow hija..baka pagod na yang kaibigan mo..Oh kainin nyo muna 'tong dala ko..",sabi pa ni Manang Emmie.

Haaist..kainis!. Di ko man lang napansin na sya pala yung kumatok..Di ko nga napansin na nakapasok na pala si Manang.

'Nakow Arnie..ano bang nangyayari sa'yo?. focus!.", pagalit ko pa sa sarili ko.

"Ahh..sige po..pasok nyo nalang po dito..paki lapag nalang po dyan sa lamesa..",sabi pa ni Chase sa matanda.

"Okay ka lang hija.?",tanong pa ni Manang Emmie sa'kin.

"Ah opo..salamat po sa dala nyong meryenda..",ako sabay ngiti sa matanda.

"Turon!..",si Chase na parang tangang exited sa dalang meryenda ni Manang Emmie.

"Hooy..ang ingay mo..",saway ko sa kanya.

"E bakit ba?.Masarap kaya 'to..pinaka masarap ang luto ni Manang Emmie sa lahat..",parang batang nag yabang si Chase habang sinisimulan nang kumain.

"Hehe.. pasensya kana hija ha..paborito nya talaga yan e..",sabi pa nito sa'kin.

"Nakow 'Nay wala po iyon.. salamat po ulit..",sabi ko pa.

"Walang ano man..Sya sige, at ako'y bababa na't naghahanda na din ako ng hapunan e..",paalam pa sa'min ng matanda.

Ngumiti lang ako sa kanya.. Itong isang 'to nama'y halata ang katakawan..Di man lang nag paalam ng maayos sa matanda..tssk..

"Hoy kumain ka..",alok pa ni Chase habang ngumunguya.

'Medyo baboy..di man lang tinapos ang pag kain bago nagsalita..',sabi ko pa sa sarili ko bago ako kumuha ng makakain.

The Gangster's Girl (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon