chapter 17: Start Right?

484 19 0
                                    

Arnie's POV;

Nandito padin kami sa ospital.. Syempre kahit papano ay gusto ko na ako ang mag alaga kay Chase..utang ko sa kanya ang buhay ko..

Sobrang na-appreciate ko talaga yung bagay na ginawa nya para sa'kin..Sino ba naman ako para gawin nya yun..

"Hooy.. bakit natutulala ka dyan?.",tanong ni Chase.

"Wala..Oo nga pala dadating yung ate ko ha..makikilala mo na din sya..",sabi ko pa sa kanya.

"Okay..",sagot nya.

Nasasanay na talaga ako na ganyan sya makipag usap.. tipid.. -__-

"Arnie..may naghahanap sa'yo..",sabi ni Manang Emmie papasok ng room.

"Ate...", excited na sabi ko pa.

Pero parang di nya ako napansin.. nakangiti lang kasi sya habang naka tingin kay Chase..

"Hello.. nagkita tayo ulit..",sabi pa ni ate kay Chase..

'teka.. kinikilig ba sya?.', tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kay ate Jessie.

"Yeah.. it's you again..", sagot ni Chase habang nakangiti din kay ate.

"Jessie.. ulit..",sabay abot ni ate ng kamay nya para makipag shake hands.

"Chase.."

"Yeah I remember..How can I forget..", makahulugang sagot ni ate.

"Thank you for saving my little sister ha..",si ate ulit.

"Wala yun..",tipid na sagot nya.

"Ahhm..wait.. magkakilala kayo?.",singit ko sa kanila.

"Oo..sya yung nag ligtas sa'kin sa holdaper last last month.. Customer din natin sya sa coffee shop..", sagot ni ate sa'kin pero ang nakaka tawa e kay Chase lang sya nakatingin.

"Ate mo?.", tanong ni Chase.. tumango lang ako as an answer.

"Paano?.",pang aasar ni Chase.

"Anong ibig mong sabihin ha?.", mataray na sagot ko sa kanya sabay hampas sa braso..

"Ouch..",pag iinarte ni Chase. Syempre alam ko naman kahit papano kung kailan sya nag iinarte lang. Ilang weeks na din kaming magka kilala e..

"Arnie stop..",saway ni ate. Tsaka ko inirapan si Chase. At yung isa naman e ayun, tinatawanan lang ako.

Nagtagal pa kami ni ate sa ospital..pansin ko kung paano sya magpa cute kay Chase..Kilala ko si ate, alam kong gusto nya si Chase. Nabanggit din naman nya ito noon. At yung isa naman, pini-flirt din si ate..Na parang wala ako sa harap nila..Guys, I am not jealous. Nakakairita lang ang harutan nila.

"Ahhmm ate..Nag text na si Dad.. hinahanap na tayo..",singit ko sa kanila.

"Oh.. okay..", sagot nya sa'kin. "So paano Chase, alis na kami.? Balik nalang kami bukas ha..",sabi pa ni ate.

'At talagang babalik pa sya dito?. Knowing her?.Ayaw nya nga sa amoy ng hospital..'

"Arnie tara na..",sabi pa ni ate. Tsaka kami nagpaalam kay Chase at kay Manang.

....sa kwarto ko sa bahay...

***...tok..tok..tok...**

"Sino yan?.",tanong ko sa kumakatok.

'Inaantok na ako e..nakow naman..'

"Arnie bilis..",sagot ni ate.

Tsaka ko nagmamadaling binuksan ang pinto. Feeling ko kasi emergency yun e. Makapagpa madali sya diba?.

The Gangster's Girl (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon